Ano-ano nga ba ang mga pangarap ng isang bebe? Ang mga sumusunod ay ang mga naisin o pangarap ng isang bebe sa kanilang hinaharap.
1. Maging Business Manager
Maging Business Manager ay isa sa pinaka-malaking pangarap ng isang bebe, bukod sa malaki ang sweldo, maaari ka ring mang-api sa trabahong ito at maging boss ng iyong mga minions. Ano pa nga ba ang mas eenjoy pa sa pagiging manager sa damputan ng tae? Bukod sa namumuno ka sa pagdampot ng taeng may nakakasulasok na amoy, maaari mo pang maranasan ang one in a million experience, ang pag-ligo sa tae.
2. Maging normal
Hindi normal ang isang bebe, ang mga bebe ay may katangian din na sadyang hindi pang-karaniwan, ang pagkamuhi sa saging at sa buko, at sa mga ano pang may kinalaman dito. Saan ka naman nakakita ng saging na may buto na kasing laki ng paminta? At ayun nga ang dahilan ng hindi nila pag kain ng saging, dahil malaki ang buto. At sa buko naman, simple lang, hindi "DAW" masarap.
3. Sundan ang agos ng ilog
Nais ng mga bebe na sumunod sa trending, at dahil trending ang ilog pasig ngayon, gusto nila itong sundan.
Ano nga ba ang nangyayari sa isang pangkaraniwang araw sa buhay ng mga bebe? Alamin sa susunod na chapter :D
BINABASA MO ANG
Pabebe 101
HumorPabebe 101. The ultimate guide to the bebe awesomeness. Gusto mo bang maging bebe? Halina't sundan ang yapak nang isang bebe! Maging tamad at batugan. Ipaglaban ang Kabebehan! Based on a true story.