Chapter 7: He Made Me Cry

33 0 0
                                    

[ A1's POV ]

Kinabukasan, walang masyadong nangyari mula umaga hanggang hapon. Si Karla at Trishia lang kasama ko. Busy kasi si A2 sa practice para sa 1st game of the year.

Pinilit ko yung dalawang samahan ako sa game. Di daw sila pwede, may mga date. Rawr. I guess I'll be going alone.

So yun na nga, nanood na kong mag-isa.

Nasa 2nd row ako sa bleachers. Nasa Harap ko si Mads at yung friends niya. Sa left side ko yung mga kablock namin ni A2. Sa right side ko walang nakaupo.

"Goodluck babe" sabi ni Mads paglapit ni A2.

*smack*

Napahawak naman ako sa labi ko.

DAPAK! Reflex lang? Rawr.

Tumingin sakin si A2. Tinangggal ko agad yung kamay ko sa labi tapos nagsmile ako sakanya. He smiled back.

"Goodluck panget!"

He smiled again then he left.

Sobrang tagal magstart ng game. Naiinip na ko. Wala kong kausap.

Maya maya maya tumayo sa tabi ko, nakaharap sakin. Nagulat naman daw ako.

Gwapo naman, matangkad at...at...kilala ko to ah. Di ko matandaan kung sino siya. Basta nakita ko na siya eh.

"Hi" 

"Hello" 

"Is this seat taken?" 

"Nope"

Tapos yun, umupo na siya then he smiled.

"I'm Jonathan by the way" 

"I'm A1"

Jonathan. Narinig ko na yun eh. San nga b-

*ting!*

Naalala ko na!

"Ikaw! Ikaw yung nakasuntukan ni A2!" 

"Hahaha. Yup. Kambal ba kayo? Bakit A1 at A2? Di kayo magkamuka" 

"Secret. Hahaha. We go waaaaaay back"

Mabait naman pala to eh. Bakit kaya nakipagsuntukan dito si A2?

Nag-usap lang kami habang di pa nagsastart yung game. Tawa nga kami ng tawa. Ang saya lang niyang kausap. Hahaha. Di na ko na maiinip nito. Yey!

Napatingin ako bigla kay A2. Nag-wawarm up na sila. Puro sablay shoot niya, bat kaya?

Tapos tumingin saiya samin. Ba-bakit ang cold ng tingin niya? Badtrip lang?

"Uy nakikinig ka ba?"

Kinulbit ako ni Jo-tama! Baka kaya cold yung tingin ni A2 gawa katabi ko si Jonathan.

"Ah...sorry. May naisip lang ako bigla" sabi ko sabay smile. He smiled back naman.

Tumunog na yung buzzer. Start na ng game. Sa wakas!

Everytime na nakakashoot si A2 tumitili ako. Super cheer ako sakanya. Pinagtatawanan na nga ko ni Jonathan eh. Hahaha. halata daw na no.1 fan ako ni A2.

Nung last quarter na ang higpit ng laban. 70-67. Lamang sila A2.

So ayun na. Naagaw niya na yung bola. Magshushoot na siya!

HE SHOOTS! AND HE...*boogsh*

Anong nangyare??? Di ko nakita! Basta biglang nagpuntahan yung mga teammates niya sakanya.

*prrrrrrrrrt* pumito na yung referee.

Takbo naman kami ni Mads.

"Aaaaaagh. Ang sakit. Shit!"

Nakaupo lang siya. Hawak niya yung paa niya.

"Babe! Oh God!"

Naiiyak na si Mads. Nahawa tuloy ako. Nangilid bigla yung luha ko.

Tiningnan agad siya ng medic. Kailangan daw siyang dalhin sa ospital para ma x-ray.

Hiniga siya sa stretcher tapos sinakay na sa ambulance.

Si Mads na sumama sakanya, malamng siya naman yung girlfriend. Susunod na lang ako.

"Tara samahan na kita sa ospital"

Si Jonathan. Kanina pa kaya siya sa likod ko?

He led me to his car. Buti na lang may kotse siya.

Tahimik lang kami. Naiiyak na talaga ko. Buti na lang hindi bumabagsak luha ko.

"Kalma ka lang ok?" he grabbed my hand then he smiled.

Nginitian ko din siya. In fairness kumalma nga ako ng bahagya.

20 mins. lang nandun na kami. Nagtanong tanong kami kung nasan na nga si A2. Nasa room na daw siya kaya umakyat agad kami.

Dahan dahan kong binuksan yung pinto. Sa sobrang kaba nakalimutan ko ng kumatok.

Maliit lang yung room, nasa left side nung kama yung pinto. Nakita kong nakatayo si Mads sa right side ni A2. Tapos big-bigla silang ang...nagkiss. Torrid.

Yung luha ko nangingilid na naman. An-ang sakit ng puso ko. Ano ba to!

Napastep back na lang ako.

"Aray!" natapakan ko si Jonathan. 

"Sorry Sorry" 

"Ashley" Nagulat ako. Nakatingin na pala samin sila A2. 

"Hi. Uhmmmm. Balik na lang kami. Sorry" 

"Huh? Hindi. Pasok kayo"

Pumasok kami at umupo sa likod ni Mads.

"Bili lang akong pagkaen" 

"Sige. Kami na lang muna dito"

Paglabas ni Mads tahimik lang kami. Napansin kong ang sama ng tingin ni A2 kay Jonathan. Tsss. Problema nito?

"A1 intayin na lang kita sa labas" 

"Sige. Salamat"

Lumabas na si Jonathan. Ano bang meron sakanila? Ano ba kasing meron sakanila??? Anong pinag-awayan ba kasi nila???

"Bakit mo kasama yun?!"

Oh? Bakit sumisigaw tong si A2? Tengene. Natatakot ako. Iba kasing magalit to eh. Ngayon lang niya ko sinigawan. As in never pa. EVER. Ngayon lang.

"Anong nangyari kanina? Ok ka na ba?" 

"Sagutin mo tanong ko!" 

"Bakit ka ba nagagality?! Masama na bang makipagkaibigan ako?! At bakit mo ko sinisigawan?! Matapos kong mag-alala ganito ka pa?!"

Sumigaw ako? Eh nakakasusot na siya eh! Sinigawan na nga niya ko, tinakot pa niya ko!

Natahimik na lang siya.

Ayoko na. Aalis na ko. Naiiyak na naman ako.

"A-alis na ko"

Pagkatayo ko hinawahan niya yung wrist ko.

"A1" Kalmado na yung boses niya.

*teardrop*

Mga taksil! Mga taksil na luha! Bakit ngayon pa kayo tumulo!

Tinanggal ko yung kamay niya tapos umalis na ko. Ayokong makita niya ang mga luha ko.

"Ok ka lang ba?"

Nasa pinto lang pala si Jonathan. May narinig kaya to?? A ewan.

"Oo. Sorry sa pag-iintay. Halika na"

"Hmmmmm. Ok"

Nagsmile siya. Nagsmile din ako tapos pinunasan ko na yung mga mata ko.

You Belong With Me [ on going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon