Chapter 9: Stupid A2

29 1 0
                                    

[ A2's POV ]

First game of the year. Kinakabahan ako. Ang laki ng expectation sakin eh.

Before magwar up, nilapitan ko muna sila Mads.

"Goodluck Babe"

Sabi ni Mads tapos nagkiss kame. Smack lang naman. Pampagana. Hahaha.

Napatingin ako kay A1 bigla, nasa likod siya ni Mads. Nakahawak siya sa lips niya. Nung nakita niya kong nakatingin sakanya, tinanggal niya yung kamay niya sa lips tapos nagsmile. Nag goodluck siya sakin tapos umalis na ko.

Feeling ko naisip niya yung nangyare samin sa sementeryo. Tsss. Aksidente lang naman kaya yun. Walang may gusto nun.

Pero alam kong...alam kong first kiss niya yun. NBSB yun eh. Rawr. Ayoko na ngang isipin!

Nagwarm up na kami. Napatingin ako kila Mads. As usual nakikipag daldalan siya. Si A1 mukang bored na.

Maya maya napatingin na naman ako. Nanlaki mata ko sa nakita ko, may lumabas pa atang usok sa tenga ko. Tengene. Si Jonathan katabi ni A1!

Gustong gusto kong lumapit at suntukin siya pero ang daming tao pati pinaghandaan ko tong game na to. Rawr. Nakita ko pa silang nagtatawanan. Batuhin ko kaya siya ng bola? Kaso baka matamaan si A1.

Ayoko na. Magwawarm up na ulit ako. Kaso di na ko makashoot ng ayos. PUT YOUR HEAD IN THE GAME A2! Focus dapat! Mamaya na yang problema.

Napatingin ulit ako sakanila. Tengene talaga. Badtrip na badtrip na ko. Tapos biglang tumingin si A1. Nagfade yung smile niya pagkakita niya sakin. Napansin niya sigurong badtrip ako. Malamang! Ang sama nga ng tingin ko di ba?

Kinulbit siya ni Jonathan. May sinabi tapos nagngitian sila. K. Paki ko? Kayo na masaya. Napunta lang sa wala pakikipagsuntukan ko sakanya.

Tumunog na yung buzzer. Star na ng game.

Buti nafocus ko yung sarili ko. Nakakashoot na ulit ako ng ayos. At everytime na ginagawa ko yun, nagtitilian sila. Hahaha. Galing ko talaga.

Last quarter na. 70-67. Lamang kami.

Bola ng kalaban pero naagaw ko. Tumakbo ako sa ring namin tapos tumalon ako. Ayan na. Mashushoot ko--

"Aaaaaagh. Ang sakit Shit"

Siniko ako sa muka nung humarang sakin sa ere. Pagbagsak ko nagtwist yung paa ko. Dapak. Ang sakit.

"Babe! Oh God"

Nakita ko si Mads at A1. Pareho silang naiiyak. Grabe naman. Hahaha. Hindi pa naman ako mamamatay.

Tiningnan ako ng medic. Dapat daw ipa x-ray na ko kaya dadalhin na ko sa ospital. Tsss. Ayoko dun eh. Ah ah.

Si Mads kasama ko sa papuntang ospital.Bago isara yung pinto ng ambulansya, si A1 huli kong nakita.Nangingilid yung luha niya.At salikod niya...si Jonathan. Wala akong nagawa kundi iwan sakanya ang besprend ko. Powtek. Ngayon lang to kaya magpakaligaya na siya.

Pagdating sa ospital nagpa x-ray na ko tapos binigyan pa ko ng kwarto. Adik lang. X-ray lang naman. Well wala naman bayad to. Stock-holder si Papa dito kasi.

"May masakit pa ba Babe? Gusto mong tawagan ko si Tito?"

Nasa right side ko si Mads. Nangingilid na naman luha niya.

"Ok na ko. Calm down. Wag mo ng tawagan si Papa"

Hinalikan ko siya. Torrid. I just wanna calm her down. Kanina pa siya nag-aalala.

You Belong With Me [ on going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon