A/N: Hi inang mundo! Te amo!
Avril Thea's P.O.V.
Wala pang 30 minutes ay nakarating na kami sa Del mundo building kung saan nakatira si Drishelle sa isang hindi kalakihang condo. Inalok na siya ni mommy at daddy na samin na lang tumira dahil madalas naman sila sa ibangbansa, ngunit tinanggihan parin nito.
Halos sabay kaming bumaba pero kapansin pansin na ang bilis ng lakad niya, tumakbo ako at hinawakan siya sa siko.
"Look drish, im sorry kanina, i just----" hindi niya ako pinapatapos at humarap sa akin ng umiiyak.
"It is easier for you to say sorry AT. Hindi ikaw ang nawalan ng pamilya! Wala kang alam sa pag iisa!" Sigaw nito sakin habang nagpupunas ng luha.
Napabuntung hininga ako at pinipilit na pakalmahin si drishelle. She's right. Kahit na nasa ibang bansa si mommy at daddy ay hindi ako nito nakakalimutan. Mali lang siya sa iisang bagay. Hindi naman siya nag iisa eh? Andito ako. Cant she see that?
"Drish, just hear me out." Kalmado niyang pakiusap.
"Not now, AT. Masyadong sarado ang utak ko at baka mas lumala pa ang pag aaway natin. I endure the pain nung naging kayo. Pinilit kong maging masaya para sayo kasi ikaw nalang natitira sakin! And look what happened? He broked you!" Pasigaw niyang sinabi sakin habang nagpupunas ng luha. Bago pa man ako magsalita ay nauna na naman siya.
"Go home now, ill just call you if im ready to talk." Saka ako tinalikuran.
Bagsak ang balikat akong nagmartsa papunta ng kotse at umuwi.
Pagkapasok ko sa bahay ay maingay, isang pamilyar na halakhak ang aking narinig sa bandang kusina. Nagmadali akong pumunta doon at hindi ako nagkamali.
"Eya, anak!" Malambing na salubong sakin ni mommy.
"Mom, ba't hindi niyo naman sinabing uuwi kayo?" Saka ko siya yinakap.
"Itong daddy mo kasi, nagmamadaling umalis, ay hindi na kita naabisuhan." Sabay tawa ni daddy
"You looked a bit different anak. Saan ka galing? Ginabi ka ha?" Tanong ni daddy habang ngumunguya ng onion rings.
![](https://img.wattpad.com/cover/51440540-288-k263088.jpg)