Chapter 3: That's Weird?????.....

2.2K 53 0
                                    


Aly's POV.....


Tapos na akong kumain ng biglang mag vibrate ang cp ko sa ibabaw ng table na okupado ko,wala naman kasing masyadong tao dito sa canteen kaya pumwesto ako sa pinaka sulok malapit sa window na kita ang mga taong nag lalakad sa labas.

Tinignan ko kung sinu yung nag text, si Dude kimmy lang pala,


Text convo.....

Dude Kim: "Dude!!!! musta na 1st day mo dyan?? baka mang chics ka lang dyan ha, kita tayo mamaya kasama si sina dude Vic, Bang at Melaloves ko. :)"

Me: "Sira ka talaga parang di mo ako kilala ah, wala akong balak dude sa mga chics na yan. Ikaw yata ang nang chichics dyan eh, sumbong kaya kita kay Mela ng mabatukan ka?? Hahaha. :D"- habang nag hihintay ako sa reply nya ay nag nag labas na muna ako book sa bag ko para mag sagot at nilabas ko din ang nag iisang pinaka mahalagang bagay na iniwan sakin ng papa ko, ang pen na pinamana pa sa kanya ng mga kanunu nunuan pa nya, ito ay pinapasa sa bawat henerasyon namin dahil ito ang tanda na sya ang nag iisang tagapag mana ng mga business ng pamilya.

End convo.....


Mga 5mins. na ang nakalipas ay di pa rin sya nag rereply kaya hinayaan ko muna ang cp ko sa lapag ng table ko. Habang nag hihintay ako sa text nya ay nag basa muna ako at nag sasagot sa book ko. Habang nag sasagot ako ay bigla akong napatingin dun sa 2ng babae na kapapasok pa lang ng pinto, buti di nila ako nakikita na nakatingin ako sa kanila dahil naka suot ako ng shades ko pati narin naka hoody ako habang naka tayo ang book na binanasa ko kaya di pansin na naka tingin ako sa kanila.

Di ko alam kung anung meron dun sa isang babae para mapatitig ako sa kanya, para kasing na hihypnotize sa kanya kaya di ko napansin na naka titig na pala ako sa kanya. Nakita ko na nag hahanap sila ng pwedeng pwestuhan at napatingin sya dito sa gawi ko, di ko alam kung bakit pero naka rinig ako ng kakaibang pakiramdam sa katawan ko. I feel my heart skipped a beat for a while at napaka raming butterflies na nag rarambulan sa stomach ko, grabe that's weird?? ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko.

Nakaramdam ako ng kaba nung nakita kong papalapit sa dito sa gawi ko, alam kong wala akong kasama or katabi dito sa pwesto ko dahil konti lang naman ang tao dito sa canteen at naka tingin sya sakin alam ko yun, alam kaya nyang tinititigan ko sya??? di naman siguro dahil naka shades ako at alam kong di kita yung mata ko kung naka tingin ako sa kanya. Ang puso ko parang lalabas na sa loob ng dibdib ko sa sobrang lakas at bilis ng tibok nito. Pinag papawisan na ako ng malagkit kaya tiningin ko na ulit sa book na hawak ko ang mga mata ko. Kita ko sa peripheral vision ko na malapit na sya sakin pero bigla nalang syang hinila ng kasama sya kanina dun sa katapat kong table, bala nay isa pang table na nakaharang sa amin bago yung table nila pero sakin sya nakaharap. Hinayaan ko nalang at nag sagot na ulit ako pero di ko maiwasan mapatingin sa kanya dahil naka tingin sya sakin at parang pinag aaralan ang itsura ko. Di ba nya alam na stairing to other is rude??? tsk! gusto ko na tuloy umalis dito dahil di ako makapag concentrate sa ginagawa ko.

Nakita ko na pumunta yung isa nyang kaibigan sa kabilang side nya at biglang lumahad ng kamay, haha gusto kong tumawa dahil nung tumingin sya kasama nya ay binigyan nya ito ng anu-yan-look? Pero tinaasan lang sya nito ng kilay, haha ang cute nila tignan, napapangiti nalang ako at napapailing. Pero maya maya ay binigyan nya ito ng 1K,

" wow ha! rich kid, pang kainin lang pero 1K talaga? "- sabi ko sa isip isip ko.

Tapos ay umalis na yung kasama nya at bumili, nakita ko na naman na naka titig na naman sya sakin, anu ba naman yan, panu ako aalis kung nakikita kong may nag mamasid sakin?? tsk! Nung nakita ko na dumating na yung kasama nya ay dun na nabaling ang atensyon nya kaya dali dali ko nang inayos yung mga gamit ko, nung tinignan ko na wala na akong nakalimutan ay dali dali na akong umalis dun at buti nalang ay hindi nya ako napansin.

Nung naka labas na ako ay napa buntong hininga nalang ako ng malalim.

"Hu!!!! that's was close, pinawisan talaga ako dun ah, buti nalang at di nya ako napansin" - sabi ko sa sarili ko. Pero bigla akong napaisip kung bakit ba ako kinakabahan eh di ko naman sya kilala at lalong wala kaming relasyon, ni hindi ko pa nga sya nakita mula nung nabuhay ako eh.

Pero habang iniisip ko yung nangyari kanina ay di ko mapigilan maimagine ang buong pagka tao nya, mula ulo hanggang sa sapatos na suot nya. Naka suot sya ng light blue na v-neck ay naka maong pants sya at naka suot ng keds na kulay blue din, bagay na bagay sa kanya yun at lumulutang ang kanyang mala ulap na kaputian, pati na rin ang kanyang mala kulay asul na kalangitan na mga mata. Ang ilong nya na pointed at yung cheeks nyang medyo mapupula at yung labi nyang parang hinihypnotized ako na halikan yun kissable lips yun na medyo manipis at medyo maypaka pink.

Bigla akong nagising sa malalim na pag iisip matapos kong marealize ang mga pinag sasasabi ko,

"Sh*t!! anu ba tong mga naiisip ko, bakit ko ba sya iniisip at iniimagine...erase erase erase"- sabi ko sa isip ko habang nag lalakad papunta nang building ko, tinignan ko muna ang orasan sa wristwatch ko at nakita kong may 30mins pa pala akong natitira kaya dun nalang siguro ako sa room ko ako mag babasa para mawala na sa alaala ko yung babaeng yun. Ang weird ko tuloy. Tsk!!! napapailing nalang ako habang pasakay ng elevator.

Habang nasa elevator ako ay chineck ko muna yung cp ko baka may nag text na sakin dahil sa sobrang taranta ko kanina ay nakalimutan ko na katexy ko nga pala si dude kimmy, pag tingin ko 2messages ang narecieved ko. Mula sa secretary ko at kay kimmy pala, yung sa secretary ko muna binasa ko baka imfortant matter kasi about sa business,


Text convo.....

Ate RAD: "Bunso musta na 1st day mo sa school?? baka nang chichics ka lang dyan ha, naku patay ka sakin pag nalaman ko na nanchichics ka lang dyan imbis na nag aaral agad agad ako papa book ng flight dyan para lang masermunan ka at mabatukan. :D, pero seryoso na bunso ingat ka dyan ha, wag ka mag alala samin at sa mga business ng pamilya mo dahil maganda naman ang pinapakita ng kuya Mond mo dito, syempre ako nag babantay eh, kaya oras na gumawa sya ng kalokohan dito ay papatayin ko sya. >:) haha. Basta ingat ka lagi dyan ha, wag puro gimik at puro chics. Wag pababayaab ang sarili. We love you bunso!!! mhhuuuaaahhh mmhhhuuaaahhh. :* "- sabi ni ate RAD na secretary ko, sya yung inasigned sakin nila papa nung bata pa lang ako, grabe yan, pinag palit nya ang pag momodel para lang sa companies namin at maalagaan lang ako kaya love na love ko yan eh, volleyball player din sya pero mas pinili nyang alagaan ako kesa ipag patuloy ang career nya, sya na ang tumatayong pangalawang mother ko kaya sobrang thankful ako sa kanya.

Me: "Wow ate ha, sayo pa talaga nanggaling yan?? parang di mo naman ako kilala ah, pero thankyou ate ha dahil lagi mo akong inaalala at lagi ka lang nandyan para sakin at pinag palit mo lahat para lang alagaan ako, wag ka mag alala sakin dito ate lagi akong mag iingat. I love you ate, I missed you na. mhhhuuuaaahhh mhhhuuuaaahhh. :*"- pagtapos ko isend sa kanya ang text ko ay tinignan ko yung text ni dude Kimmy.

............................................

Dude Kim: " Dude wag naman ganun, di kana mabiro,joke lang naman yun eh basta mamaya ha kita nalang tayo sa tambayan para makapag bonding for the last time kasi bukas lilipat na kami ni dude vic ng dorm, sumali kasi kami sa volleyball. Alam kong kasali ka rin kaya may the best team win nalang tayo. Hahaha! sige na dude maya nalang mag sstart na kasi klase ko, basta mamaya ha 6pm dating tambayan :)"

Me: "Sige dude maya nalang dating gawi, iinggitin nyo na naman ako dahil may mga gf kayo, tsk. Saka may the best team win talaga, tignan natin kung kayo parin ang maging champion this year. Goodluck sa inyo. Hahaha"

End convo.....


At pinatay ko na muna cp ko, mamayang after ng mga classes ko nalang ulit bubuksan ang cp ko para walang istorbo. Tinuloy ko na ang pag babasa ko ng book ko habang hinihintay ang oras ng 1st class ko.


-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_*****

Enjoy your reading :)

Jazz_MysTerious 13



You Changed My World (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon