Nagising si Louza sa isang masikip at madilim na bagay hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa labas kasi nasa loob siya ng isang bagay hindi din naman siya makagalaw ng maayos kasi sobrang sikip neto na saktong sakto sa kanya kaya sinubukan na lamang niyang mag si-sigaw
"Tulong!! Ehem-ehem! Tu-tulong tulungan niyo ako hi-hindi ako makahinga tulong ehem-Ehem!"sigaw ni louza ngunit wala talagang makakarinig sa kanya dahil mismo ang iba niyang kasamahan ay nasa ganyan ding kalagayan
"Good Morning Players! Aw Hindi ba kayo makahinga diyan?! Hahaha! Siya nga pala para naman kahit paano ay may nalalaman kayo ay ipapaalam ko lang sa inyo na nasa tag iisang kabaong kayo at para mas maganda ay pinasuot ko na rin kayo ng White dress para sa dalawang babae at barong naman para sa tatlong lakaki! Hahaha! So ganito lang ang laro Louza,Maxine,Jade,Kenneth,at joshua, makakaalis lang kayo diyan kung matutulungan kayo ng survivor ng unang grupo na sina Valerie, At Alexa at kapag naunlock na nila ang kandena ay makakaligtas na kayo diba? Ang dali kaya lang paano kaya nila kayo makikita kung nasa kabaong kayo! Haha! Are you ready players?! Haha opssss! Siya nga pala habang tumatagal at hindi nila kayi nahahanap yang kabaong pinaglalagyan niyo ngayon ay magkakaroon yan ng tubig na mas lalong hindi kayo makakahinga dahil narin sa masikip at walang paghingaan ang kinalalagyan niyo ngayon! Haha! Maliligtas kaya nila kayong LIMA?! haha let the battle begin!" Saad ni sophia
Sigaw ng sigaw ang limang estudyante dahil nararamdaman na nila na nagkakaroon na ng tubig ang kanilang kabaong at idagdag mo pa na sobrangbinit at wala silang makuhang hangin
Mabilis namang nakarating ang dalawang dalaga sa mansion at inumpisahan na hanapin ang kanilang ibang kasama ngunit kahit saang sulok ng mansion ay hindi nila mahanap ang kanilang ibang kasamahan
Pumunta sila sa isang sulok ng stock room at ng binuksan na nila ang kanilang pintuan ay laking gulat nila na nakakita sila ng limang kabaong na naka- kadena
"Kyaaaaah!" Sigaw ni alexa
"A-ano iyan?" Dagdag pa ng dalaga
"Hi-hindi ko alam!" Kinakabahang sumbat ni Valerie
"Oh hello First two survivors! Welcome to the group 2 game! Ang gagawin niyo lang naman ay kailangan niyong hanapin ang 5 susi na nakasabit sa likod ng pintuan haha makikita niyo naman siguro na 100 susi yan kaso 5 lang ang kailangan 5 susi na magsasalba sainyong mga kaklase ngunit matagumpayan niyo kaya lalo na 100 susi ang nandiyan? At bibigyan ko lamang kayo ng 30 minutes para matagumpayan ninyong maisalba sina Maxine Jade Kenneth Joshua at Louza? TIME STARTS NOW! HAHA!" saad ni sophia
Agad agad namang kinuha ni Valerie ang mga susi at agad silang naghati ni alexa para mas mapabilis ang kanilang trabaho
Suksok dito
Suksok duon
Nakakailang susi na sila ngunit kahit isang kadena ay hindi mabuksan nawawalan na sila ng pag asa pero pinagpapatuloy pa rin nila ang pagbukas ng kadena sa bilis ng oras at tagal na nilang sinusubakan ang 100 na susi para buksan ang kadena ay 15 minutes na lamang ang natitita
"Tu-tulungan niyo ako! Ayoko pang mamatay! Alexa! Tulong! Tulunan niyo ako! Ehem! Ehem!" Sigaw ni Maxine at basang basa na dahil sa tubig na nasa kabaong niya
"Omg! Alexa it works! Nabuksan ko ang unang kadena!" Masayang saad ni valerie kay alexa at agad naman niyang tinaggal ang kadena at binuksan niya ang kabaong at laking tuwa niya na makita na si Louza ang nasa kabaong ngunit wala siyang malay dahil sa tagal niya duon sa kabaong
Inilapag muna ni Valerie si louza sa isang gilid at sinumulan muli ang pagbubukas ng kadena
7 minutes left nalang ngunit si louza palamang ang kanilang naiiligtas samantala si Maxine nalamang ang matibay na gising pa at nilalabanan ang paghina niya kahit na malapit na mapuno ang kanyang kabaong
"Omg! Thanks to God, Valerie nabuksan ko na rin sa wakas itong kabaong na ito Haha" masayanag wika ni Alexa at tinanggal na rin ang kadena sa kabaong at ayun nga ay walang iba kundi si Maxine
"Omg! Maxine ligtas ka na halika na" saad ni alexa at inalalayan niya si maxine na tumayo
"Sa-salamat sa inyo! Da-dahil kung hindi malamang patay na a-ako" saad ni maxine habang hinahabol niya ang kanyang hininga at inilgay din ni alexa si maxine sa tabi ng walang malay na si Louza
"Omg! Paano yan valerie 3 minutes nalang pero tatlo pa silang nasa kabaong??" Nag aaalalang saad ni Alexa
"Kaya natin yan! Wag maging nega alexa kailangan natin sila iligtas!" Saad ni valerie
Ngunit tulad kanina hindi nila mahanap ang susi at 1 minutes nalang
Isang susi nalamang ang nandun sa hawak ni valerie at nag dasal muna siya na sana ito na ang susi ng isang kabaong
40 seconds left
Agad nilusot ni valerie ang susi at laking gulat niya na nag work ang susi agad naman niyang itinaggal ang kadena at bigla siyang umiyak sa tuwa ng makitang si kenneth ang nasa kabaong
"Kenneth! Huhuhu! Salamat at buhay ka salamat sa Diyos! Hindi ko kaya na mawala ka huhu!" Iyak ni valeeie habang mahigpit na niyayakap si kenneth na wala ring malay
"Oppps! Times up! Wow pinahanga niyo talaga ako ah at nailigtas niyo pa ang inyong tatlong kasamahan haha pero bad to say pero hindi niyo nailigtas sina Jade at Joshua hahaha! Saka nga pala hindi ko rin nasabi na kapag hindi niyo nailigtas ang mga kasamahan niyo ay pagpyepyestahan sila ng mga ahas hahaha! Kaya ayun na ang nangyayari ngayon kanila joshua at jade haha! Once again congraulations survivor!" Saad ni sophia
Makalipas ang ilang minuto ay umalis na rin sina Maxine Valerie Louza Kenneth at Alexa sa stock room inalalayan nina maxine at alexa si louza samantala inalalayan naman ni valerie si kenneth at dumiretso na sila sa sala para makapag pahinga
----------*-*-*-*-*-*-*----------
![](https://img.wattpad.com/cover/29206183-288-k317871.jpg)