Chapter 21: More Than A Year Ago...

41 1 0
                                    

[ A2's POV ]

Ilang araw na din tapos ang pasko. Nandito ako ngayon sa pool area, umiinom mag isa.

"Anak. napapadalas ata pag inom mo ah?"

Pagtalikod ko, palapit na sakin si Papa.

"Di naman Pa"

"May...may problema ba?"

"Wa-wala po Pa"

Ayokong sabihin kay Papa. Nahihiya ako. Alam kong magmumuka akong two timer. Yun pa naman ang ataw niya sa lahat, yung may nasasaktang babae.

"Sigurado ka nak? Basta pag kailangan mo ng kausap nandito lang ako"

"Opo Pa. Tatandaan ko po yan"

"Oh sige. Jan ka na at may gagawin lang ako sa loob"

Ang gulo. Ang gulo gulo ng isip ko. Bat nga ba kasi nagkakaroon sa point ng buhay mo na dalawang tao ang minamahal mo? Alam kong mali to eh. Ayoko din naman makasakit pero huli na ang lahat. Alam kong may nasaktan na ko.

One year & one month. One year & one month na mula nung gumawa ako ng desisyon. Ang tagal tagal na pero...pero bat di ko pa din mapanindigan?

*When you say nothing at all*

Phone ko. Asan na ba yun??

Ito!

"Oh CJ? Napatawag ka?"

"Pare ang tagal ka na namin di nakikita ah?"

"Pasensya na pare"

"Pasensya ka diyan. Walang pasepasensya. Magbihis ka. Susunduin kita. Pupunta tayo kila Anton. Kakaladkadin kita pag di ka sumama ng ayos"

"Pe-" *toot toot toot*

Lintek! Binabaan ako! Aist. Makapag bihis na nga lang. Ayokong makaladkad sa sarili kong bahay.

Pagdating ni CJ, nagpaalam lang ako kay Papa tapos umalis na kami.

"Ok na pala kayo ni Tito?"

"Oo. Mahabang kwento. Next time na lang"

Pagdating namin kila Anton, dumeretso na kami sa pool area at na-ANO TO??

"CJ teka! Bakit...bakit may mga babae??"

"Aba ewan ko. Pinapunta lang naman tayo eh"

"Ayoko na. Uuwi na ko"

"Walangya! Kailan ka pa natakot sa chiks?? Wag ng K.J! Halika na!"

"Ayo-AAAAAAAAAAAAH"

Bigla akong kinaladkad ni CJ. Tengene ng taong to.

"CJ! A2! Abg tagal niyo!"

"Nag inarte pa kasi tong si A2 eh"

"Hin-"

"Hayaan mo na. LET'S PARTY!"

Tapos nagligalig na sila dun. Yung mga girls tuwang tuwa sa tatlong itlog. Susme.

Ako?

Ito...umiinom.

Ng madameng...

madameng...

madameng...

madameng...

madameng...

madame.

"A2 tama na yan! Halika na. Uwi na tayo. Tangina pare. Lasing ka na"

You Belong With Me [ on going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon