Chapter 23: The Decision He Made

12 2 1
                                    

[ A2's POV ]

[ Flashback ]

"So-sorry A1. I-I've been a jerk. Sorry kasi alam kong naalala mo. Sorry kasi umiyak ka. Sorry kasi nasaktan na naman kita. Sobrang sorry sa lahat. Sabi ko dati sa sarili ko matututo na kong makalimot, di ba yun naman yung pangako natin sa isa't isa? Pero di pala talaga madali. Akala ko mawawala na lang na parang bula yung mga nangyare, since magkaibigan naman tayo. Pero di pala. Palagi na lang najan yung alaala na yun"

"So-sorry din. Sorry kasi nag breakdown ako. Of all times, bakit nga ba dun ko pa naalala. Hahaha. Pati tuloy nung birthday ko ang awkward ng lahat"

"At dahil sa mga nangyari, nakapag-isip isip na ako..."

Hindi ako nakatulog dahil sa pag-iisip sa tamang gagawin.

"...ayoko na ng magkaganito ulit tayo. Gusto ko...gusto ko palagi pa din ikaw nasa tabi ko..."

Ugh. Grabe. Bakit...bakit parang mali yung lumalabas sa bibig ko?? Bakit parang di naman ito yung gusto kong sabihin?? :'(

"...kasi...kasi BESTFRIEND kita eh."

Tama naman di ba? Bestfriend ko siya. Pero...pero sana di na lang.

"Let's try to forget ok? This time let's try even harder. Pareho nating pinili to so kailangan natin panindigan to ok?"

Haist. Ito yung tama eh. I have no choice :'(

[ End of Flashback ]

Paulit-ulit. Di mawala sa isip ko yung mga nangyari kanina. A-ang sakit pala. Pero...pero wala na kong magagawa, nangyari na eh.

"Pare ayos ka lang?"

"Huh?? Ah...oo!"

"Kanina ka pa namin tinatawag sa baba. Nag cocountdown na sila"

Masyado na pala kong nalunod sa iniisip ko. Di ko napansin na magnenew year na.

5

4

3

2

1

"HAPPY NEW YEAR EVERYONE"

Si A1 agad yung niyakap ko tapos binati ko na sila Jonathan, Tita at Manang Rosa. After nun, bumaba na ako sa kinatatayuan nila Papa, magpapaputok na kasi kami nila Mang Teban.

"Happy new year Pa! Happy new year Mang Teban!"

"Happy new year po sir!"

"A2, anak, happy new year!" Tapos niyakap ako ni Papa.

Habang nagpapaputok kami, napatingin ako kay A1. Katabi niya si Jonathan. A-ang saya saya niya. Hahaha. Tuwang tuwa! Parang bata!

Pagtingin ko naman kay Jonathan, hawak lang niya yung kamay ni A1. Nakatingin siya sa malayo. Kita ko sa mga mata niyang malungkot siya. Anong meron??Bat ganian si mokong?? Imposible namang nag-away sila. Holding hands pa nga di ba!

"Handa na po ang mga pagkain. Pwede na po tayong kumain"

Pagkatawag samin ni Manang Rosa, nagpasukan na kaming lahat sa loob.

Sa lamesa, ito ang seatting arrangement: 

Papa A1 A2 Mang Teban 

Tita Jonathan Manang Rosa

Ang saya saya ng lahat. Ang ingay ingay pa. Ang dami daming pagkain. Syempre hindi mawawala ang paborito ko!

"Ay nako A2, buti na nga lang at nakapag luto ako ng paborito mo. Gustong gusto din kasi yan ni Jonathan eh"

"Ah. Hehe. Ganun po ba?"

Gaya gayang palaka. Pati sa pagkain nakiki-WAHAHAHA. Ano bang sinasabi ko! Psh. A2 A2. Para kang tanga.

"Pa, tikman mo to oh. This is the best garlic chicken I've ever had"

Wala pang natitikman si Papa na luto ni Tita eh.

"Wow. This is really good Anabeth. Chef ka na ba ngayon?"

"Naku Sir hindi po. Sa pabrika pa din po ako nagtatrabaho"

"Oh? Bakit naman? Sayang naman ang skills mo"

"Sinubukan ko naman pong maghanap kahit helper man lang sa mga restaurant pero dahil po siguro sa may edad na ako, ang hirap pong makahanap ng tatanggap sakin"

"Hmmm. Oo nga. Ay! oo nga pala! Kailangan ngayon ng helper sa kitchen ng ospital. Gusto mong subukan? Para naman di masayang ang talento mo"

"Naku Sir. Wag na p-"

"Ano ka ba! Sasamahan kita. Akong bahala sayo!"

"P-po?? Sir ok lang po. Wag na po"

"Mga next week. Libre ka ba?"

"P-po?"

"Nay! Umoo ka na kasi!"

"Oo nga Tita. Para naman sumarap sarap ang pagkain dun. Hahaha"

"Naku. Itong mga batang to! Hmmm. Sige na po Sir. Maraming maraming salamat po"

"Naku wala yun. Hindi ka na naman iba sa amin"

Ayos! Panigurado madalas na kaming magkakasama ulit ni A1 nito! YEY! Sana matanggap si Tita!

Nagliligpit na kami ng pinagkainan nung nagpaalam si Jonathan.

"Tita alis na po ako. Dr. Flores nice meeting you po"

"Pare ang aga pa ah?"

"Ah...eh...Hinahanap na kasi ko samin"

"Sigurado ka iho?"

"Opo Tita. Salamat po sa masayang bagong taon"

"Ingat ka iho. Nice meeting you din"

"Sige po. Salamt po"

"Ingat pare"

"Sige A2"

Halata pa din sa mata niya na malungkot siya. Ito namang si Jonathan! Bagong taon na bagong taon ang emo!

Hinatid siya ni A1 sa baba. Pagbalik niya, tumabi agad siya sakin.

"Magkaaway ba kayo?"

"Di ah"

"Eh bat parang ang lungkot nung isang yun?"

"Sabi niya pagod lang daw siya. Maghapon na kasi yung nandito. Tapos puyat pa yun kasi galing yung inuman kasama ng mga teammates niya"

"Aaaaaaaaah. Baka nga pagod lang"

Mga 3am na kami nakauwi. Napasarap kasi sa pagkukwentuhan si Tita at Papa. Syemprengayon na lang din kami nagkausap ni A1 ng ayos soooo napatagal din kami.

I could say that this is one of the happiest new years I've ever had :D

You Belong With Me [ on going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon