Start of Something New.....

1.1K 41 6
                                    


Aly's POV.....

.

Pag dating ko ng dorm ay saktong mag kakasama sila sa sala habang nag momovie marathon, wala namang bago dun lalo na pagka gantong weekend.

Lahat sila ay tutok sa pinapanood at hindi pa nila ako napapansin dahil medyo malayo naman sa tv ang pinto dito sa sala kaya bago pa nila ako makita at pati na itong teddybear ay dire diretso na akong umakyat para itago muna sa cabinet ko itong sorry gift ko kay Den.

Pag dating ko sa room namin ni Den ay nahiga muna ako sa kama ko para makapag pahinga at maka ligo na maya maya. Nang maramdaman ko na ok na ako ay tumayo na ako at naligo dahil baka hanapin pa ako at baka mapanis pa tong pinamili ko. Pag babako ng hagdan ay nakita ko parin silang tutok na tutok sa panunuod kaya tinignan ko na ang pinapanuod nila, Train To Busan? , tanong ko sa sarili ko dahil napanood ko na ito last week, ngayon lang nila mapapanood? tsk. Mukha akong tanga sa mga sinasabi ko dahil sa isip ko lang ako nag sasalita kaya lumapit na ako sa kanila ng hindi nila pinapansin at nilapag sa lamesa sa gitna ng tv yung mga pagkain na uwi ko at lahat sila napatingin sakin ng masama dahil sa ginawa ko kaya napa kamot ako sa ulo dahil mukhang naistorbo ko talaga sila.

"Ok sorry, itatapon ko nalang pala itong uwi kong pagkain para sainyo dahil mukhang ayaw nyo naman"- sabi ko at akmang iaangat ko na yung mga supot pero naramdaman ko na bumigat ito kaya napatingin ako sa supot at nakita kong naka hawak sila ate Jem, Ella at Marge na parang takam na takam sa supot na hawak ko.

"Pizza ba yan Aly?"- tanong ni Marge na kita mong kumikislap pa ang kanyang mga mata habang nag tatanong.

"At Jco with SB frap?"- tanong naman ni Ella at pareho kay Marge ay kumikinang din ang mga mata kaya tumango lang ako, mga PG talaga, sabi ko sa isip ko at napatingin naman ako kay ate Jem dahil kinuha nya na sakin yung isa pang plastic na hindi pa nasasabi.

"At pang dinner natin na galing sa Jollibee,McDo at KFC?"- isa pa tong si Ate Jem, PG din. Tumango lang ulit ako bilang sagot.

"Wag nga kayo guys, ang kj nyo, tayo na nga ang inuwian tayo pa galit at saka pwede naman nating ipause yang pinapanuod natin at kumain na muna."- sabi ni Ella sakanila.

"Ou nga, maya na tayo manuod ulit, sayang tong mga pagkain pag tinapon lang, sige kayo magugutom kayo dahil wala pa tayong lutong makakain at gabi na din oh"- gatong pa ni Marge.

"Oh ayan, naka pause na ha pwede na siguro tayong kumain dahil gutom na rin ako at tama yung sinasabi nila Marge at Ella dahil gabi na rin at wala pa tayong makakain dahil sa busy nati dito at sayang to pag tinapon."- sagot ni ate Jem at talagang pinause yung pinapanuod nila. Napa iling nalang ako dahil sa mga inaasal nila, basta pagkain talaga walang patawad ang tatlong to. At sabay sabay silang tatlo na nagpunta sa kusina at rinig namin ang pag aayos nila ng kakainan. 

"Mga PG talaga ang mga yun, tara na girls pumunta na tayo dun at kumain dahil baka maubusan pa nila tayo."- sabi ni ate cha kaya isa isa na silang pumunta at nag pahuli nalang ako sa pag sunod. 

Napahinto ako sa pag sunod dahil humarang sa harapan ko si ate Gretch kaya tinignan ko sya para hintayin ang sasabihin nya.

"Dumating ka na pala kanina pa pero di ka man lang nag paramdam."- sabi nito.

"Busy kasi kayo sa panunuod kaya di na ako nag sabi na nandito na ako"- sagot ko at tumango lang sya dun.

"Swerte mo dahil may uwi kang pagkain dahil kung wala ay kanina ka pa nila pinatay sa ginawa mong pang iistorbo sa kanila."- sabi nya kaya napakamot nalang ako ng ulo.

You Changed My World (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon