A/N: May gastric ulcer ako type 2. Hindi pa naman malala pero ipagdasal niyo ako hane? Kasi hindi ko makain gusto kong makain ahahaha! sigee happy reading!
Avril thea's P.O.V.
*engkkkk engkkk engkkk engkkkk engkkk* (tunog ng alarm clock yan, di lang halata ;-) )
Napabalikwas ako ng pagbangon dahil naalala kong may pasok na nga pala ako ngayon. Ngunit kailangan ko pang kausapin si drish. Aishhh. Sana pala ay sinet ko ang timer ng mas maaga. Agad akong nag inat inat at tumalon talon pa. Pagpasok ko sa banyo ay nagsepilyo ako at sumalang sa shower. Pagkatapos kong maligo ay biglang tumunog ang aking cellphone.
Sender: Det. Jil.(dectective jel)
Mam, negative, Ms. Drishelle. Didn't go out all night. Right now she still in her room. All locked up. We overview the CCTV in the buildings and nothing unusual had happened. We will notify you time to time.
I hit the reply button.
To: Det. Jil.
Right.
SENT!
Nagbihis ako at pumasok sa PJG hospital.
Maganda ang hospital ngunit medyo maraming pasyente sa free ward. Naaawa naman ako sa dami ng batang nagpapalaboy laboy lang sa labas. May ganyan talagang mga tao hano? Bakit sila bubuo ng bata kung hindi nila kayang ibigay ang buhay na karapatan nito? Napatingin naman ako sa emergency at may nirerevive na pasyente. Nakakalumbay tingnan ngunit lahat ng tao may katapusan. Ang pinagkaiba lang. Matagal pa akong mabubuhay sapagkat may haharapin pa ako.Marami akong naging pasyente agad at ginawa ko kahat para maging satisfied sila sa sweldong matatanggap ko. Isa akong radiologic technologist. Bukod sa pag swiswimming ay basketball at taekwondo lang ang pinagkakaabalahan ko. In short ay yun lang ang ginagawa ko ng wala pa akong trabaho.
Natapos ng matiwasay ang 1st day ko sa trabaho. Maayos naman mga kasama ang mga ka co- rad ko pero hindi maiiwasan na ang iba ay umiirap na akala mo ba ikakapangit ng hospital ang pagpasok ko. I dont care. As long as ginagawa ko ang trabaho ko ng tama. Manigas sila kakairap sa akin.
Pagkababa ko ay bigla akong tinawag ng guard.
"Mam, may nagpunta po kanina dito. Matangkad nga po eh. Base po sa pinakita saking picture eh kamukha niyo. May susundo po ba sa inyo? Hindi po sinabi ang pangalan pero sabi po sa panyo niya ay JAY."
At inabot sa akin ang isang checkerd na panyo at may naka embroid nga doon na JAY. Si justine ba to? Hindi eh. Just ang nickname niya at imposibleng kamukha ko siya? The eff? Gusto ko sanang makita ang footage doon ng camera kaya lang ay wala palang CCTV sa parteng iyon. Kung minamalas ka nga naman o. Ilang minuto pa ay nagpaalam na ako sa guard at lumabas. Inkot ko ang buong compound at nagsisigaw ng jay. Ngunit walang lumingon. Bumalik ako sa parking lot para umuwi ng marinig kong may tumawag.
"Jay!!!!! Hayop ka andito ka lang pala!"
