*_* Three months has passed"*_*

83 9 0
                                    

({Inah's P.O.V})

3 months has passed ng huling nakita namin sina Aira Melissa at Jessica.

3 months has passed ng hindi na muli nagparamdam at pumapatay ang mga killer.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit wala ng patayan ngunit sana naman ay tuloy tuloy na ito.Ang mabuhay kaming natitirang SpedIV-A ng tahimik hanggang kami ay mag graduate.

Sa 3 months nayun ay maraming nagbago.Tulad ng buong klase namin bawat isa sa amin ay nagtutulungan na.Minsan nalang mag away sa katunayan nga hindi naman talaga kami ganito noon nagsimula lang kami nagbago ng may magtransfer sa amin last year kaya nuon hindi na namin inaalala ang buong buong pangyayari dahil nakokonsensya lamang kami.

September 13 na ngayon at ito ay Friday the 13th.Kaming buong St.Anne Academy ay nandirito sa Gymnasium upang ipagdasal ang aming mga napayapang kaklase.

Mga kaklase naming nagbigay parangal at kaklaseng laging nandiyan para sa amin.

"May you rest in peace Gerica,Vincent,Rey,Homer,

Angelou,Jeydee,Melissa,

Jessica,Aira"wika ng pari

Damang dama namin ang lubos na pakikiramay sa aming mga namatay na kaklase kahit na hindi bangkay ang nakikita namin ngayon ay ipinagdadasal na lang namin

Hindi na rin sinabi ng principal ang nangyayaring kababalaghan dito sa St.Anne academy sa mga magulang ng namatayan kaya walang kamalay malay ang mga magulang na namayapa na ang aming mga kaklase .Minsan nga nagtataka ako kasi parang wala lang sa principal ang nangyayari sa amin? Kaya minsan naiiisip ko na kasabwat nga kaya siya?

Matapos ng maikling pagdadasal ay isa isa kaming naghandog ng puting rosas sa mga picture na nakapatong sa lamesa ng mga napayapa naming mga kaklase.

Matapos ng maikling dasal at pagbibigay ng puting rosas sa kanila ay ginagawa naman ngayon ang pagtirik ng kandila.

Ngunit habang nagtitirik kami ng kandila ay may ilang babae kaming naririnig na nagbubulungan tungkol sa seksiyon namin.

" mga mamamatay tao pala ang mga taga SpedIV-A"bulong ng nasa likod namin

"Oo nga dati hindi naman diba sila pa nga ang God and Goddesses ng paaralan?" Wika ng isang babae

"Psshhhh! Quiet! Baka marinig nila tayo baka patayin pa tayo" wika ng pangatlong babae

Akmang lalapit na sana sina krizel at sabel sa tatlong babae para awayin ay pinigilan naman sina ni sofia

"Hey! Hayaan mo na sila just remember our rule na lang para hindi na tayo muli ichissmiss" wika ni sofia

"Tss...nakakainis kasi eh! Sige na nga" wika naman ni krizel at bumalik nalang sa dati niyang puwesto

Yes may rules kami rules na nagsasaad na kapag pinaguusapan ka o kayo ng ibang section ay don't mind them because they are insecure and wait for the karma.

Nang matapos na ang pagsindi ng kandila ay pinapunta na kami ng principal sa aming mga rooms

_____*****_____*****_____****

({Valerie's P.O.V})

Alam niyo ba yung feeling na ang sarap sa pakiramdam na mamuhay ng tahimik at mapayapa yung tipong hindi ka kakabahan at matatakot

Three months has passed ng huli kong naramdaman ang kaba at takot ngunit ngayon ay wala na dahil sa simula nuong nawala sina Aira,Jessica at Sabel.

Naalala ko pa nuon kung sino ang killer.Oo alam ko kung sino ang killer dahil sa sulat niya at kapag may namamatay ay lagi siyang palihim na nakangiti pero ngayon hindi ko na maisip na siya dahil wala naman ng patayan atsaka baka guni guni ko lang remember masama mangbintang sa kapwa.

Haist! Pero sana tuloy tuloy na ito wala ng patayan at gulo

{(Carmina's P.O.V)}

Nandirito kami ngayon sa aming room kanya kanya kami ng ginagawa habang hinihintay ang aming New Teacher.

Hindi ko alam kung saang lupalok ng mundo pumunta ang dati naming adviser.

Sayang saya ang buong SpedIV-A ngayon dahil akala nila ay hindi na muli magpaparamdam at papatay ang killer.

Pero sa aking nararamdaman ay hindi pa tapos ang aming bangungot dahil nararamdaman ko na mangyayari muli ang mga nangyari last past 3 months.

Mga pangyayaring kikilabutan ka.Sisigaw at kakabahan ka.Patayan na harap harapan mong makikita.nararamdaman ko maaaring bukas o bukas makalawa mangyayari muli ang nakaraan

Ngunit kahit na anong sabihin ko sa kanila hindi sila maniniwala dahil di hamak na isa lamang akong weird para sa kanila.

Kung ayaw nilang maniwala sa aking sinasabi bahala sila basta ako alam ko ang pinagsasabi ko dahil nararamdaman ko ito.Kasalanan na nila kung mamamatay sila dahil hindi sila nanainiwala sa aking pinagsasabi pero hayaan ko na sila dahil mas mahalaga ang buhay ko.

({Killer's P.O.V})

Haha mga tanga! Akala nila wala ng killer wala ng patayang magaganap dahil hindi na raw nagpapapramdam ang killer haha pwes kung gusto niyo yan edi ibalik natin ang patayan haha!

Two months na akong walang pinapatay nangangati na itong kamay ko na sinasabi pumatay kana haha!

I will change that laughter in crying,intense, and scared.

Because in Death i am reborn

Two months lang ako nagpahinga dahil kung araw araw papatayin ko sila eh di wala ng matitira kaya dahil sa sunod sunod na patayan pinagpahinga ko muna sila dahil mukhang na trauma sila haha diba ang bait ko namang killer

Pero bukas na bukas din ibabalik ko ang laro laro na maaaring kumitil sa inyong buhay at mga pangarap haha!

Kung hindi niyo lang sana iyon ginawa sa akin pati na rin sa aking kakambal edi sana buhay pa kayo ngayon haha!

Run and hide but i still get and kill you! Haha!

Humanda kayo muli SpedIV-A dahil ibabalik ko muli ang laro at patayan na magdadala sa inyo sa impyerno haha!

({Patrisha's P.O.V})

I miss my childhood best friend gerica! Kung hindi lang sana siya pinatay siguro nanunuod na kami ngayon ng exo o ni Sandara Park.

Pero masaya ako ngayon dahil nananatili pa akong buhay sa larong ito.Hindi dapat ako magpatalo sa pesteng killer na yan dahil lalaban ako hangga't kaya ko.

Nandirito kami ngayon sa aming room ang iba ay naglalaro ng clash of clan ang iba nag e-earphone at ang iba ay nagchichissmisan.

Samantala nanunuod naman kami nina Miky Julyanne at Pamela ng Exo video habang hinihintay namim si Maam

"Hay! Nakakamiss sina Gerica,Vincent,at Angelou siguro ngayon nagpupuyat na yung mga yun sa panunuod nito" wika ko sa kanilang tatlo

"Oo nga eh! Haha pero buti nalang ligtas pa tayo " wika naman ni Pamela

"Ay truelalu! Ang aketch lang naman mga bakla eh ang makagraduate ayaw ko namang aketch mamatay dito sa pesteng schoolalu na ito" maarteng sabi ni Miky

"Haha ewan ko sayo bakla!" Wika naman ni julyanne

Habang kami ay nagtatawanan ay siya naman pagpasok ng aming New teacher.

_____*****_____*****_____****

SPED IV-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon