"Yun! Ang lulutuin po natin ngayon ay sinigang na baboy!" Intrada ni Alden.
"Ang daming kangkong naman nito! Haha" habang masaya niyang niluto ang putahe.
"Alam mo kasi special ang titikim ng luto mo kaya ganun dapat madaming ingredients" Sabi naman ng host na kasama niya.
Biglang nagtilian ang mga tao. Na halatang may idea na kung sino ang titikim.
"Ganun ba?!" Natutuwang sabi ni Alden.
"Aba! Bilisan na natin to! Parang gusto ko na rin makilala kung sino ang titikim ng luto ko"
Lalong umingay sa studio ng matapos si Alden sa pagluluto.
"Yan! Tapos na! Sa wakas! 😊"
"Yown oh! Pero teka! Asan na ba yung titikim!?" Pang-aasar ng kasamang host.
"Naku! Mukang umuwi na ang tagal mo kasi mag luto!"
"Sinong umuwi!?"
Isang boses na pamilyar sa lahat.
At siya ring paglakas ng tili at hiwan ng mga tao.
Kasabay ng pag lapad ng ngiti ni Alden.
Mula kaliwang bahagi ng stage ay Lumabas ang nakangiti ang isang Maine Mendoza. The crowd gone wild as in totally wild. Habang papalapit ng papalapit si Maine sa stage ay siya ring pag lakas ng paglakas ng hiwayan.
Pero bago pa makarating si Maine ay tumakbo na si Alden para sunduin sya at alalayan.
"Yown oh! Naku! Naku! Bigatin ang judge natin ngayon alden! Si Chef Maine Mendoza!"
Pero parang walang pakialam ang dalawa sa sinabi ng cohost ni Alden. Magkahawak kamay silang umakyat ng stage.
"Hoy! Ano yan!? Nakaakyat na Alden ooh! Nakaakyat na! Maghawak pa rin?! Ano to? Luneta?! Luneta!?"
-
8'23'15
BINABASA MO ANG
The Short Tales of ALDUB
FanfikceShort-tale : ALDUB is a collection of short stories. Inspired by Alden Richards and Maine "Yaya Dub" Mendoza. Paunawa: Ang mga nakasulat dito ay produkto lamang ng isang malikot na imahinasyon. Salamat po sa mga magbabasa. Wow! Fantastic Baby! <3