True Friends.....

2.2K 54 29
                                    


Aly's POV.....

.

Mag tatanghali na ng magising ako at agad kong tinignan ang isa pang kama sa kaliwa ko, nakita kong wala nang tao dun kaya malamang ay bumaba na si Den, hindi muna agad ako bumangon dahil hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang pinag usapan namin ni ate Jovs kagabi about sa impormasyong nalaman ko.

.....

....

...

..

.

FlashBack.....

.

Agad kong inakyat ang kwarto namin ni Den matapos agad buksan ang pinto ng dorm dahil sa totoo lang ay nakaka ramdam na ako ng pagod at bigay, hindi ko na inalam kung sino sino pa ang naiwan or nag kumustahan ba muna sila, hindi ko naman kasi akalain na mabigat din pala ang babaeng ito. Pag ka baba ko kay Den sa kama nya ay tinanggalan ko muka sya ng sapatos at medjas saka ko sya kinumutan, hindi ko narin kasi sya maaasikaso dahil naisip ko bigla si ate Jovs, at alam kong hindi sya uuwi ng pinas ng walang dahilan kaya umupo muna ako sa kama ko at tinext sya habang nag papahinga ako. Sinabi ko sa kanya kung san ang room ko at kumatok ng tatlong beses.

Habang nag hihintay ako sa pag dating nya ay nag iisip na ako kung ano bang nangyari para umuwi sya dito ng biglaan at wala akong kaalam alam tungkol dito.

Kung hindi nyo naitatanong, si ate Jovs lang naman ay isang class S na private investigator at naka base sya sa US at ganun din ang dad nya, ang mga Gonzales ang isa sa mga pinag kakatiwalaan ng aming pamilya mula pa noon, sabi ko naman sa inyo kami ang no.1 na pinaka mayaman sa buong mundo dahil narin sa galing ng mga parents kong magpatakbo ng negosyo at makisama sa mga tao kaya lahat ng tiwala nila ay nakukuha namin, kaya nga nakakapag taka kung bakit pinatay ang mga parents ko dahil talagang wala kayong mapipintas sa mga ito.

Habang nag iisip at inaanilize lahat ay may narinig na akong kumatok at alam kong si ate Jovs na yun dahil tatlong beses nga syang kumatok tulad ng sinabi ko.

"Bukas yan"- sabi ko, sapat lang para marinig nya yun at nakita ko nga si ate Jovs na may nakaka lokong ngiti sakin habang naka tingin sa natutulog na si Den.

"So care to share Baldo? Mukhang may naka bihag na sa pusong bato natin ah"- ngising sabi sakin ni ate Jovs habang taas ba ang mga kilay.

"Pwede ba ate tigilan mo ako sa mga kalokohan mong yan, kaya palagi kayong nag aaway ni ate Rad eh."- sabi ko sa kanya at nakita ko ang pag ngiwi nya na sya namang kina ngisi ko.

"Pwede ba wag munang banggitin yan, alam mo naman kasi yang ate mo napaka sensitive, para nag bibiro lang nagagalit agad tapos ang brutal pa lagi akong kawawa"- sagot nya at may paawa effect pa dahil totoo yun, seryosong tao si ate Rad, dahil narin siguro sa obligasyo nya sakin kaya sya ganun pero mapagmahal at maunawain naman yun at marunong makisama, sadyang pag si ate Jovs lang ang nag biro hindi nya magets at nakokornihan sya kaya nagagalit sya dito, hindi ko nga alam kung pano nya natatagalan si ate Rad eh alam naman nyang busy-ng tao yun at seryoso na kabaliktaran nya.

"Tsk, hanga na talaga ako sa haba ng patience mo ate, magka ibang magka iba kayo ni ate Rad pero nag tatagal ka sa kanya, marami namang iba na kaya kang intindihin at unahin pero ayaw mo syang bitawan."- diretso kong sabi sa kanya. Nakita ko namang lumungkot ang mukha nya pero agad ding ngumiti at alam kong hindi yun totoo dahil may lungkot parin sa mga mata nya.

"Wala eh, mahal ko talaga saka handa akong maghintay para lang sa kanya"- sabi nya, kaya tumango nalang ako at binigyan sya ng genuine smile. Bigla naman sumeryoso ang tingin nya kaya medyo nakaramdam ako ng kaba dahil ibang bagay na ang pupuntahan ng usapan na to.

You Changed My World (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon