Awkward.....

1.8K 58 4
                                    


Den's POV.....

.

.1month later.....

.At BEG.....

Isang buwan na ang lumipas, halos lahat kami ay nag kakapalagayan na ng loob at ngayon lang din ako nakaranan ng ganitong pangyayari sa buhay ko dahil akala ko nung una ay mga tahimik sila pero nagka mali ako dahil pag nag sama sama na kaming lahat ay para kaming mga bata dahil ang iingay at ang gugulo namin. Lahat sila kasundo ko na or lahat kami ay mag kakasundo na maliban sa isa, sya lang naman ay walang iba kundi ang sakilang cold at laging naka pokerface pag kasama kami na si Valdez. Oo tama kayo ng nababasa guys, si Alyssa Valdez na lang ang hindi namin masyadong nakakasalamuha sa harutan,tawanan at kung anu ano pang kalokohan dahil madalas ay nasa isang sulok lang sya at pinag mamasdan kami. Pero minsan nahuhuli ko syang parang naka titig sakin at pag titingin naman ako ay umiiwas sya ng tingin tulad ngayon, nag wawarm-up kami habang sya tumatakbo lang na parang walang kapaguran pero samin ang atensyon nya. At pinag mamasdan ko lang sya habang tumatakbo.

"Hoy besh, baka naman matunaw nyan si Aly sa kakatitig mo"- biglang sabat ni ella dahil sya ang ka partner ko sa warm-up at napansin nya yatang naka tingin ako kay Aly.

"Ay baboy ka! pwede ba besh wag kang bigla bigla nalang mag sasalita dyan, nagugulat tuloy ako eh."- may diing bulong ko kay ella dahil nagulat talaga ako.

"Aray naman besh ha, kung maka baboy ka. Hindi naman ako ganun kataba ah, at saka kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin kaya sinundan ko yung tinitignan mo at nakita kong si Alyssa yun. Ayiieee!! besh ha, wag masyadong pa obvious sa mga ginagawa."- panunukso sakin ni ella kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Sorry besh, ginulat mo kasi ako eh, saka FYI hindi ko sya tinititigan, kasi naman hinuhuli ko lang sya dahil minsan napapansin ko na tinititigan nya ako. Saka napapaisip lang ako ng about sa kanya besh, isang buwan na tayong mag kakasama pero ilag pa rin sya satin"- pag rereason-out ko.

"Wow besh ha, assuming much? eh talaga namang spectator natin yang si Aly simula una palang ah, diba nga sinabi na satin yan nila choach at ate cha. Saka alam mo may point ka, halos lahat tayo ay magkaka palagayan na ng loob pero sya hindi pa rin, minsan nga kinausap ko yan nung parehas kaming naiwan lang sa dorm dahil pareho kaming walang naka sched na classes that day, sumagot nga sya pero isang tipid na "oo" lang ang sinagot nya sakin tapos ay nag poker face na kaya di ko nalang ulit kinausap dahil mukhang away naman nya makipag usap."- mahabang litanya ni donya ells.

"Bakit besh anu ba yung tinanung mo?"- tanong ko sa kanya.

"kumain kana ba"- Ella.

Isang madiin na batok lang naman ang inabot ni ella sakin dahil sa tanong nyang yun at iniwan ko na sya ng walang pasabi.

"Aray besh ah! Ang sakit nung batok na yun!!! Bakit mo ginawa yun?"- habang himas himas nya ang ulo nyang tinamaan ko at nakasunod na syang lumapit sakin.

"Bwisi ka besh, sa dami dami mong itatanong, pagkain pa talaga ha?! Malamang oo at hindi lang talaga ang isasagot nun sayo, kahit ako yung tanungin mo ng ganun ay iyon lang din ang isasagot ko eh"- inis na sabi ko sa kanya sabay irap.

"Ah, ganun ba yun? kala ko kasi mag yayaya syang kumain at saka besh gutom na kasi ako nun kaya tinanong ko na rin sya"- kakamot kamot ng ulo nalang sya habang sinasabi yun sabay peace sign sakin.

"Ewan ko sayo besh, lapit na nga tayo sa kanila dahil mag sisimula na ang training"- sagot ko nalang at sabay na kaming nag punta kila coach. 

You Changed My World (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon