A/N : Happy birthday to me :-* wish ko? Sana magkaload na ang WiFi namin kasi nanunungkit lang ako ng koneksiyon sa kapitbahay wahahaha :-P :-P :-P
Avril thea's P.O.V.
"Pfffftttttt.hahahahaha! Nahiwa ka? Laki mong yan nahiwa ka? Grabe ka drish, kawawa yung kutsilyo nasalat balat mo! Wahahaha." Panghaharot ko kay drishelle na tumatawa ngunit umiiyak. Wag niyo akong tanungin. Hindi ko din alam kung pano niya napagsasabay yun.
Maya maya pa ng humupa na ang tawanan ay binatukal niya ako ng balat ng sibuyas.
"Wag mo nga akong tawanan AT! Kung tulungan mo kaya akong mag hiwa para matapos na to?"
Hindi ko siya pinansin at naupo ako sa isang stool malapit sa kanya. Bigla na namang gumimbala sa akin ang pagsisikip ng aking dibdib at pag bagal ng aking hininga. Hindi ko ito pinahalata kay drishelle. OA magreact to eh. Minsan nang siya ang aking kasama at hindi na ako makahinga ay bigla nalang naglupasay at nagdasal. Abay hindi man lang ako tinulungan at dinala sa hospital. Natauhan lang nung binato ko siya ng ubos ko nang inhaler.
"AT? Uso sumagot ngayon. As in now na para hindi ako muntanga. Hane? Try mo minsan!"
Ngumiti ako bilang sagot at inopen ang topic tungkol sa aking pag aaply sa isang hospital. Bukas ang simula ko at sigurado naman akong kaya ko yun.
"So? Okay naman facilities dun? Bakit hindi sa mas mataas na hospital gaya ng St. Luke's? Alam mo namang matatanggap ka agad. Hindi naman biro tinapos mo AT."
Naglakad ako papunta sa kanya at hinablot ang sandok. Agad namang akong sumandok ng gabundok at sinalin sa isaang platito.
"Mas madali drish kung may experience ako sa ibat ibang hospital nang hindi ako pagdududahan at tanggap nalang agad."
Tumango tango naman si drishelle at biglang ngumiti.
"Kapag nakapag start ka na, maghanap ka ng gwapoo ha??? Ipakilala mo ako. Kapag nagkakilala na kami! Muahahaha! Saka ko siya sasakalin!"
![](https://img.wattpad.com/cover/51440540-288-k263088.jpg)