Maraming estudyante ang napunta sa section ng Sped IV-A ngunit iilan na lamang ang natira na lumalaban at pinaglalaban ang kanilang buhay sino ang matitira at sino pa ang dalawang killer???
Alexa - Jade - Kate - Kenneth - Valerie - Khelly - Mark - Sofia - Louza - Evickson - Joshua - Inah - Maxine - Ivan - Drake - Kian
16 Survivors left
Will they survive all or they will die all!Mirror Mirror on the wall who's the survivor/s of them all
Let's the Survival Game Begins!
*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Nasa isang ilog sina Inah Valerie Alexa at Kate ng iminulat nila ang kanilang mga mata ay laking gulat na lamang nila na nakatali sila sa tag iisang kahoy na manipis at nasa gitna sila ng ilog
"Gu-Guys??!! Anong nangyayari??! Bakit tayo nandito?" Tanong ni Kate na wari mo'y kinakabahan
"Aba malay ko? Saka ano tong suot natin bakit naka bikini lang tayo grabe ah? Hindi ko pinangarap na magsuot ng ganito at naka expose tsk.!" Masungit na saad ni Inah
"Gu-Guys?! Natatakot ako baka may pating or Piranha dito ah? Huhu?!" Kinakabahang saad ni Alexa
"Ano ka ba?! Seriously on the river? Tsk atsaka meron man mag ingat ka baka kainin ka hahaha" mapang asar na saad ni kate
Nainis naman si Valerie sa inasal ni kate dahil sa nasa panganib na nga buhay nila nang aasar pa pero imbus na sumagot pa siya ay inisnaban nalang niya si kate
"Good Morning players! Welcome to survivor game as you can see nakatali kayo sa tagiisang kahoy sa ilog na kinakatayuan niyo ngayon madali lang naman ang laro eh kailangan niyo matanggal ang nakatali sa inyong kamay katawan at paa at makakaligtas na kayo mula sa kamatayan! At pag nakaligtas na kayo ay kailangan niyong dumiretso sa Mansion dahil meron kayong limang kaibigan na nasa kapahamakan at kapag hindi niyo sila nailigtas ay mamatay nalang sila haha! So are you ready girls??" Anunsiyo ng killer sa speaker na nakasabit sa kahoy na kanilang sinasandalan
"Walang hiya ka SOFIA!!! Traydor ikaw ang killer! Bakit?? Bakit mo ginagawa sa amin to!!" Sigaw na may halong galit ni Inah na siyang ikinagulat nina Kate Valerie at Alexa
"A-anong pinagsasabi mo Inah na si Sofia ang killer??? Hi-Hindi magagawa ng kaibigan ko yun! Kilala ko siya!" Saad ni Alexa
"Oo nga! At may patunay ka bang si Sofia iyon?" Dagdag ni Valerie
"Hahahha! Ms. Inah Cañoza napakagaling mo talaga! Kaya hindi na ako magtataka na ikaw ang ginawang Presidente ng Sped IV-A . Oo ako si Sofia Noora ang isa sa killer ng Sped IV-A shocks??!! Hahaha atsaka hindi pa ngayon ang araw para ilabas ko ang mga sama ng loob ko sa inyong lahat Sped IV-A ang isipin niyo na lang na isa akong bangungot isang nakakatakot na bangungot!" Saad muli ni Sofia ang killer
"So-Sofia bakit?! Bakit mo to ginaawa samin?? Itigil mo na ito! Andami mo/niyo na kasama sina Misty at ng isa niyo pang kasamahan na pinatay halos lahat ng kaklase natin napatay niyo na parang awa mo na itigil mo na ito!" Sigaw habang umiiyak na saad ni Valerie
"Tignan mo naman oh! Alam mo Sofia sa lahat ng kaklase nating natira ikaw lang ang hindi ko napagbibintangan kasi napaka anghel ng mukha mo napaka inocente at bait mo samin pero hindi pala! Kung sino pa ang malaangel ang siya pa pala ang Demonyo! Kung ako bitch ikaw demonyo ka Sofia! Demonyo ka!!" Sunod sunod na sigaw ni Kate
"Haha that's life Kate! Hindi ka ba nanunuod ng mga patayan movies or stories? Kasi kapag ganun kung sino pa ang mabait sila pa ang masasama! Hahaha! So okay handa na ba kayong makipaglaro sa akin? Hahah" saad ni Sofia
