Chapter 4: New Friend.....

2K 44 0
                                    


Den's POV.....


Pagkatapos namin kumain ay nag pahinga muna kami saglit para pababain ang mga kinain namin, grabe talaga tong si besh ang lakas talaga kumain. Wala pang 15mins ubos na lahat ng mga binili nya, and take note ha punong puno yung tray na binaba nya dito kanina pero ngayon, wow!!! as in WOW!!! dahil parang dinaanan lang ito ng hanggin. Kapatid yata to ni tazmania yung kila bugs bunny, yung malakas kumain na parang dinaanan lang ng bagyo yung pagkain, (-_-)

After namin mag pahinga ay tinignan ko na muna yung phone ko baka kasi may nag text or tumawag, para na din makita ko kung anung oras na din. Wala naman nag text or tumawag, 7:40am na pala kaya inaya ko na si besh ella na pumasok na kami sa kanya kanya namin room baka kasi malate pa kami eh. Habang nag aayos kami ng mga sarili namin ay napatingin ako dun sa inuupuan kanina ni mysterious guy, at napansin ko na meron akong pen na nakita dun, napakunot ang noo ko dahil dun, parang kakaiba sya kaya nag paalam muna ako kay besh na may titignan lang muna ako saglit at pumayag naman sya.

Pinuntahan ko agad yung pinuwestuhan ni mysterious guy at pinulot ko yung pen, kakaiba sya at ngayon lang ako nakakita ng gantong balpen sa buong buhay ko, parang pinasadya sya, at may naka engrave pa na initial dun. "AV" anu kaya meaning nun. Nilagay ko nalang sa bulsa ko ito at tinago para di na mag usisa si besh.

Nung naka balik na ako sa table namin ay binuhat ko na ang gamit ko. Nag pahuli ako sa pag lalakad para mailagay sa bag ko yung pen at itago ito ng di mawala, nararamdaman ko namag tatagpo ulit kami ng may ari nito kaya itatabi ko muna. After kong itago yung pen ay sina bayan ko na si besh nang pag lalakad baka mag tanung pa eh.

Dahil mas malapit ang Biology Building kesa sa Psychology Building ay hinatid muna nya ako sa room ko, bago sya umalis ay nag beso muna kami para mag paalam sa isa't isa. Nung wala na sya sa paningin ko at sumakay na ng elevetor, dun ko lang naalala yung about sa try-out mamaya sa BEG,

"Mamaya ko nalang sasabihin, mag kikita pa naman kami sa lunch time eh."- sabi ko sa isip ko. At humanap na ako ng pwede kong maupuan, medyo marami na din ang mga ka blockmates ko kaya medyo na hihiya pa ako, habang nag hahanap ako ay may nakita akong pwesto da malapit sa dulo at katabi ng bintana kaya dun nalang ako umupo.

Nung pag upo ko, may kumalabit sakin sa leftside ko. Pag tingin ko babae pala, buti naman at babae ang katabi ko at di lalaki, tinigil ko muna ang ginagawa ko at humarap sa kanya at kinausap sya.

"Yes?? what can I do for you miss?"- tanong ko sa kanya.

"Ahhhh...wala naman, pansin ko kasi medyo nahihiya ka pa nung pumasok ka dito sa room. :)"- turan nya sakin habang naka ngiti, wow pinapanuod pala nya ako kanina. Pero infairness kay ate cute sya ha kaya nginitian ko din sya.

"Ahhh...ganun ba, di pa kasi ako masyadong sanay pag ganto eh, napansin mo pa pala yun. :)"- sagot ko sa kanya.

"Btw, Mary Mae Tajima nga pala, Mae nalang para may kakilala kana at di kana masyadong ma op dito, wala din kasi akong kakilala dito eh. Ok lang ba na makipag kaibigan sayo? :)"- sabi nya with pakita ng maganda nyang smile at sabay lahad ng kamay.

"Oh sure, Dennise Michelle Lazaro pala, Denden or Den nalang. :)"- sabay kuha nung kamay nya na nasa harapan ko. Biglang lumaki ang mata nya nung nag pakilala ako.

"(O.O) Oh my GOD!!!! don't tell me ikaw ang anak ni Mr. Mickey Lazaro???!!! Yung isa sa pinaka sikat na tycoon dito sa pilipinas??!!!!!"- pabulong na sabi nya sakin para di maka gawa ng ingay sa loob ng classroom, haha grabe tong si mae parang ewan. Ganun ba talaga kakilala si dad?? sa bagay totoo naman yun. Kaya ngumiti nalang ako bilang sagot.

"Grabe!!!! di ko akalain na ang anak nang isang sikat at kilala bilang isa sa mga successful business man ay kaklase ko pala at kaibigan ko pa ngayon."- tuwang tuwa sya habang sinasabi nya yun, napapailing nalang ako sa ginagawa nya. Napansin nya yata na di na ako umiimik kaya umayos na sya ng upo, nahiya siguro sa inasal nya.

"Sorry ha, nagulat lang ako sa nalaman mo, nakakahiya tuloy makipag kaibigan sayo, sobrang yaman mo pala"- sabi nya ng may pilit na ngiti.

"Di naman ako ang mayaman kundi ang parents ko lang kaya wag kang mailang or mahiya sakin :)"- binigyan ko sya ng assuring smile para mapanatag na sya.

"Ok, sorry sa inasal ko, so friends???"- tanung nya sakin at inabot ulit yung kanang kamay nya sakin at ngumiti, pero ngayon totoo na, napanatag na siguro.

"Friends :)"- sabay abot sa kamay ulit nya at ngumiti ng malapad.

"So anu palang pinag kakaabalahan mo? may pupuntahan ka pa ba after ng mga classes mo"- tanung nya sakin.

"Oo eh, pupunta kami ni besh sa BEG mamaya dahil gusto ko sana mag try-out kami sa volleyball"- sabi ko sa kanya, bigla na naman nag ningning ang mga mata nya.

"Ang moody netong babaeng to ang bilis mag bago ng facial expression nya eh."- sabi ko sa isip ko.

"Talaga???? Great!!! sabay sabay na tayo pumunta kasi mag tatry-out din ako sa volleyball eh. :)"- Mae

"Sure sige, kita nalang tayo mamayang sa BEG ha, what time ba tapos ng sched mo ngayon??"- tanung ko sa kanya.

"Mamayang 3pm pa, 4pm pa naman yung start nun diba??"- Mae

"Oo kaya kita nalang tayo sa BEG, then pakilala na din kita dun sa besh ko para may new friend ka pa ulit na makilala, wag kang mag alala mabait naman yung si besh. :)"- sabi ko sa kanya,

"So ngayon may bago na akong friend at ang kinaganda pa mahilig din sya sa volleyball. I think mukhang gaganda ang college life ko ngayon ah."- sabi ko sa isip ko.

At umayos na kami ng upo dahil dumating na ang prof. namin at isa isa na kaming nag introduce ng mga sarili namin.

Nung ako na ang mag papakilala, tinginan sila saking lahat. Tumayo ako sa chair ko at nag pakilala, medyo kabado ako dahil center of attraction ako ngayon.

"Hi, I'm Dennise Michelle Lazaro, Den or Dennise nalang. 17yrs. old, I love playing volleyball, thats all thankyou"- sabi ko sabay upo ulit.

their reaction except me and Mae -------> O.O

"Are you the youngest daugther of Mr. Mickey Lazaro?? Ang isa sa pinaka sikat na business tycoon dito sa bansa????"- tanung ng prof ko na di parin makapaniwala. Tango lang ang sinagot ko sa kanya.

"Wow, so totoo pala na dito nag aaral ang isa sa mga anak ng isa sa mga business tycoon ng bansa, how lucky we are"- sabay ngiti nya sakin.

After nun dinismissed na kami dahil wala pa nalan daw sya ituturo. May 1hr pa akong natitira at si Mae naman ay may pupuntahan pala kaya wala tuloy akong makausap. Naisipan ko nalang na puntahan nalang si besh dahil alam kong vacant din nya tong time na to at para mapag usapan namin yung about sa try-out mamaya.


-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_*****

Have fun and Enjoy!!!!! :)

Jazz_MysTerious 13





You Changed My World (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon