The MVPs New Friends.....

1.5K 45 1
                                    


Aly POV.....

.

Mag hapon lang kaming nag movie marathon at aaminin ko sa sarili ko na natutuwa ako sa mga nakikita kong ugalit at pakikitungo nila sa isa't isa, pero si Dennise talaga ang nakaka agaw ng atensyon ko dahil kahit hindi ko sya madalas tignan ay kita ko sa gilid ng mata ko na madalas nya akong titigan at kita ko rin na nag bubulungan sila ni ella. 

Hindi rin naka ligtas sakin ang pamumula nya pa kaya alam ko na iniinis sya ni ella dahil naka ngiti ito na parang nakaka loko. Habang nag oobserve ako sa kanila ay napatingin ako ka ate A at ate Gretch dahil parang seryoso silang nag uusap at tumitingin pa sa akin si ate Gretch, kagaya ngayon naka tingin sya sakin pati na rin si ate A. Kita ko sa mga mata nila na parang may problema sila kaya napag pasyahan ko na silang lapitan dahil simula pa lang kanina ay nakatayo na ako malapit sa hagdan dahil nga panapanuod ko silang lahat kaya kitang kita mula sa pwesto ko ang lahat ng nangyayari.

.

.

Pag lapit ko sa dalawa ay mababakas muna na nangangailangan sila ng tulong, nakita ko na mukhang wala silang balak na mag salita at naka tingin lang sakin kaya napag pasyahan ko nang ako nalang ang mag salita.

.

"Mga ate, may gusto ba kayong sabihin????? kasi napapansin ko na parang ang seryoso ng pinag uusapan nyo kanina pa at mukhang namomroblema kayo, baka gusto nyong pag-usapan natin??"- tanong ko sa kanila pero hidi pa rin sila umiimik. Alam kong mali ang makialam dahil una sa lahat ay di ko pa sila close at alam ko din na nag tataka si ate A dahil bigla nalang akong nakisali sa kanila kaya tinignan ko si ate Gretch na may pagtatanong kung pwede ba at nakita kong tumango sya kaya nag salita ulit ako.

"Ate A, alam kong medyo naguguluhan ka at nag tataka dahil bigla nalang akong nag sasalita at makikisali sa inyo pero pwede mo akong pagkatiwalaan, about bayan kila capt. at ate Fille?"- nakita kong lumaki ang mata nya kaya alam ko na nasapul ko ang topic kaya nag patuloy ako dahil di parin sya nakakarecover pero si ate Gretch ay ngumiti lang sakin.

"Wag kang magulat ate dahil halata naman sa mga kilos at mata nyo ang tunay nyong nararamdaman, unang kita ko palang sa inyo ni ate Gretch ay alama ko na kung ano kayo lalo na nung nakita ko ang naging reaksyon nyo nung sinabing bestfriend lang nila kayo, kita ko sa inyo na nasaktan kayo, siguro yung iba hindi yun nahalata pero ako nakita ko yun. Tara sa labas para pagusapan natin yan."- naka ngiti kong sabi sa kanya at tumayo na ako dahil alam kong susunod sila.

Lumapit muna ako kay ate cha para mag paalam, sabi ko na lalabas lang muna kaming tatlo,nung tinanong nya kung san kami pupunta ay nginitian ko nalang nya at alam kong nabasa nya yun kaya tumango sya habang naka ngiti, alam nya kasing sinisimulan ko nang mag tiwala sa iba kaya pumayag sya at bumalik daw kami agad dahil mag hahapunan na. Maliban kay ate cha ay wala nang naka pansin samin na lumabas kami dahil busy sila sa kakanood ng movie at kwentuhan.

Pag labas namin ng dorm ay biglang nag salita si ate A kaya napaharap ako sa kanya.

"Matagal ko nang gustong mag tapat sa kanya pero huli na ang lahat dahil kanina lang ay nag tapat sya sakin na may boyfriend na sya, dahil bestfriend nya ako kinongrats ko sya dahil yun naman ang gawain namin diba? ang maging masaya para sa kaibigan namin?"- sabi nya. Halata mo sa boses nya na malungkot sya kaya inakbayan ko sya at napatingin sya sakin. Gusto kong tumawa dahil sa itsura nya na para na syang iiyak pero di ko ginawa at nginitian sya ng assuring smile na nag sasabing magiging ok lang ang lahat.

"Si Fille naman, sinabi nya sakin na yung crush nya ay nangliligaw na sa kanya"- naka ngiti pero mababakas mo sa mga mata nya na malungkot sya kaya inakbayan ko din sya.

You Changed My World (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon