Chapter 5: Ang Hirap Mawalan ng Mama/Nanay/Mommy

66 2 0
                                    

[ A2's POV ]

30 mins. lang ang layo ng bahay nila A1 samin. Mga 11:30pm nasa bahay na ko.

Pagdating ko naabutan ko si Papang nakabihis at may dalang maleta. Mag-a-out of town na naman to.

"Kanina pa kita iniintay. Gabing gabi na ah"

"Pa sorry po. Galing po kasi ko kila A1. Si Tita po dun ako pinagdinner"

"Anong kalokohan na naman ang nabalitaan kong nakipagsuntukan ka daw?"

"Pa kasi..."

"Wag ka ng magdahilan A2. Hindi ka na ba titino? Ano bang problema anak? Kausapin mo ko. Hindi yang sinisira mo buhay mo. AT ANG PANGALAN KO"

Natawa ko. Wow. Kaya pala siya galit.

"Sabi na nga ba eh, pangalan mo na naman inaalala mo! Pa, paano kita kakausapin kung lagi kang wala! Simula nung nawala si Mama di na tayo nagkakasama! Lumayo na loob mo sakin! Puro trabaho na lang inatupag mo! Lagi kang Wala sa Pilipinas, at kung nandito ka naman wala ka lagi sa bahay! Hindi ko na nararamdaman na may Papa ako! Pero kahit ganoon di ako nagreklamo. Di ako nagbulakbol. Imbis na magrebelde ako ginalingan ko para sainyo. D.L na ko, MVP pa ko sa basketball. Pero Pa, di mo pa din ako napansin. Feeling ko hangin lang ako sa buhay niyo. Parang kasabay ng pagkamatay ni Mama ay ang pagkamatay din ng Papa ko"

Tinalikuran ko siya tapos tumakbo ko sa kotse ko.

Ayokong mahabol niya ko. *teardrop*

Ang bigat ng pakiramdam ko. *teardrop*

Ginawa ko naman lahat para maging proud siya sakin pero wala pa din nangyari. *teardrop*

Napapansin lang niya yung mga mali ko. *teardrop*

Miss ko na si Mama *teardrop*

Gusto kong puntahan si Mads. Tinawagan ko siya pero di siya sumasagot. 12:30am na pala. Tulog na yun.

Si A1. Siya sunod kong naisip. Tinawagan ko agad siya, baka gising pa.

"Panget" *singhot*

"Oh? Umiiyak ka ba? Bakit gising ka pa? Ok ka lang ba?"

"Pwede mo ba kong samahan?"

"Si--sige. Text ka na lang pag nasa labas ka na ng bahay"

Tahimik lang kami sa byahe. Mga 1:30am na kami dumating sa puntod ni Mama.

Nakakatakot? Wala eh. Pag talaga nag-aaway kami ni Papa, si Mama pa din sumbungan ko.

Pati nandito naman si A1.

"Ma, inaway na naman ako ni Papa" *teardrop* *singhot*

"Nakipag-away kasi ako" *teardrop* *singhot*

"Pero Ma ngayon na lang naman ako nakipagsuntukan. Promise!" *teardrop* *singhot*

"Ma, miss na kita" *teardrop* *singhot*

"Bakit mo kasi ko iniwan?" *teardrop* *singhot*

"Mahal na mahal kita Ma"

Humagulgol na ko. Di ko na kayang pigilin.

Tapos bigalang humangin. Parang may yumakap sakin.

Si...si Mama.

1hr. na din kaming nandun.

Si A1? Nasa tabi ko. Tahimik lang.

"Inaantok ka na ba?"

"Mejo" Nagsmile siya tapos humikab.

"Higa ka muna sa lap ko"

Humiga siya. Maya maya tulog na.

Ang lamig. Hinubad ko yung jacket ko tapos ikinumot ko sakanya.

Napatingin ako sa mga bituwin. This night is perfect. Kung wala lang akong problema.

Lumipas pa ang ilang oras. Buti na lang tanghali pa pasok namin.

7:30am na nung nagising siya.

"Di ka natulog? Ayos ka na ba?"

"Di eh. Oo ok na ko. Tara uwi na tayo"

"Tara"

Pag tayo ko nahilo ko. Hinila ko ni A1 pero epic fail siya.

Nadala ko siya...

at--at..

*smack*

Nagkiss kami sa lips.

You Belong With Me [ on going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon