UnTitled Part.....

1.4K 40 0
                                    


Aly's POV....


Habang papunta sya sa loob ng cr ay kita ko ang pagka tulala nya habang naka hawak sa kanyang mga labi kaya napa ngisi ako dahil dun. Pagka pasok na pagka pasok nya sa loob ng cr ay sya namang pag bukas ng pinto ng room namin kaya napatingin ako sa taong nag bukas nun at nakita ko si ate Gretch na sumilip kaya sinamaan ko sya nang tingin dahil hindi mana lang sya kumatok, di ba nya alam na rude yun dahil private na yun, pano nalang kaya kung nag bibihis kami ni Den or may something na di dapat nila makita.

Ngumit lang sya sakin at nag peace sign kaya nag salita na sya.

"Sorry sa istorbo Aly at sa hindi pag katok, gusto ko sana kayong tanungin kung gusto nyo bang manuod ng movie dahil nandun na silang lahat at kayo nalang ang hinihintay"- sabi nya habang kumakamot sa ulo kaya tumango lang ako sa kanya at sinabing susunod nalang kami.

Nakita ko pang ngumiti sya ng nakaka loko na may kahulugan kaya napailing nalang ako. 

Habang hinihintay ko si Den sa pag labas ng cr ay tinignan ko nalang muna ang cp ko kung may nag text, nung nakita kong wala ay sunod ko naman tinignan yung twitter ko at nakita ko na lahat ng teammates ko at pinallow ako kaya nag follow back ako then nag out na rin ako at saktong pag out ko ay lumabas na si Den at napatingin sa gawi ko, nakita ko pang namula ang mukha nya at bigla syang napayuko at di na nakagalaw sa pwesto nya kaya na pa smirk ako.

Nakaisip tuloy ako ng kalokohan kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at dahan dahan lumapit sa kanya, napansin naman nya na nakatingin ako sa kanya kaya inangat nya ang tingin nya sakin habang ako ay papalapit sa kanya ng may nakaka lokong ngiti.

Nang makalapit na ako sa harapan nya at hindi parin namin binababa ang tinginan or should I say na titigan namin ay ngumiti ako sa kanya ng pagka tamis tamis na kanyang pinag taka.

"Ano na, tatayo ka nalang ba dyan o baka naman gusto mo pa ulit manakawan ng halik"- biro ko sa kanya at dahan dahan nilalapit na nilapit ang mukha ko sa kanya, nakita ko naman na nabigla sya sa sinabi ko pero nung papalapit na yung mukha ko sa kanya ay bigla syang pumikit.

Dahil sa ginawa nya ay nag pipigil na ako ng tawa dahil halatang hinihintay nya na totohanin ko yung sinabi ko kaya nilayo ko na yung mukha ko sa kanya at hinihintay nalang na dumilat sya habang nag pipigil pa rin ako ng tawa. Nang mapansin siguro nya na parang ang tagal yata ng halik ko ay dumilat na sya at duon ako pumalahaw ng tawa habang nakahawak sa tyan ko.

"You should have seen your self Den, hahahaha. Ang epic hahaha ng itsura mo, hahahha, talagang hinihintay mong, hahaha na halikan kita at may papikit pikit ka pang nalalaman? hahahahahaha"- sabi ko habang tumatawa sa itsura nya habang mangiyak ngiyak na ako sa katatawa.

Napatigil ako ng katatawa dahil,

"Ano masaya ka na sa kalokohang ginawa mo sakin?"- nakita ko na may luha nang pumapatak sa mga mata nya kaya nakunsensya tuloy akong bigla sa ginawa ko.

Lalapitan ko sana sya pero,

"Please lang, wag na wag kang nang lalapit sa akin, at kung pwede lang ayaw na muna kitang makita!"- sabi nya kaya naestanwa ako sa pag kaka tayo ko dahil ramdam na ramdam ko yung sakit sa mga binitawan nyang salita. 

Lumabas na sya ng kwarto namin at iniwan akong hindi maka galaw sa kinatatayuan ko. Gusto ko sana syang sundan pero baka lalo lang syang magalit sakin kaya napabuntong hininga nalang ako at napaupo sa kama ko.

"Yan kasi, biro pa"- sabi ng kunsensya ko.

"Hindi ko naman alam na daramdamin nya yun eh"- depensa ko sa kunsensya ko.

You Changed My World (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon