Kahit kailan, hindi naging madali maging ordinaryong residente ng isang siyudad. Nanonood ka sa malayo, umaasang isang araw, paggising mo, maayos na lahat--wala nang gulo, magkakaibigan na lahat ng tao, na diretso na lahat ng klase ng gusot--pero habang tumatagal, lalong lumalabo. Bilang isang ordinaryong tao, titingnan mo lang ang mga sundalo--nasasaktan, nasusugatan, ngunit tumatayo pa rin mapaglaban lang ang bansang dapat sa inyo naman talaga. Kahit na gaano mo ibig na tumulong para sa kanila, sa pamilya mo, sa kaibigan mo, sa kapwa mo at lalong-lalo na sa bayan mo, wala kang magagawa dahil isa ka sa mga pinoprotektahan nila.
Nakakalungkot kasi wala kang magagawa kung hindi maghintay ng mirakulo na mangyari na kinabukasan, ayos na ang lahat.
Ngunit kahit nagkakaganoon ang bansa sa ngayon, hindi nagkulang si Kapitan Rusca na gawin ang lahat mapukaw lang ang atensiyon ko, mawala lang sa isip ko ang lahat ng nangyayari, matanggal lang ang pokus ko sa digmaan. Gusto niyang makita akong masaya bago man niya lisanin ang nayon.
Pero ilang araw na ang nakalilipas simula nang sumugod siya kasama ni Heneral Luna, Paco Roman at ang mga sundalong naniniwala sa kakayahan ng nasabing heneral patungo sa kung saan kasalukuyang nagaganap ang digmaan.
"Sige, aalis na ako. Magiingat ka; alagaan mo ang sarili mo-si mama, si papa, itong mga nasa nayon at siyempre, 'yong nayong titirhan natin pagdating ng araw," hindi niya nakalimutang maglabas ng tawang pilit. Halatang natatakot siya kahihinatnan niya sa gitna ng digmaan, ngunit hindi pupwedeng magpakita siya ng kahinaan ng loob. Kahit na gano'n, nagawa pa rin niyang magbiro.
Nagaalala ang mga magulang ko para sa kanya, sa grupo, at pati rin naman ako. Ngunit, wala naman akong magagawa kung hindi maghintay ng resulta-ano nga bang mangyayari? Papaano ang buhay niya do'n? Magiging maayos lang ba siya?
Ilan 'yan sa mga tanong na hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang kasagutan...
"Rusca, nasaan ka na ba?"
Halos magiisang buwan na simula nang huli kaming magusap-walang telegramang napapadala, walang kahit na anong usap-usapin kung nasaan sila sa kasalukuyang panahon, wala akong natatanggap na balita. Nasaan na ba si Kapitan Rusca?
Habang malalim ang pagiisip ko tungkol sa nasabing bagay, biglang dumating ang aking magulang, mayroong dibuho ng pagkalungkot sa kanilang mukha. "Mama, papa? Ano pong balita kay Kapitan?"
Nagbuntong-hininga sila bago nagpatuloy. Ano kaya'ng nangyari?
"Anak, kaya pala walang dumarating na sulat sa'tin galing kay Kapitan Rusca...," hindi tinuloy ni mama ang sinasabi niya. At dahil do'n, 'di ko naman maiwasang mainis. Tumaas ng bahagya ang tono ko, ang kilay ko'y salubong ng kaunti. "Ano po? Ano'ng nangyari sa mga sulat?"
"Hinaharangan ng mga Amerikano ang mga sulat na pinapadala ng mga kababayan natin sa buong Pilipinas. Hindi lang tayo ang hindi nakakatanggap ng telegrama. Pati ang mga taga-karatig bayan. Pati ang mga nasa ibang parte ng bansa. Walang balitang dumarating sa mga kababayan natin dahil sa mga Amerikano."
Wala akong nagawa kung hindi maupo sa pinakamalapit na upuang naabot ko't nagbuntong-hiningang pawang nagaalala. Nagsimula kong paglaruan ang sarili kong mga daliri, natataranta ako. Ano na'ng nangyari sa Kapitan? Ano na'ng balita? Nasaan na siya? Hindi ko mapigilan ang pagiisip, pati ang luha ko sinundan na ang hugis ng aking pisngi, pababa. Napaiyak ako nang tahimik. Ayokong malaman nila mama na nagkakaganito ako; alam nilang kaya ko 'to.
Hindi kaya si Kapitan Rusca'y...
At dahil magulang ko sila, napansin nila ang kasalukuyan kong nararamdaman. Lumapit sila sa'kin, pinatong ang kanang kamay sa likuran ko, at hinimas ito. Pinapatahan ako. "Anak...," mahina nilang sabi nang sabay, ngunit nalulungkot rin sila dahil wala silang naririnig na balita tungkol sa nasabing kapitan.
"I'm back!" Biro ng isang pamilyar na boses na nanggaling sa labas. May ilang beses itong kumatok sa pinto upang kuhanin ang atensyon naming tatlo.
"Anak, si...?!"
Napatayo ako sa upuan ko; hindi kaya tama kami nang hinala? Hindi ko alam kung pupunta ako do'n at bubuksan ang pinto, o hahayaan ko na lang siyang pumasok at silipin siya mula rito sa kinatatayuan ko. Ngunit gusto ko siyang makita... Gusto kong makasigurong ligtas nga siya. Kaya kahit nagaalangan ako, pumunta ako sa pinto. Nanginginig ang mga paa ko; kakayanin ko ba 'to?
Pagkatapos ng isang malakas na paglabas ng hininga habang nakatayo sa may bandang likuran ng pintuan, hinawakan ko at pinihit ang door knob. Dahan-dahan ko 'tong binuksan, bahagyang sumilip sa parting nabuksan ko na at laking gulat ko nang...
"MAHAL!"
Napatumba ako sa lapag dahil bigla niya akong niyakap. Si Kapitan? Tiningnan ko siya ng maiigi. Sinampal ko ang sarili ko, baka sakaling nananaginip lang ako.
"Ano ba'ng ginagawa mo?" Natawa siya habang nasa ibabaw ko. "Hindi ako panaginip!"
"Eduardo?" Naibulalas ko. "Ikaw nga!" Agad kong binalot ang mga braso ko sa katawan niya; ang tagal nang panahon no'ng huli kong naramdaman ang mga bisig niya sa'kin. Ang sarap sa pakiramdam. Hanggang sa may narinig ako isang putok ng baril. Wala akong nagawa kung hindi mapapikit; hindi pa rin umaalis sa ibabaw ko ang magiting na kapitan.
Tahimik ang paligid. Sa kagustuhan kong masagot ang sarili kong katanungan, dahan-dahan ko'ng binuksan ang talukap ng aking mga mata...
At mula roon, napaluha na lang ako.
Isang duguan, naghihingalong Kapitan Rusca ang nasa ibabaw ko. Ang mga Amerikano, nasa likuran niya, nakatutok ang baril. Kitang-kita pa ang usok na lumalabas galing sa kanilang sandata, ang mga mala-demonyong ngiti na akala mo'y uhaw na uhaw sa pagpatay... "Rusca... Rusca!" Ang tangi kong naisambit. Walang magawa ang mga magulang ko kun'di maupo sa gilid at titigan ang lahat ng mga nangyayari. Isang maling galaw, buhay nila ang kapalit.
"Don't move!" Utos ng isa sa mga Amerikano.
"R-Rusca...? Rusca! Rusca, wag kang mawawalan ng malay, parang-awa mo na," makaawa ko.
Ngumiti siya sakin. "Pasensya na. Hindi ko alam na hinahabol pala nila ako; wala na si Heneral, wala na si Paco. Tumakbo ako dito kasi gusto kitang makita bago man nila ako tapusin; akala ko, hindi sila nakasunod. Ginawa ko ang lahat, dumaan sa kahit na anong pasikot-sikot na daan 'wag lang nila ako masundan pero mali pa din ako," naglabas siya ng isang pang-matapang na tawa, ang mga bisig niya'y nasa gilid ko, nagsisilbing alalay upang 'di niya ako madaganan.
Nanlaki ang mga mata ko. Ano'ng nangyari? Bakit nagkaganito? "Rusca..?"
"Mahal na mahal kita-"
Naputol ang salita niya; pakiramdam ko nama'y tinurukan ako ng espada sa dibdib ko. Ngunit hindi. Bala ito, tumagos mula sa baril ng mga Amerikano, pangalawang beses nilang binaril ang kapitan, at tumama naman ito sakin.
"Mahal na mahal din kita, kapi..."
Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin. Ang huling naalala ko na lang ay ang mga magulang ko; ginawa silang bihag ng mga walang pusong dayuhang iyon. Ngumiti pa sa'kin si Eduardo bago siya tuluyang namalayan; hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Binalik ko ang lahat ng iyon bago nila kami barilin pa ng isa pang beses. Nalaglag si Rusca sa gilid ko, at tuluyan namang nagdilim ang paningin ko.
Ang mamatay sa sariling nayon, sa sariling bayan at sa minamahal ay isang napakalaking karangalan. Mahal na mahal kita, Kapitan Eduardo Rusca, katulad ng pagmamahal ko sa ating bayan. Marahil ay...higit pa.
BINABASA MO ANG
[Heneral Luna] Rusca & Reader
Historical FictionThis is not a book I'll be focusing on. I just need to let these plots out of my mind. Please don't look forward to some updates of this book (I'd probably write more, but I won't really focus on this). Thank you! P.S: English translations for this...