Ano nga ba ang mga pinagkakaabalahan ng isang bebe? Ipapaalam ko lang sainyo ang pinaka gustong gawin ng mga bebe sa kanilang buhay-buhay.
1. Matulog
Isa sa laging ginagawa nang isang bebe ay ang pagtulog at gumising ng gabi at pag dating ng umaga ay matutulog ulit. Laging natutulog ang mga pabebe dahil gusto nilang ginigising sila, pabebe eh. Ganyan ang mga pabebe, isa itong paraan upang sabihin nila sa mga magulang nila na, "Oh ikaw tulog ako gisingin mo ko, gusto ko yung pang action star". Gusto ng mga bebe na gisingin sila with feelings, yung bongga dapat kasi tulonggis ang mga bebe.
2. Mag laptop
Ang paglalaptop ay isang gawaing hindi makakalimutang gawin ng mga bebe, kumbaga daily routine na nila ito, parte ng buhay, kaibigan, kasama, kaagapay, PCSO! Pero talagang gawain na nila ito at talagang never pang nakalimot gawin. Minsan sa kama, minsan sa sahig, sa banyo, sa bubong, sa rooftop, minsan sa inidoro. Pero sa sobrang kaadikan ng mga bebe ay nakakatulog na sila sa tapat ng laptop.
3. Mag Celestia Luna
Syempre kailangan ng libangan ng mga bebe, pwede ring libingan, pero maaga pa kaya libangan muna. Ang Celestina Luna ay isang laro na nilalaro ng mga bebeng kasing ganda ni Pauline Luna at sa mga lalaki naman, Juan Luna, wala na kong maisip na Luna sa lalaki kaya yan na lang kahit labag sa loob ko. Oo dapat maging kasing ganda ka ni Pauline Luna at kasing gwapo ni Juan Luna kung ikaw may magiging isang bebe, yung tipong sa sobrang ganda/gwapo mo hindi ka matitiis ng sino man.
4. Mag Airplane watching
Gawain ng mga bebe ang pag-masdan ang mga Airplanes sa night-sky. Lalo na kung magkalapit ang bahay niyo, yung tipong yung dadaang mga Airplanes sainyo ay makikita sakanila.
"May Airplane"
"Wala pa.."
"Ayan na meron na?"
"Wala pa.. AYAN NA AYAN NA!"
"Anong eroplano yan?"
"Cebu Pacific."
"Ay oo nga dilaw"
"Gagi baka lemon na lumilipad yan"
At hanggang sa hindi na naubos ang mga eroplanong nagdadatingan.
5.Matulog ng 8AM
Gawain ng mga bebeng matulog ng 8AM pataas. Yun lang :D
6. Hinaan ang boses pag may kausap
Hinihinaan ng mga bebe ang kanilang mga boses kapag may kausap sila sa cellphone, may tao daw kasi.
"Mhayjdh tsjhganwugsg"
"ANO!?"
"Fxmivnuhnf ssdfs"
"Wala kong maintindihan!"
"Mhay Thao"
"May taho!?"
"MAY TAO!"
"Ahh.."
Takot rin ang mga bebe sa mga magulang nila, pero minsan hindi.
7. Dutdutin ang mga mata
Dinudutdot ng mga bebe ang kanilang mga mata para maging mapula, dumugo! Pero hindi, hanggang pamumula lang. At pagkatapos ay baba na sa sala upang ipakita sa mga magulang na natulog sila at kakagising lang, at naghilamos pa! Akala mo natulog talaga, gawain talaga ng mga bebe ang manlinlang. Isang panlilinlang nila ang kanilang kabaitan...
Gusto mo bang maging bebe? Nais mo bang sumunod sa yapak nila? Ngayong nalaman mo na ang mga gawain ng mga bebe.. Abangan ang susunod na chapter at alamin ang mga pangarap ng isang bebe!
BINABASA MO ANG
Pabebe 101
HumorPabebe 101. The ultimate guide to the bebe awesomeness. Gusto mo bang maging bebe? Halina't sundan ang yapak nang isang bebe! Maging tamad at batugan. Ipaglaban ang Kabebehan! Based on a true story.