Chapter 26: Everything is Falling into it's Right Place

10 1 0
                                    

[ A2's POV ]

Kagagaling ko lang sa training. Papunta ako ngayon kila A1. Kakalabas lang kasi ni Tita Anabeth sa ospital. Buti nga 2 weeks lang siya dun.

Pagdating ko, andun na ang barkada.

"WELCOME HOME TITA"

"Too late babe. Kanina pa kami nandito"

"Ang weak mo talagang mag drive pare! Naunahan ka pa namin!"

"Oi oi. Nauna din naman kaya kayong lumabas ng gym! Iniwan niyo ko!"

"A2. Iho. Ok lang yan. Maraming salamat sa pagpunta"

Pagkatapos mag chikahan ng kaunti, pumasok na si Tita sa kwarto para magpahinga. Kami naman, tuloy pa din.

"A1, magkano nga pala nagastos niyo sa ospital?"

"Maliit lang naman. Empleyado naman dun si Nanay. Tapos tinulungan pa kami ni Tito Anthony"

"Buti naman pala kung ganun. Di niyo na iisipin pa ang pera"

"Yup. Kahit nga yung mga dapat inumin ni Nanay ngayon, halos maliit na lang din ang babayaran namin"

Pag naging asawa kita, magtatrabaho akong mabuti para sa pamilya natin"

"Sira ka talaga Jonathan!"

"Di pa nga kayo eh"

Binatukan ni Jonathan si CJ at nagtawanan ang barkada.

Wow. Last time I saw her laughing was exactly a week ago. Hindi yum dahil kay Jonathan, o sa barkada.

Yun ay dahil sakin. Dahil kay A2.

[ FLASHBACK ]

Sobrang aga kong nagpunta sa ospital. Excited akong ibigay ang surprise ko kay A1. Para naman mapagaan ko kahit pano ang loob niya.

Bubuksan ko na yung pin- *BOGSH*

SHIT! Ang sakit naman (=__=)

May biglang nagbukas ng pinto tapos tumama sa muka ko. Ang sakit infairness. Nahilo ako ng bahagya kaya umupo na lang ako sa tapat ng pinto, sumandal ako sa dingding. Pinatong ko yung ulo ko sa tuhod ko. Naharangan ng dala ko yung muka ko. Ang laki laki naman niya kasi.

Ilang minuto din akong nakaganun. Feeling ko muka na kong weird kaya isinantabi ko muna yung dala ko tapos iniang- *BOGSH*

AAAAAAAAAAAAY! LINTEK!

Nagulat akong napakalapit sakin ni A1 kaya nauntog ako sa pader na nasa likod ko =__=

"Oi! Okay ka lang??"

"Psh. Hinampas mo na nga ako ng pinto sa muka tapos ngayon ginulat mo ko kaya nauntog ako. Muka ba kong okay nun??" ( -__-)

Tapos tumawa na ng tumawa si A1. Aish. Sinaktan na nga ko, pinagtawanan pa ko. Ayos to ah(-__-)

Tumigil na lang siya bigla sa pagtawa. Nakangiti siyang tumingin sakin. Hinaplos niya yung likod ng ulo ko. Pinisil niya yung ilong ko. Tapos yung cheeks ko naman.

"Sorry na" :)

"Oh" sabi ko sabay abot sa dala ko.

Lumaki yung mata niya tapos ngumiti siya ng abot tenga. Weirdo netong babaeng to. Hahahaha.

"YEY! Cotton caaaaaaaaaaaaaaandyyyyyyyyyyyyyyy! SALAMAT!" bigla niya kong hinug.

[ END OF FLASHBACK ]

"Oi!"

"Ui!"

"Huh?"

"Ano??"

"Labo!"

"Hahahaha. Lalim ng iniisip natin jan ah? Baka malunod ka?"

"Sasagipin mo naman ako di ba?"

Sasagot na sana si A1 biglang nagsalita si Jonathan. Medyo wrong timing ka pare (-__-)

"Guys walang mawawala sa birthday ko ah! alam naman ni CJ yun. Sabay sabay na kayong magpunta"

"Yun oh. Inuman na naman to"

"Girls may isusuot na ba kayo?"

"Let's shop together if wala pa!"

"Ay oo nga! It'd be fun!"

Bigla ko na lang narinig si A1 at Jonathan na nag-uusap. Eavesdropping is not really my thing pero naririnig ko talaga eh. Nakinig na lang ako ng tuluyan.

"A1 wag kang mawawala ah"

"Oo naman. Ikaw pa! Lakas mo sakin eh!"

"Pa-papakilala na kita kila . . .kila Mommy"

Tinigilan ko na ang pakikinig. Medyo wala naman dapat akong pakialam sa usapang yun.

Pero napaisip ako. Ganun na pala talaga sila kaseryoso? Di na kasi nagkukwento si A1.

"Guys I'm bored. Laro naman tayo!"

"Lester kagagaling lang natin sa training, laro na naman?"

"Videoke tayo!"

"Natutulog kaya si Nanay"

"Chess?"

"Pang matatalino lang yun CJ! You don't belong. Hahahaha"

"Make-upan na lang kaya natin ang boys??"

"Oi teka! Unfair! Kayo lang matutuwa nun eh!"

"Oo nga. Grabe. Harassment pati yun!"

"Arte netong mga to"

"Kami kaya mag make up sainyo!"

Napatingin ang lahat kay Anton.

"Gay!"

"Ultra Gay!"

"Marunong ka Anton? Wahahaha"

"Ay nako! Straight ako! Halikan ko kayo jan isa-isa eh!"

Nagtawanan ang barkada. Ligalig forevs! Hahaha.

Ok na ang lahat. Everyone seems happy. Everything is falling into the right place . . .right? What could possibly go wrong? I think, wala naman siguro :)

You Belong With Me [ on going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon