A&M : Missing U

998 35 0
                                    

Madalas na kaming magkasama ni Alden. Sa photoshoot. Sa kalyeserye. Sa Mall tours. Kaya naman kapag hindi kami nagkikita ay hindi ko maiwasang mamiss siya. Hindi ko alam pero mukang nasasanay na ang sistema ko sa presensya niya. At yun ang ayaw kong mangyari. I still need to keep my guard up. Pabebe na kung pabebe.

Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita, may Mall show kasi siya out of town. Ilang araw na rin siyang absent sa kalyeserye. Hindi rin siya nag-tetext, tweet, dm or tawag. As in wala!

Linggo, at kahit sa Sunday Pinasaya ay wala rin siya. Nasa condo lang ako buong araw. Wala si Dean umuwi ng Bulacan. At mukang malapit na rin akong mabaliw dito. Tanghali na at nakahiga pa rin ako habang hawak hawak ang cellphone ko at nang-iistalk sa twitter.

Welcome back Bae!
Homebound na si Bae!
Sa wakas! Touchdown Manila na!

Tweets from some fans. Psh! Hindi man lang nagtext na nakauwi na pala siya. Nainis ako kaya pabagsak kong inilapag ang cellphone ko sa kama, tyaka dumapa at pumikit ulit. Shit ang tamad ko. Whatever, Sunday naman.

I tried to sleep pero hindi ko magawa naiinis pa rin ako sa katotohanang hindi man lang nag-tetext si Alden. Wait. Peste! Bakit ba ako affected. Madiin kong itinakip ang unan sa mukha ko sa sobrang inis sa sarili ko. Mag text ka lang, wala kang matatanggap na reply! Promise! Peksman! Bahala ka!

Maya Maya pa ay nag-ring ang cellphone ko. Huh. See? Hindi lang text kundi tawag pa ang ginawa niya. Hindi ko ito sinagot. Bahala siya.

I didn't even bother looking or picking the phone up. Bumalik ulit ako sa pag-kakapikit. Nakakatatlong miscall na ito kaya sabi ko sa sarili ko ... 'pag pang-apat sasagutin ko na to'. Hep. Yung tawag. Para klaro.

Hindi ako nag-kamali, muli ay nag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong dinampot.

"Oh ano?" Wika ko na medyo siga ang dating.

"Anong ano ka diyan!" Pasigaw na tuna sa kabilang linya. Wait a minute. Tiningnan ko ang nakasulat na pangalan sa screen. Cooleentoot. Ay shit.

"Cooleen! Akala ko--"

"Ano? Anong akala mo? Si Alden no?"

"Hindi ah!" Tanggi ko. Convincing ba?

"Hindi convincing teh!" She said as if she's reading my mind. Ang creepy naman nitong babae na 'to.

"Bakit ka ba kasi napatawag!" Inis kong sabi. "Natutulog ako!" mariin kong sabi.

"Buksan mo ang pinto. Nandito ako sa labas" malumanay niyang tuna sa kabilang linya. Himala! Madalas kapag nasisinghalan ko siya iniinsist niya sakin ang pagiging Ate niya but this time malumanay ang sagot niya. Isa itong himala!

"Oo na! Bubuksan na!" dagli akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa pinto para pagbuksan si Cooleen but when I opened the door hindi si Cooleen ang bumungad sakin.

"Alden?"

What the heck! "Coolen!" tawag ko sa kabilang linya. Pero wala ng sumagot sakin. When I looked at the screen of my phone, naka-call ended na. Pinag-kaisahan nila ako!

"Maine? Are you Ok?"

Bumalik muli ang ulirat ko ng marinig ko ang boses niya na tinatawag ang pangalan ko. And what the heck is he doing here?

"What do you think?" Mataray kong tanong. Nakakainis eh! Hindi magpaparamdam tapos magpapakita siya bigla bigla. Huwaw!

Hindi siya sumagot. Nginitian niya lang ako. "Effective ba?"

Huh? I was puzzled for a moment.

"Effective ba ang pagpapamiss ko?"

So planado niya lahat to? Ugh! Lalo akong nainis.

"I hate you!" Sabay pabagsak na isinara ang pinto. I hate him! I really hate him!

I was about to leave when the door opened.

"You didn't lock the door."

Pumasok na siya ng walang pasubali. Dumiretso siya sa kusina at inilapag ang dala dala niyang eco bag sa lamesa.

"Next time double check your main door kung nakalock ba talaga. Mamaya pasukin ka ng kung sino sino dito." He said as he slowly pace towards me after niyang maglagay ng I think piaya sa plato.

"Wag ka na magalit. I miss you too." He said as he kissed my forehead. Hindi pa rin ako nagsasalita cause I really don't know what to say.I froze when he hugged me.

"Ugh. How much I miss this"

"Alden" I uttered.

"Hush. Let's stay like this for a while."

And yes we stayed like that. His arms wrapped around me. We're so close to each other that I can hear his heart beating calmly. Kabaliktaran naman ng akin. Damn! Nagwawala ang buong sistema ng mga minutong yun.

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin. Why so sudden. Chos! Nakatayo pa rin ako at hindi nagsasalita.

"I didn't know nakakaspeechless pala ang mamiss ako." Natatawang sabi niya.

Imbis na sagutin ang sinabi niya ay walang humpay kong pinaghahampas ang braso niya.

"Aray!" Reklamo niya. "Aray. Aray!"

Wala akong pakialam.

"Ang sakit. Aray!"

"You deserve it! Bwisit k nakakainis ka!" patuloy parin ako sa paghampas.

"Ok. Ok. Sorry na. Hindi na mauulit. Ganito nalang para makabawi ako. Pagsisilbihan kita ngayon buong araw. Hanggang magdamag. Iutos mo lahat ng gusto mo. Ipagawa mo lahat ng gusto mong ipagawa, walang reklamo kong gagawin. Deal?" Hmm. Tempting.

"Weh?"

"Oo nga! Basta bukas tayo na."

"Utot mo!"

"Blue." natatawang dugtong niya. "Pero seryoso. Deal?"

"Ok sige. Deal." I agreed.

"So tayo na bukas?!" Excited niyang tanong.

"Hindi kasama sa deal yun! Wag ka nga!"

"Ay." He said and pouted his lips. I gave him a kung-ayaw-mo-wag-mo look. "Joke!" he said.

Pero bago namin umpisahang gawin ang deal ay kinain muna namin ang pasalubong niya. Ang sarap! Ang dami! Wohoo!

"By the way. Ang cute mo pala pag nakapantulog" he complimented. I can feel my face blushing at siya namang tawa niya. Ugh! I really hate him! The fact that he'll be staying all through day.taill hate him. *wink*

The Short Tales of ALDUBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon