Died

23 4 2
                                    

({Maxine's P.O.V})

Nandirito kami ngayon lahat sa beach at nag eenjoy at kinakalimutan nalang kahit sandali ang bangungot sa aming buhay habang naghaharutan kami dito sa dagat ay biglang umingay ang pesteng speaker na yan....

"He-Hello SpedIV-A! Nageenjoy ba kayo sa dagat?! Haha! Aw sayang at hindi na kayo kumpleto HAHAHA B.T.W i have surprise sa inyo pwede bang pumunta kayo sa Room 666 sa hotel at duon makikita ang surprise niyo. SEE YOU! HAHAHA" Mapang asar na wika ng pesteng killer

Dahil sa takot at kaba namin ay sabay sabay kaming tumakbo papunta sa hotel at huminto muna kami sa harap ng hotel upang i check ang aming attendance

"Si-Sino ang wala?" Tanong ng aming President na s Inah

"OMG! Guys! Wala dito sina Liberty at Pamela! Anong gagawin natin?" Kinakabahang sabi ni Sofia

"Sige pumunta na tayo sa Room666! Be sure na magiingat kayo dahil baka may mga patibong diyan! Magsama sama tayo! Kaya natin yan" Wika ko sa kanila

Dahan at maingat kaming naglalakad papasok ng hotel upang makasiguro kami na walang mawawala sa amin ngayon Sampung hakbang nalang at malapit na kami sa Room 666 ng biglang may sumigaw na talaga namang nagpakaba sa aming lahat

"May PALAKOL!" sigaw ni Ivan at biglang nagsidapa kami ngunit sa di inaasahang pangyayari ay tumama ang palakol sa Hips ni Romeo at bigla nalang itong nahati gulat at takot ang naramdaman naming lahat sa nakita namin ngayon

"Kyaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!" Sigaw naming lahat na babae at ang iba naman ay nagsiiyakan na

"Rom-Romeo?!" Sigaw ni Inah

"Guys! IM SORRY pero kailangan na nating tumakbo dahil pag di pa tayo nagpatuloy maaaring mawala na naman tayo ng Dalawa" wika ni Sofia sa amin tumakbo na nga skami at pumasok sa ROOM 666

({Third Person's P.O.V})

Nagulat ang lahat sa kung anong nakita nila sa loob ng kwarto dahil sa loob ng kwarto na iyon ay parang auditorium room na malawak at may Mini Stage sa harapan at may upuan na parang sa sinehan naman sa tapat din ng stage nagsiupo naman na ang lahat ng natitirang Sped IV-A

-Alexa-Jade-Kate-Angel-Trsizhen-

Kenneth-Valerie-khelly-Mark-Sofia

-Louza-Evickson-Sabel-Joshua-Krysthal

-Inah-Maxine-Ivan-Drake-Carmina-Kian

Yan ang arrangement ng upuan nila habang nagiisip sila kung ano ang mangyayari ng biglang sumigaw ang kanilang kaklase na nakakaawa talaga ang itsura

"GET OUT OF ME! I can Manage hindi ako tatakas dahil alam kong papatayin niyo lang din kami!" Palaban na wika ni pamela nakakaawa talaga ang itsuta niya dahil dugo dugo ang ulo niya at halata mong fresh ito

"Puwede ba! Huwag niyo ngang ganyanin ang mahal ko kaya niya yan!" Sigaw din naman ni liberty na may dugo din sa kanyang ulo

Dinala sila ng dalawang malalaking lalaki sa may stage na may mga weapon at may glass na nakaharang kaya naman hindi nila malapitan ang dalawang kaklaseng kawawa

"Hello Players! Wanna play a Death Game? EXITING RIGHT? HAHA! Nakikita niyo naman siguro ang Love Birds sa harapan niyo! Maliligtas niyo lang sila kung sakaling magawa niyo ang aking ipapagawa ngunit kung hindi niyo magagawa ito Goodbye to your Dearest Classmates! Haha! Let the battle begin!" Wika ng killer na nakakakilabot

"Omg! Guys! Kaya ba natin ang ipapagawa ng Demonyo na yan?" Tanong ni Kate

"KAKAYANIN NATIN YAN! TIWALA LANG!" Wika ng kanilang Presidente na si Inah

SPED IV-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon