Seis.

9 3 0
                                        

"So many girls fall in love with the wrong guys, simply because the wrong guys says the right things."

Back off.

Avril Thea's P.O.V.

Im stunned. Namiss ko si rhea! Its been 4 freaking years since nawala siya bigla na parang bula. At first i want to shout at her. Ngunit nanaig dun ang kasabikan ko na mayakap siya. Mang mayakap ko siya ay bigla na lang niya akong tinulak. What is wrong with her? Sinigawan niya ako na parang ang dami kong kasalanan sa kanya. Sinusumbat niya saakin ang pagtatago niya. Pinipilit niyang nag kukunyari lang ako at gustong gusto ko ang atensyon nila mommy. Gusto ko siyang sagutin. Sabihin na hindi totoo Ng mga sinasabi niya. Pati sila daddy ay nasagot na niya. I dont know her. Hindi na siya ang kapatid ko. Hindi na siya ang dating nakikipaglaro sa akin. I feel like she was hurt deep inside.she drove everyone away. Na wag daw siyang pakialaman.

Nakita ko si mommy kasama si daddy na bumaba. She's crying. Nangigilid na ang luha ko ngunit tumakbo na lamang ako sa kwarto ko at nagkulong. Hindi ako umiyak. Mula pa ng bata ako ay pinipigilan kong umiyak. Bawal na bawal akong umiyak kaya kahit ayaw ko. Nung nakipag break sa akin ang impaktong iyon ay napahamak ako.

Kinuha ko agad ang cellphone ko sa lamesa at trinack ang cellphone ni drish. Nandoon naman siya sa condo niya ngunit hindi ito sumasagot sa akin. Baka galit pa nga ito. Andami dami nang galit sa akin at nasasaktan din ako. Pinilit kong magpakamanhid sa pagkawala ni justine at ngayon bumalik siya ay sisiguraduhin kong walang magbabago.

Pagkababa ko ay kumuha lang ako ng tinapay at kinain iyon. Habang papalabas na ako ng bahay ay bumababa naman si mommy at daddy.

Tinanong nila kung saan ako pupunta. Sinabi ko na lamang na ichecheck ko si drish. Dahil sa katotohanan ay manghihingi na ako ng patawad dito. Tinanong naman nila ako kung nakita ko si rhea. Ngunit hindi ko siya nakita kahit maaga akong nagising. Siguro ay tulog pa ako nang umalis ito.

Dala dala ang susi ng kulay dark violet kong sasakyan ay binagtas ko na ang palabas sa village nakin. Ngunit bago ako makaliko ay isang silver na montero ang humarang sa dadaanan ko. Napasigaw ako sa tindi ng pagkaapak ko sa preno.

Marahas kong ianlis ang aking seatbelt at balabag na binuksaan ang pintuan ng kotse ko.

"Gusto mo ba bang malagutan ng hininga ha?" Singhal ko sa pababang driver.

Tila akong naupos na kandila na bigla nalang namatay ang apoy.
Great! Ano ba ang trip niya sa buhay?

"I want to talk. Pull over." Utos nito.

Hindi ako sumunod at hinintay siyang lumayas sa harapan ko. Nginit akala mo ba itong nanghaharot dahil hindi ito tuminag. Binuksan pa ang bintana ng kotse niya at tumitig sa akin. Shit! Now, nag cacause na kami ng traffic.

Agad akong sumakay sa kotse ko at pinaandar ito. Huminto kami sa kabilang kanto at nang makababa ako ay bnigyan ko siya ng isang suntok sa sikmura.

Saglit lang siyang napapikit at lumapit sa akin.
At..... Ngumiti pa ang loko.

" If that's how you say hi, then."

Bigla ako hinigit nito at inakap ng mahigpit. Binaon pa nito ang mukha niya sa leeg ko na tila hinihigop nito ang amoy ko. I froze. After so many years. He still has the same effect on me. Yung nakakampang lambot ng tuhod. Yung bibigay ka nalang. Ngunit agad akong natagpuan ng realidad. Tinulak ko siya. Ngunit pahigpit ng pahigpit ang yakap niya sa akin.

The Lying TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon