Chapter 3: Right Girl But Wrong Time?

60 0 0
                                    

[ A2's POV ]

Late na nga kami. As usual. Sa bagal ba naman nitong pinakamamahal kong mag-ayos. Napaka vain lang. Wagas. 

Araw-araw sa C.R deretso niyan pagdating sa school para mag-ayos. Kakagaling lang sa bahay ayos na naman.

Mga babae nga naman.

Buti na lang di ganian besprend ko.

Speaking of besprend, katabi ko nga pala siya ngayon. 

Nagsasalita na yung Prof pero di kami nakikinig.

"Sinong makukulong?" 

"Di pa tapos hearing. Mamaya daw sabi ni kumander"

Pagkatapos ng lahat ng klase namin ni Mads, hinatid ko na siya pauwi.

Si A1 may klase pa, di kasi namin siya kasched. Pero babalikan ko pa yun. On the way namin samin bahay nila.

Tinigil ko yung sasakyan sa harap ng bahay nila Mads. Bumaba ako at binuksan ang pinto niya. 

Kala ko bababa na, biglang...

"Di pa tayo nag-uusap"

Anak ka ng tatay mo. Naalala pa.

"Sorry na Babe. Lats na yun. Ngayon na lang naman ako nakipag-away di ba?"

"Pero Babe alam mo namang madaming matang nakatingin satin. 

Pwedeng masira ang career ko at ang pangalan ng pamilya ko. 

One wrong move and I'll be forced to go back to Korea"

Yan ang hirap sa relasyong to eh. Kailangan every move you make, sigurado kang wala silang mapupuna. 

Alam kasi naming hanggang Pilipinas sinusubaybayan siya ng mga reporter sa Korea. Yup. Ganun siya kasikat. 

Sinugal niya ang career niya para sa relationship namin.

Hindi lang yun. Pati family niya sinuway na niya para samin. 

Sa Korea sila nakabased. Very influential na mga negosyante.

Pag naiisip ko tong mga to, lalo akong nagagwapuhan sa sarili ko. Hahaha. 

Sa dinami dami ng lalaki sa mundo, ako ang maswerteng mahal ng babaeng magandang to. Ako ang maswerteng pinag sugalan niya ng buong buhay niya. 

At hindi ko sasayangin lahat ng to. Sa teleserye ka lang ata makakakit ng ganito eh. 

Mahal na mahal ko siya.

"Alam ko and I'm sorry. Sigurado naman ako na walang nakakitang press kasi w/in the school premises naman. I'm sorry. I love you so much"

"Just promise me that it will be the last. I love you so much and I can't afford to lose you"

"I promise. I love you more Babe. We will never lose each other. 

Tiwala lang. Madami na tayong nalampasang problema. I know we can get through this"

Madami na talaga. Sa dami ba naman ng mga umeksenang flirt na girls at mga nagpapa-impress na boys.

"Ok ok. Pero bakit nga pala kayo nagsuntukan ni Jonathan?"

"Ah wala.Boy stuff"

Kinuha ko yung kamay niya at hinila ko sabay kiss sa lips.

Yummmmy! :D

Inintay ko munang masara niya yung gate bago ko umalis.

Pagdating ko sa school, nag-iintay na si A1. 

Sumakay na agad siya pagkakita niya sa sasakyan ko.

"Kanina ka pa? Sorry nag-usap kasi kami ni Mads"

"Ok lang. Kakalabas ko lang naman. Anyare?"

"Ano pa nga ba, edi yun pa din. Same litanya. We've been fighting for this for almost a year. 

Alam mo namang mahal na mahal ko yun di ba? Pero hanggang ngayon nahihirapan pa din akong baguhin ang sarili ko para sakanya. 

Kahit ganun wala din naman akong magagawa, ginusto ko to eh. Ginusto namin to. 

We'll fight for this hanggang dulo"

"Hayaan mo na panget. Mahal na mahal mo nga di ba? Kaysa naman maging mas miserable ka pag nawala siya. 

Dadating din yung time na everything will be in the right place ok? 

Siguro wrong time lang talaga."

"Tss. Ewan. Right girl but wrong time? Ang hirap"

Tumunog yung tiyan ko bigla. Panira lang ng moment?

Tumawa si A1.

"Gutumin mo na lahat wag lang talaga si Alex Anthony Flores"

Tumawa na lang din ako.

"Sa bahay ka na namin kumain. Magluluto si Nanay ng favorite mo"

"Ayos. Tagal ko ng di nakakakain ng garlic chicken!"

You Belong With Me [ on going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon