A/N: hi!!! Nakasungkit ako ng WiFi connection sa kapitbahay! So enjoyyyy! Maikli lang itey kasi nagugutom ako :-*
Third person's P.O.V.
Pagkatapos kausapin ni rhea ang tumawag sa cellphone niya ay hindi siya nakatiis para hindi ito puntahan. Maingat siyang bumababa. Naririnig niya pa na pag uusap ng kanyang mga magulang at si kielle. Nagtagumpay naman siyang makalabas at tumakbo papuntang front gate ng village para sumakay sa isang jeep. Naisip niya kasi kung gagamitin niya ang kotse niya ay mapaghahalataan na umalis siya kaya iniwan niya ito. Lingid sa kaalaman niya ay nakita siya ni kielle at sinundan pa. Magkalipas ang higit kumulang tatlumpung minuto ay bumaba siya sa bandang makati. Umakyat sa isang hindi kalakihang apartment at inakap ang taong gusong gusto niyang makita.
Sa labas naman ng apartment ay nagdadalawang isip si kielle kung kakatok ba siya o papasok nalang kabod. Sa huli ay napagdesisyunan na lamang niya na kunin ang address ng apartment at umuwi.
Samantala, pagkauwi niya ay nakita niyang may naka park na kotse sa harapan ng bahay niya. At may isang anino doon ng lalaki na tila ba nagmamasid kaya agad niyang hinanda ang kanyang patalim para maging handa. Pagkalabas niya ay lumabas din ang lalaki at laking gulat niya na si justine ito. Ang lalaking nanakit sa taong mahal na mahal niya. Nag usap sila. Sinabi ni justine na gagawa siya ng paraan upang bumalik sa kanya si thea. Hindi naman natinag si kielle at nakipag kamay pa siya dito. Pagkapasok niya sa bahay ay ang dambuhalang mukha ni thea na pininta niya ang sumalubing sa kanya. Napangiti siya ng makitang napakaganda noon kahit madilim. Hindi na siya kumain sapagkat nagmeryenda na siya sa mansyon ng mga mondrago, at bukas naman ay maaga silang aalis. Sana lang ay maisip na ni thea na siya ang karapat dapat na lalaki para dito. Ngunit kung ano man ang desisyon nito ay wala siyang magagawa. Ang dalaga ang may hawak ng desisyon nito.
Ilang minuto pa ay tila hindi parin siya makatulog. Bawat pagpikit niya ay si thea ang nakikita niya. Ngunit ng matapat ito sa labi ay tila ba isang malaking suntok sa kanya na biglang lumitaw sa kanyang isipan ang labi ni rhea. Napabangon siya at pilit binabago ang nararamdaman. Mahal niya si thea. Si thea lang. Kung ano ang namagitan sa kanila ni rhea ay pagkakamali dahil nagpanggap itong si thea. Dahil sa lasing siya ay nadala siya. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na niya pinalgpas at kinausap niya ito at pinagsabihan. Nasaktan niya ito ngunit, pinaliwanag din niya na wala itong makukuha sa kanya.
Hindi niya namalayang nakatulog siyang nakaupo at nakasandal sa head rest ng kanyang kama.
________________________________________
Siete part 1
