({ Liberty's P.O.V})
Haist! 50+ kami sa klase nuon pero ngayon ay 24 nalang kaming natitira sa pesteng larong ito
Natutwa ako dahil isa ako na nakatili paring nakatayo sa larong ito dahil umpisa palang alam kong mamamatay na kaming lahat kaya nga lang unahan lang ito swerte mo kung makaligtas kapa dito..
Pero alam niyo ba kung ano ang talagang natutuwa ako ? Pwes hindi ano kundi sino at wang iba kundi si Pamela my one and only babe
Handa akong magpakamatay at isakripisyo ang buhay ko para lang sa kanya kahit na alam kong hindi niya napapansin ang effort ko:(
nandirito ako ngayon sa kwarto ko kung saan isang kwarto lang ang pagitan namin ni pamela kaya nga mas okay na ang malapit sa kanya para atleast maligtas ko siya
Kung para sainyo nagpapakatanga ako sorry naman pero diba ganun naman talaga sa pagmamahal lahat nagpapakatanga para sa taong mahal mo :)
Nag iisip ako dito sa kwarto habang nakahiga dahil wala akong ganang magswimming sa beach ngayon kung saan nandun ATA lahat ng aking mga kaklase
Dahil sa super boring dito sa kwarto ay pumipikit pikit na ang aking mata na hudyat na inaantok na ako ng biglang may sumisigaw at humihingi ng saklolo na alam kong malapit lang sa kwarto ko at biglang matandaan ko kung kaninong boses yun
"T-tu-tulungan niyo a-ako!
Hin-Hindi ako makahi...?!Oh Sh*t?! PAMELA?! No NOT THIS DAY!
Napatakbo naman ako sa kwarto ni pamela at nagulat ako ng nakasara ito umiiyak na ako sa kaba dito dahil hindi ko alam ang gagawin ko pag may masamang nangyari kay pamela
Kaya naman sinipa ko ng napakalakas ang pinto at nasira naman siya agad THANKS GOD!
Ngunit hindi ko inaasahan ang nakita ko nung pagkabukas ko ng pinto dahil si pamela ay nakahiga at walang malay
"Pamela!PAMELA!Please? Gumising ka" wika ko sa kanya habang niyuyugyug
Ngunit nagulat na lamang ako ng biglang may nagtakip sa akin ng panyo na may kakaibang amoy kaya naman bigla na lamang akong nawalan ng malay
Basta ang huli kong ginawa ay hinawakan ko ang kanyang kamay.
---------------**************--------------
([ Pamela's P.O.V ])
Hay ang love nga naman alam niyo ba MAHAL KO NAMAN TALAGA SI LIBERTY MANUEL.Kaya nga lang natatakot akong magmahal muli alam niyo yung feeling kasi na ayaw mo ng maranasan yung sakit na dinanas mo nuon?
Saka may isa akong kasabihan na pinapahalagaan yun ay
"Don't TRUST too much,
Don't LOVE too much,
Don't HOPE too much,
BECAUSE THAT TOO MUCH CAN HURT YOU SO MUCH"Kaya nga kapag may nanliligaw sakin hindi ko sinasagot kundi pinaghihintay ko muna sila para malaman ko kung kaya ba talaga nila akong mahalin because
"TRUE LOVE WAITS"
Hay! Kung alam mo lang sana ang totoo liberty lahat ng ginagawa mo para sakin ay super na a-appreciate ko talaga at duon ko napatunayan na may mga lalaki pa palang kayang ipakita o hindi lang ipakita kundi iparamdam sayo kung gaano kaba talaga ka importante at kamahal sa kaniya.
Dahil sa feeling ko ay naguguilty ako sa mga ginawa kong pag-snob kay liberty sa mga effort niya ay naiwan nalang ako dito sa kuwarto ko para mag isip isip dahil wala ako sa mood makipag enjoy sa mga kaklase ko
Hindi naman ako natatakot na baka patayin ako ng killer na yun dahil nuon palang handa na ako at bago man sana ako mamatay masabi ko kay liberty lahat ng nararamdaman ko sa kanya...
Habang nagiisip ako ay di ko namalayan na parang may may usok na kumakalat sa buong kwarto ko kaya sa sobrang kaba ko ay napatakbo ako agad sa pinto at tinadyakan ko ngunit ayaw siya mabuksan kaya naman sumisigaw sigaw ako at nagbabakasakaling mayroong makarinig sa akin
" "T-tu-tulungan niyo a-ako!
Hin-Hindi ako makahi...?! "Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla nalamang ako nahimatay
And all went black but the last word na sinabi ko ay......
I LOVE YOU LIBERTY!
---------------*************---------------
([Killer's P.O.V])
Nandito kami ngayon sa sala ng hotel kung saan ko sila kinulong dito sa isla.
Ang iba ay naka upo lang habang nanunuod ng Television kung saan nanunuod sila ngayon ng Horror Movie na ang title ay "the conjuring"
Ang iba naman ay kumakain at ang iba ay nakahiga lamang at ako naman ay pasimpleng nakatingin sa kanila at inoobserbahan ng biglang nagsalita si Ms.Chuckie Princess
"So bored here! Guys! Wanna swim in the beach?" Tanong ni Sabel
"Oh good idea! Tara! Nakakantok na kasi eh" sang-ayon na sabi naman ni Maxine
Oh good idea nga! Masasagawa ko na rin ang plano haha sino kaya ang susunod?
"Oh sige! Tara na bawal ang kj guys!" Saad naman ni Inah ang aming walang kwentang presidente
Nagsitayuan naman na ang lahat at naglakad na papunta sa beach
Kasama ko namang naglalakad ngayon sina Kate Louza at Pamela ng biglang nagsalita si Pamela"Ahm Guys! Punta muna ako sa kwarto ko duon nalang ako wala kasi akong gana eh sige ah" paalam samin ni Pamela at naglakad na papunta sa kwarto niya
Aha! Goodluck pamela! See you in hell! Hahahaha
Matapos magpaalam ni pamela ay nagpaalam ako saglit kay louza na mauna na siya at dahil ang tanga niya sinunod naman niya kaya naman pasimple akong pumunta sa hotel kung nasaan si Pamela
Habang nakahiga siya at parang nagiisip ng malalim ay pasimple kong binuksan ng unti ang pintuan at tinapon ang sleeping gas at nilock agad ang pintuan sabay nagtago sa kabilang kwarto
Narinig ko naman ang kanyang sigaw na hudyat na hindi na siya makahinga Haha! Kaso may bigla akong narinig na tumatakbo papunta sa kwarto ni pamela hudyat na may tao dito sa hotel
F*ck! Kung sino man siya dapat kasama na rin siyang mamatay!Narinig ko naman anh malakas na pagsipa ng pinto at biglang sumigaw at dahil dun nalaman ko kung sino siya aha! WHAT A GOOD SHOW! Haha
Pasimple akong kumuha ng panyo at nilagyan ng pabango na pampatulog at dali dali akong lumapit at tinakip sa kanya ang panyo at wala pang isang minuto ay nawalan na rin siya ng malay
Hahahah.! GOODLUCK LIBERTY AT PAMELA!IT'S SHOWTIME!
---------------*************----------------