Octava

277 13 1
                                    

Hindi niya na halos mabilang kung ilang bala na ang nagamit niya; bumaril siya ngunit nag-mintis itong muli. "Lintik! Putang ina, sayang ang bala!" Ano ba, Rusca?!

"Rusca!" Sigaw ng isang kilalang heneral sa hindi kalayuan.

Agad na lumingon ang tinawag na kapitan sa direksyon kung saan nanggaling ang tinig na 'yon. Tumakbo nang mabilis si Rusca papalapit sa heneral, sumaludo at saka nagtanong. Sa pagkakataong ito, ramdam niya--alam niya kung ano ang ibabatong tanong sa kanya nang kanyang pinuno. "Bakit po, heneral?"

Nanatiling diretso ang tingin sa kanya ng nakatatanda't nagpatuloy. "Kanina pa sumasablay ang mga bala mo. Nasasayang lamang! May pinagdaraanan ka ba ngayon at sadyang hindi mo maasinta ng maayos ang dapat na asintahin nang isang bala lamang ang ginagamit? Magsabi ka nang maging malinaw kaysa ganito na naghuhulaan tayo kung ano'ng mayroon sa'yo."

"..."

Nakita ni Jose Bernal ang reaksyong pagyuko ng kapwa niya kapitan at sa unang pagkakataon sa tanang-buhay niya'y nakita niyang iniwasan nito ang tingin ng nakatataas. Hmm... Lumapit si Kapitan Bernal upang makabulong ng maayos sa heneral.

Tiningnan lamang ni Koronel Paco ang mga pangyayari. Nanatili siyang matikas na nakatayo sa kanan ni Heneral Luna.

Walang naging reaksyon ang heneral bukod sa mga katagang iniwan niya sa kanyang kapitan. "Magpahinga ka na muna, Rusca. Bumalik ka na lamang kapag tingin mo'y ayos na ang iyong pakiramdam."

"Salamat ho, heneral," at saka'y umalis na si Rusca sa ensayo para mahasa ang kanilang pag-asinta.

Ang ilan sa kanyang mga taga-hanga'y nagsimula nang magtaka't magalala. "Ano kaya'ng problema ni Kapitan Rusca? Sana'y ayos lamang siya."

Nalungkot ka nang makita mo ang mga naging aksyon ng nasabing kapitan. At alam mo ang isa sa mga dahilan kung bakit kakaiba ang mga ikinikilos niya ngayon. Ikaw.

Pumunta sa pinakamalapit na gubat si Kapitan Rusca, umupo sa putol na troso ng puno at pansamantalang tumambay ro'n para magpalamig ng ulo't makapagisip ng maayos. Tinapik-tapik niya ang kanyang hita na parang may inaawit sa isip pero talaga namang wala. Isa lamang ito sa mga paraan niya para malipat sa iba ang kanyang atensyon. Pero hindi siya nagtatagumpay. At alam niyang hindi, kailanman.

Nagbuntong-hininga ang sundalo ni Heneral Luna't nilagay ang dalawa niyang mga kamay sa ibabaw ng kanyang ulo habang nakayuko. "Alam ko, mali. Pero 'di ko naman kasi kontrolado 'yon eh. Mahirap ba talaga akong pagkatiwalaan?"

"Hindi."

Pamilyar ang boses na kanyang narinig. At alam niya'ng hindi siya nagkamali. "Ikaw..? Pero bakit? Akala ko ba-"

"Hindi ka mahirap pagkatiwalaan, Kapitan Rusca. Siguro nga'y nagkamali lang ako't nadala ng aking mga nasaksihan. Pero sa tagal nang mga araw na lumipas, napagalaman ko'ng hindi ka naman gano'n kasamang tao, kapitan. Siguro nga'y mali lamang talaga ako."

"Hindi, ano eh..," biglang nakaramdam ng pagkatorpe ang kapitan ngunit ginawa niya ang lahat upang mapagpatuloy ang kanyang gustong ibahagi sa'yo. "Kasalanan ko rin naman kasi 'di ko pinigilan 'yong binibini. Ibinalik ko pa 'yong halik."

Tago ka'ng nagbuntong-hininga. "Mahirap maging isang sundalo. Alam ko na'ng mga ganyang uri'y parte na ng inyong mga buhay. Alam kong bilang isang sundalo, kinakailangan niyo rin nang ganyan. Ngunit dapat nga ako'ng matuwa sapagkat hindi naman ito umaabot sa pakikipagsiping, hindi ba?" Ngumiti ka.

"Siyempre naman!" Masayang sagot ni Kapitan Rusca dahil naiintindihan mo ang estado ng kanyang pagiging mandirigma. "Ang pagkalalaki ko'y para lamang sa magandang binibining tinitibok ng puso ko. Ikaw lang, aking sinta," nag-isip ang sundalo. "Ano nga 'yong tawag nang mga Amerikano no'n sa Ingles? Babe? Beyb?"

"Hindi ka nagkakamali," natawa ka sa kanyang sinabi. "Ngunit lilinawin ko lamang. 'Wag mo sanang kalilimutan na ako'y iyong kasintahan pa rin, malayo ka man o malapit sa'kin. Hindi ko na talaga nanaisin na malaman o masaksihan na may hinahalikan ka'ng iba. Bilang iyong kasintahan, masakit para sa'kin malaman na may nakakakuha ng iyong mga labi bukod sa'kin. At kung balak mo'ng ipagpatuloy ang gano'ng pangyayari, mabuti na tayo'y maghiwalay na lamang."

"Ito naman oh. 'Di ko 'yon sinasadya, pangako!" Niyakap ka niya mula sa likod. "Hindi ko na 'yon uulitin; ikaw lang ang babae sa buhay ko. Bukod sa magulang ko, siyempre," tumawa siya't 'di mo rin napigilang matawa.

"Salamat sa pag-intindi, Kapi-- Eduardo."

Dahan-dahan, inilapit niya ang kanyang labi sa'yo at saka ito inilapat sa iyong labi. Hinalikan ka niya ng maayos at mariin; ang halik na hindi para sa iba, kun'di para sa'yo lamang.

Nagkibit-balikat ang isang kapitan na kanina pa nanonood sa kanilang dalawa; pinagmamasdan at tinitingnan kung ano ang maaaring mangyari. Kung sakali'y maging masama ang labas ng kilos ng dalawa, nandirito siya upang sumaklolo. At ngayong nakita niyang hindi naman gano'n kasama 'tulad ng kanyang iniisip, umalis na siya nang may ngiti sa kanyang mga labi.

---

Kinabukasan, bumalik sa ensayo si Kapitan Rusca. Nagulat ang lahat nang makita kung paano siya bumaril nang walang kamintis-mintis. Naririnig ng mga sundalo ang mahihinang hiyawan ng mga binibini sa hindi kalayuan--ang hiyawan na iyo'y para sa kapitan na kanilang kinababaliwan.

"Mabuti naman at ayos na ang kapitan," kinikilig na sabi ng isa sa mga binibining nanonood sa ginagawa ng mga sundalo, ang kanyang pokus ay na'kay Kapitan Rusca.

Lumapit si Kapitan Bernal kay Kapitan Rusca oras na binaba niya ang kanyang baril, umupo sa isang tabi upang magpahinga. Ang tubig na binigay ng Medico sa kanyang kaibigan ay 'yon ang kanya ring ininom. "Kapitan Rusca," tawag ni Jose, ang mga mata'y nakatuon sa iba pang sundalo'ng nageensayo rin. "Ayos na kayo?"

Nagulat si Eduardo Rusca sa naging tanong ni Jose Bernal, pero hindi na siya nagtaka kung bakit niya alam. Kahit hindi nagsasabi si Rusca patungkol sa kanyang buhay-pagibig, madalas malaman ni Jose kung may iniisip ang kanyang kaibigan o wala--dahil mula sa masayahin at maingay na paguugali ng nasabing kapitan, bigla na lamang siyang tatahimik sa isang tabi. Minsan pa'y magmumura sa 'di malamang dahilan. "Oo," maikling sagot ng kapwa niya sundalo, may ngiti sa kanyang mga labi.

"Sabi ko naman sa'yo eh. Usap lang ang katapat niyan."

"Tama ka nga, kapatid. Salamat."

Takatak ng sapatos ang narinig sa 'di kalayuan. Biglaan, may sumigaw. "Kapitan Rusca, Kapitan Bernal! Ano'ng ginagawa niyo r'yan at nakaupo?! Hindi ba dapat nageensayo kayo kaysa nakaupo lamang diyan?! Walang oras na dapat masayang!"

"Ay, opo, heneral! Sabi ko nga ho kay Kapitan Rusca eh," agad na tumayo si Kapitan Bernal at naghanap ng pwesto kung saan siya maaaring magensayo ng pagasinta.

"Hoy, tarantadong 'to. Bakit ako?" Umalis rin ang isa pang kapitan upang maghanap ng kanyang pwesto.

Nakita mo kung ano ang nangyari at wala kang magawa kun'di matawa sa ikinilos ni Kapitan Rusca. Mas maayos nga kung paguusapan muna ang problema bago gumawa ng isang bagay na pagsisisihan rin sa huli.

[Heneral Luna] Rusca & ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon