CHAPTER XIV - Preparations

16 2 3
                                    

CHAPTER XIV

Almost a week passed and my injuries healed. Ganun pa rin sa bahay. Balik ulit kami sa routine namin ni Theo and mejo hindi na kami masyadong nag uusap..scratch that.

Hindi ko siya masyadong kinakausap though he kept on bugging me and teasing me over simple things. That guy has a serious brain problem. Believe me. 

Theo seems nice. Well he is nice..too nice. Nakakaintimidate! (-__-) Sa santo ata pinaglihi to e...

Nakakapagtaas siya ng boses at sobrang lakas niyang mang asar but then, reasonable naman e. Ako ba naman makasama niya sa bahay e. Minsan nga nagtataka na ko kung bakit nakatagal to sa bahay ng isang linggo.

Sa cafe naman, maayos siya sa trabaho. Well sobra na nga e. sobrang dami naming costumers na pati sales namin, nagdoble. Wow. Wala na naman akong tanong kung bat ganito.

E MAY SIKAT BA NAMANG PHOTOGRAPHER/ SINGER/ PIANIST DITO SA SHOP KO E! Ewan ko na lang kung hindi magtriple sales namin for the next 2 months. Hindi pa rin ako makapaniwala at makaadjust sa personality ng lalaking to. Kakaiba. Tsss. (-___-)

"...thank you ma'am come again!" Theo said in an excited tone.

Napakunot yung noo ko sa kanya tapos napansin niya ko.

"Oh ano na naman?" Tanong niya.

"Sobrang excited kasi ng tono mo mukha kang t*nga." I said to him. I know. I'm mean.

Napangiti lang siya. Hindi ko lam kung bat ganito tong lalaking to. Kahit minumura ko na siya o winawalanghiya, i don't know but he always looks amused! ALWAYS. And after that, babawian niya ko ng mga pang asar na lines.

"Sorry hindi ko alam na madalas mo pala kong tinitingnan e." Sabi niya then he smiled his evil smile. See? Told you! Tapos puro kakapalan pa ng mukha niya yung sasabihin niya. Kapal talaga ng isang to!

"I'm your manager. Natural lagi kitang titingnan! And pwede kitang tanggalin sa trabaho. So watch your mouth"

Tapos lumapit siya sakin. "Oh?talaga? Wag mo ding kalimutan na may utang sakin yung kapatid mo kaya nakuha ko tong trabahong to and you can't fire me hanggang di mo nababayaran yun."

"I could ask my dad to pay you" I blurted out.

"Oh? Tara samahan pa kita!" Sabi niya sakin while grabbing my arm. This jerk! Alam naman niyang hindi ko kaya kasi papaalisin tong si Albie sa Pilipinas pag nalaman ni dad yun! Bwisit!

I aggressively removed his arm tapos pinalo ko siya ng malakas. "Wag mo nga akong hawakan nakakabwisit ka!"

"Oy masakit yun a! Pwede kitang idemanda. Minamaltrato mo trabahador mo!" Sabi niya sakin. I rolled my eyes at him and headed to the storage room.

Darn it. He's hitting every damn nerve! That guy! Errrrrrr!

 After almost an hour, we closed and headed straight to the house. Half day lang kami ni Theo today kasi kelangn naming magprepare for dinner.

Dumerecho na kami sa kusina and kinuha ko yung recipe and yung ingredients nung cake. Tapos nagstart na ko magbake. Si Theo naman, pinalItan na yung maid sa pagluluto ning ibang food. Mamaya na namin i-cecelebrate yung birthday ni Blake and Andun yung buong team nila.

I should prepare myself. Dapat hindi na ko magstutter or kabahan or magsalita ng kung anu-anong walang kwenta sa harap ni Ryan. Dapat cool lang ako.

Dapat cool lang ako mamaya. Chill. Chill Ava. Peste! Ngayon pa nga lang kinakabahan na ko, pano pa mamaya? Arrrghhhhh!

"Hoy Ava. Ano yan at para san yang hawak mo?"

"E para san pa? E di para dito sa binabake ko! Expert ako dito, wag ka nga--" tapos napatingin ako sa hawak ko. -__-

"O talaga lang ha? Goodluck sa paghahalo jan sa pulang itlog ha? Expert ka pala e" Pangaasar niya sakin. Napapikit ako. ARRRGH! Nababaliw na ko! Kinakabahan na talaga ako mamaya!

Alam mo yung feeling na ayoko siyang makita pero miss na miss ko na siya? Lecheng move on yan! Bat ba nauso pa yan?! Nakakaloka na to!

Binuksan ko yung mata ko tapos tumingin ako sa kanya. Nagslice siya nung ingredients para sa lulutuin niya. Ang bagal nga e. Marunong ba talaga tong lalaking to o nagmamarunong lang? Tss. Aabutin kami ng gabi sa ginagawa niya e. Hindi na ko nag comment kasi for sure mag aasaran lng kami.

"ARRRRGH!" Napasigaw si Theo tapos hawak niya yung kamay niya. Napatingin ako sa kanya.

O_O The hell?! Naslice niya din ata yung kamay niya!

I looked at him. Mukhang sobrang sakit. Shit ano bang gagawin ko dito?!?

"Shit! Anong nangyare?!" Tanong ko sa kanya tapos bigla akong lumapit sa kanya.

"Ang sakit. Nahiwa ko kamay ko. Aaargh! Parang mapuputol ata daliri ko! AHHHHH!"

Shit! Anong gagawin kooo?! Natataranta ako pag may sumisigaw!

"Eto! Eto inumin mo!" Tapos inilagay ko sa isang kamay niya yung cup.

"Ahh-uhmm-ahhh wait kukunin ko lang yung first aid kit. Uhh. Eto! Ilagay mo jan!" Sabi ko tapos may tinapon akong cloth at tumakbo na ko papunta sa kwarto ko para kunin ung first aid kit.

Pagbalik ko, nakita ko siya na nakatayo tapos hawak niya yung beaker sa isa niyang kamay.

"A-asan na? Akin na kamay mo!" Sabi ko habang hinahabol ko paghinga ko.

"Ava. Ano to?" Tanong niya sakin habang hawak yung cup.

"U-uhm...suka?" Sabi ko. "Akala ko ba nahiwa mo kamay mo?! Asan na?!"

"Hindi e" tapos pinakita niya sakin yung dalawa niyang kamay. Walang sugat pareho.

(-____-) ARRRGH! E kung kaainin ko kaya ng buhay tong lalaking to?!

 "G*GO KA TALAGA!" Nakakainis to! Lagi na lang! Nababaliw na nga ako tapos lolokohim pa ko ng ganun! Waaa!

Lumapit siya sakin. "Nahiwa ko yung kamay ko tapas binigyan mo ko ng suka?! Suka para inumin?! Tapos iniabot mo sakin yung basahan...para ipahid ko sa sugat ko?!"

(O__O) (-___-)(O___O) Narealize ko na mejo me pagkat*nga nga yung ginawa ko. Shit.

"Yung totoo. Pano mo nakayanan magsolo sa bahay na to?" Tanong nya. Bat ang bwisit nito.

"Alam mo..umalis ka na nga dito. Dun ka na sa taas. Nakakabwisit ka!" Tapos binagsak ko yung first aid kit na dala ko at bumalik na ko sa pagbbake. Napatawa lang siya tapos bumalik na siya sa ginagawa niya.

"Seryoso. Ano bang meron sayo bat kinakabahan ka?" Tanong niya skin.

Huminga ako ng malalim. "Talagang hindi mo ko titigilan no?!"

"Haha! Hindi e!" Tiningnan ko siya ng masam tapos hindi ko pa rin siya sinagot. Bat ba ang lakas niyang mang asar? Hindi ko kinakaya. Argh.

"Ava ---"

"OO NA! Okay?! KINAKABAHAN AKO KASI PUPUNTA NA NAMAN SI RYAN MAMAYA! AT MAGMUMUKHA NA NAMAN AKONG TANGA DUN KASI DADALHIN NA NAMAN NIYA YUNG SOBRANG GANDA NIYANG GIRLFRIEND! MAGMUMUKHA NA NAMAN AKONG KAWAWANG EX!!! MASAYA KA NA?!" I yelled at him and he looked shocked.

Mejo hinahabol ko yung paghinga ko kasi nalabas ko na yung kanina ko pa iniisip. That feels good.

"O....kay? Uhm..ipapaabot ko lang sana sayo yung sibuyas sa harap mo...but..thanks for opening up anyway..."

(O__O)

HUH?! GOD I'm stupid. O_O

Kinuha ko yung sibuyas tapos binato ko sa kanya. Leche ka bwisit! Tapos tinawanan lang niya ko. Ayoko na!

"Well.. I guess you're prettier than Kara.....and that guy's stupid for letting you go." He said quietly while slicing the carrots.

I looked at him, and I think he sensed that because he looked at me as well.

"Just saying" he shrugged. Tapos tumalikod na ko sa kanya. I felt somehow calm after hearing that...and I don't know why.

Date MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon