Chapter 8: My New Found Friend

32 0 0
                                    

[ A1's POV ]

Nakatulog ako sa byahe sa sobrang pagod na din siguro.

"Oh?? Asan tayo??"

Pag-gising ko, nakapark kami sa-san to?

"MOA"

Ah. Sus. Kala ko kung san na.

"Ah. Bat tayo nandito??"

"Nakatulog ka kasi ng hindi sinasabi sakin kung san ka nakatira. So naiisip kong dito na lang muna tayo. Hehehe"

Oo nga naman. Nakalimutan ko nga naman sabihin. Hahahaha.

Nag-inat ako ng unti tapos niyaya niya ko sa may sea side.

Ang sarap. Ang hangin. Ang daming stars. Perfect night. Pero I'm not with the perfect man. Oo na. Masama na ko.

"Anong course mo?" Tanong ko sakanya. Nabibingi ako sa katahimikan.

"Nutri"

Kaya siguro di ko siya nakikita. Anlayo kasi ng building niya samin.

"Ilang taon ka na?"

"17.Pulis ka ba? Hahaha"

"Hahaha. Wala lang. Gusto lang kitang makilala"

So yun na. Nagkwentuhan na kami. Napasarap nga eh. Past 10pm na nung napansin na namin yung oras at nagdesisyon na kaming umuwi.

Nung una tahimik na naman kami. Buti nga di ako naaawkwardan sa kanahimikan eh. Hahaha.

"Ayaw niya sakin?"

Nagulat ako. Sabi na nga ba at narinig niya.

"Narinig mo?"

"Hahahaha. Sorry. Nagsisigawan kasi kayo. Di ko naiwasan"

Ako kaya dapat magsorry sakanya. Ang bad bad ni A2.

"Sorry din. Alam mo di naman ganun si A2. Hmmmm. Feeling ko gawa nung away niyo kaya ayaw niya sayo. Ano ba kasing pinag-awayan niyo?"

"Boy stuff. Hahaha"

Boy stuff?? Maitanong nga kay A2 kung ano yung boy stuff na yun. Ang big deal kasi sakanya. Kung makapag react naman siya kay Jonathan. Eh magkaibigan lang naman kami.

Past 11pm na nung nakarating kami sa bahay.

"Tara pasok ka muna. Magkape ka. I won't take no for an answer"

He smiled then He turned off the engine.

"Anak! San ka ba galing?? Kanina pa ko nag-aalala sayo"

"Sorry po Nay. Nalowbatt kasi ko kaya di po ako nakapagtext" *mano*

"Good evening po"

"Nay. Si Jonathan nga po pala. Schoolmate po namin ni A2. Siya po naghatid sakin"

"Nako iho salamat. Ay oo nga pala A1, tumawag sakin si A2. Hinahanap ka. Mga 9:10 siguro yun. Eh di ba sabi mo manonood ka ng laro niya? Kaya nag-alala na ko nung hinanap ka niya sakin"

"Pasensya na po Tita. Napasarap po kasi kami sa kwentuhan"

"Ayos lang yun iho. Basta A1 sa susunod magsasabi ka. Oh ako'y matutulog na. Iho salamat ulit at ingat sa pag-uwi"

Ngumiti si Jonathan tapos pumasok na si Nanay sa kwarto.

Pinaupo ko muna si Jonathan sa sala habang nghahanda ako ng kape.

"Oh kape mo"

"Salamat"

"Salamat din nga pala at kahit ngayon lang tayo nagkakilala ang bait bait mo sakin"

Nagsmile lang siya. Model ata to ng toothpaste. Hahaha.

"Pwedeng magtanong"

"Nagtatanong ka na kaya"

"Oo nga naman. Hahaha. Ahmmm. Close si A2 sa Nanay mo?"

"Sabi sayo we go waaaaaaaaaaay back. Grade 1 pa lang kami magbesprend na kami"

"Aaaah. I see"

Maya maya nagdecide na siyang umuwi. Madaling araw na ata.

"It's really late. I think I should go"

"Oh sige. Hatid na kita"

"Wag na. Madilim na salabas. I'll lock the gate myself"

"Sure ka? Sige. Thank you again. I had a blast with you"

"Anytime. Salamat din sa masarap na kape. Bye"

"Ingat ka"

He smiled then lumabas na siya ng pinto.

Pretty nice guy. I like him. NO. Not like him, like him. Just like him. My new found friend, Jonathan Lopez :)

You Belong With Me [ on going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon