Battle of the BRAINless

26 7 0
                                    

({ Khalla's P.O.V})

"Para sa inyong mga natitira! Maxine - Joshua - Pamela - Jade -  Angel - Khalla - Carmina ! Maglalaro tayo ng battle of the brainless !" Anunsiyo ng killer sa amin

Kabadong kabado naman ako dahil oo aminin na nating lahat gwapo ako chinito at kissable lips kaya nga ako tinanghal na the new campus boyfriend eh! Pero sa kabila ng lahat nakakahiya man sabihin ngunit hindi ako magaling sa klase kung sakali ngang may battle of the brainless baka ako pa ang mag volunteer at baka manalo pa ang section namin.

"Okay! This is a individual game isa isa ko kayong bibigyan ng nonsense na tanong kapag di niyo ito nasagot isa isa kayong maiipit sa pader gumagalaw yan actually! Isa isa lang ang maaaring makalusot sa nagiipit na pader dahil kapag kayo nandaya baka mapatay ko kayong lahat ng sabay sabay! So let the brainless game begin ! " Wika ng killer sa amin

Nagtinginan naman kaming magkakasama at sinasabing makakalabas kaming lahat dito.

"Guys! Tiwala lang sa isat isa at panigurong maliligtas tayo! Fight!" Wika ko sa kanila at sumang ayon naman silang lahat

"Question #1 : bibigyan ko lamang kayo ng 10 seconds para masagot ito ! "Kung si cinderella ay may two step sisters , Si goldilocks ay may two bears , Ilang dwarfs ang meron kay sleeping beauty?!" Tanong ng killer

"Walaaaa?! " maikling wika ni Angel na halatang di pa sigurado

"Tama! Congratulation Angel matutuloy mo pa ang buhay mo dito sa isla " bati ng killer kay angel at ligtas na ngang nakalabas si angel

"Second question : Kung ang ingles ng bente ay twenty at ang singkwenta naman ay Fifty ilan na ang naging presidente ng pilipinas? "

"F-fo-fourteen !" Sigaw ni Carmina

Pagkatapos nun ay dali-daling tumakbo si carmina palabas at ngayon ay ligtas na siyang nakalabas

"Next Question : kung ang January 1 ay new year at ang december  25 ay Christmas anong event naman ang meron sa august 31 ?!"

"Independence day !" Biglaang sagot maxine at tumakbo na papalayo

"Next Question: Anong country ang huling nanalo ng Ms.universe 2015?!"

"Ms.Colombiaaaa! " wika ni pamela at confident naman na tama ang sagot niya kaya tumakbo na palayo

"Hahah! Ngayon tatlong estudyante nalang ang naiiwan! Khalla , Jade , at Joshua! Sino sa inyo ang huling dalawang makakaligtas at sino ang mamamatay!" Tanong ng killer sa amin

Takot at kaba ang nararamdaman ko sa oras na ito dahil hindi ko alam kung makakaligtas pa ako dito sa pesteng punishment na ito ! Gusto ko pang mabuhay dahil sayang naman ang gwapo ko saka marami pa akong pangarap sa buhay

"Ang huling laro ninyong tatlo ngayon ay isang maze runner! Mag uunahan kayong makalabas sa pader na iyan! Ang mahuhuli sa inyo ay mamamatay o i mean mapipitpit ng pader! So are you ready?!"

Grabe naman! Mag uunahan kami para lang dito siyempre sa isang laro hinding hindi mawawala ang mga kalaban o let say mga traydor kaya swerte ko nalang kung makakaligtas ako dito sa larong ito.

"Yun lang ba?! Tsk. Haha Game! Sorry dudes pero mas mahalaga ang buhay ko!" Lakas loob kong sabi sa kanila

Nakita ko naman ang expression ng mga mukha nila si joshua halatang inis na inis siya dahil siguro sa inasal ko samantala si jade ay nagta-tapangan pero deep inside takot na takot siya sa sinabi ko

"So ready , get set , Die!! Takbo mga duwag! Takbo hahaha!" Pang aasar ng killer sa aming tatlo

Tumakbo naman ako at basta ang alam ko ako ang nauuna sa tatlo at tinignan ko sa likod mukhang nahuhuli si Joshua kasi ako at si jade ay mga players ako sa basketball siya sa soccer

Nauuna na ako malapit na sana ako sa exit kaso hindi ko nakita na may malaking bato pala sa tinatakbuhan ko dahil dun ay nagkasugat ako sa tuhod at sa sobrang sakit hindi ko na kayang tumayo

"Pre! Tulungan mo akong tumayo! Ayoko pang mamatay!" Pagmamakaawa ko kay Jade at Joshua

"Sorry pre! Dahil ikaw na rin ang nag traydor sa amin ! Mahal pa namin ang buhay namin! Sorry at Paalam!" Wika ni joshua habang si jade naman ay tahimik lang

"Mgaaa! Pare! Wag huhuhu! " pagmamakaawa ko sa kanila habang pinagmamasdan na lumabas sa exit

Huli na ang lahat para bumangon muli dahil alam ko namang mamamatay na rin lang ako nag dasal nalang ako at pagkatapos nun naramdaman ko nalang ang impact ng pader sa akin na agad ko namang ikinamatay dahil sa napitpit ako na parang palam ng tinapay

"It's a goodbye for a traitor! Hahah !" Rinig kong Wika ng killer bago ako mawalan ng buhay

__________**********__________

SPED IV-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon