Novena

267 11 10
                                    

Dahil hindi matanaw ni Heneral Luna ang kanyang magiting na sundalong si Kapitan Rusca, at okupado naman ang mga kamay ng kanyang koronel na si Roman, si Kapitan Bernal na lamang ang napagdesisyunan niyang utusan. Hindi naman gano'n kaimportante ang sinuyo ng nasabing heneral, sapagkat patungkol lang naman 'yon sa imbakan nila ng gamit.

Normal na naglalakad sa ilalim ng papalubog nang araw na si Kapitan Bernal nang makita niyang nakangiti mag-isa ang kapwa niya kapitan.

"...?"

Walang kung anu-ano'y nilapitan niya ito't tinapik sa kaliwa niyang braso. "'Oy," umpisa niya. "Mukha kang tangang nakangisi diyan," pagpapatuloy niya pa. "Bakit, naka-iskor ka sa magandang binibini?" Bahagyang ngumiti si Jose, siniko nang kaunti ang tagiliran ni Rusca.

"Ha?" Sagot niya. Ngumiti siyang muli bago magpatuloy sa pagsasalita. "Ah, higit pa do'n, kapitan."

Nagtaka ngayon ang isa pa. "Higit pa?" Nakaramdam ng matinding paghimok si Kapitan Bernal na muling batuhin ng isa pang katanungan si Rusca, kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip pa't nagsalita na. "Ano ba'ng nangyari?"

"Ah, may...niligawan ako," kumamot siya sa likod ng kanyang ulo gamit ang kanyang kanang kamay bago nagpatuloy. "Sinagot na ako. Akalain mo nga naman," sabi niya sa tonong parang pinupuri pa ang sarili.

Bahagyang ngumiwi Kapitan Bernal na agad naman niyang tinanggal. Gamit ang tonong pawang nangaasar, lumingon siya muli sa kapwa niya sundalo't sabi'y, "Talaga? Kahit alam niyang kahit na anong oras, pwede tayong mamatay? Sundalo tayo eh," sambit niya. "Dapat hindi mo na tinuloy. Mauulila lang siya sa'yo."

"Sabi ni koronel, enjoy your live while you're alife kaya ito, ginagawa ko," malinaw na pagkakasabi ni Rusca.

Napatawa si Bernal. "Enjoy your life while you're alive. Anong sinasabi mo?" Biro niya.

"Ah? Basta, magkalapit naman eh," paliwanag ng magiting na kapitan.

Bago magpasyang bumalik si Bernal sa kanyang kuya Manuel upang palitan siya sa itinalagang lugar para kanila'y bantayan, lumingon siya muli kay Rusca habang nasa mga kamay niya ang basyo na hiningi ng kanilang heneral ilang minuto na ang nakalilipas. "Bakit ka nga pala nandito? Hinahanap ka ng heneral kanina pa," paliwanag niya.

"Hala," naisambit niya, halatang may pagkagulat. "Kanina pa? 'Tang ina," sigurado si Ruscang trabaho ang kanilang prayoridad, ngunit kapag ang tao'y tinamaan ng tunay na pagibig, maging ang pangakong nakaukit sa bato'y magagawa nilang suwayin.

"Tara na," pag-aya ni Bernal pabalik ng kanilang kampo.

Tumigil si Rusca sa kanyang kinatatayuan, ang kanyang mga mata'y naglakbay pa't pawang nagiisip. "Kapatid," umpisa niya. "A, ano, mauna ka na. Magpapaliwanag na lang ako sa heneral mamaya pagkabalik ko."

"Teka, teka," hinatak ni Bernal ang kapwa niya kapitan para humarap sa kanya at kanyang makausap ng malinaw. "Saan ka pupunta? Nagagalit na ang heneral," lumapit ito at bumulong. "Baka magbasag na naman ng gamit do'n kaya halika na."

"Eh," kontra ni Rusca. "Importante kasi 'tong dapat ko'ng puntahan eh."

Nabalot ng pagtataka ang kapwa niya kapitan. "Ha? Ano'ng mas importante, 'yan o 'yong galit ni heneral?" Hindi niya na hinintay pang sumagot ang isa pang sundalo, at pawang pinilit na hatakin pabalik sa nasabing kampo. "Tara na. Mamamatay ka nang 'di oras, Rusca."

Bahagyang pumalag ang ginoo. "Ako na bahala sa heneral, kapatid. Kailangan ko lang talagang pumunta do'n eh, importante talaga."

Hinayaan niyang makatakas si Rusca, at naiwan sa kanyang pwesto upang tanungin ang sarili kung ano nga ba ang mayroon sa kanyang kaibigan at pawang nagmamadali. Tumagilid ng kaunti ang kanyang ulo sa may kanan, napapikit ng dalawang beses, halatang balot ng pagtataka.

Tatlong katok ang narinig 'di sa kalayuan. 'Di halos mapakali ang kapitan habang naghihintay na pagbuksan ng kung sino man ang nasa loob. Unti-unting bumukas ang pinto; mula sa maliit na uka nito, naroon ang dalagang kanina pa niya gustong magisnang maigi. Kahit madilim, nagawang makita ng kanyang mga mata ang detalyadong katawan ng babae, maging ang kanyang napakaamong mukha.

"K-Kapitan!" Sinubukan mong iutal, ngunit hindi naging madali. Kakatapos mo lamang ibigay sa kanya ang matamis mong oo, at nasa proseso ka pa ng pagtanggal ng kaunting hiya na iyong nararamdaman tuwing kayo'y magkikita; hindi nakatulog rito ang biglang pagbisita ng sundalo sa inyong tahanan. "Naparito ka?"

"Ah," nagpakawala ng maikling tawa ang lalaki, balot rin ng hiya tulad mo. "Gusto kasi kitang, ano, makita bago kami tuluyang umusad," paliwanag niya. "Gusto ko rin sanang pagusapan 'yong lakad natin pagkabalik ko rito," sabi niya nang nakangiti.

"L-Lakad ho, kapitan...?" Hindi mo halos maisip kung paano makasasagot sa kanyang paganyaya; napatingin ka saglit sa lapag, at saka nagdesisyong tumingala upang ngumiti at tumango, sinasabing kahit saan man ang inyong magiging lakad, siguradong ika'y sasama sa kapitan.

Madaling naibalik ng lalaki ang iyong mga ngiti, mas malawak pa kaysa kanina. "Edi wala na tayong paguusapan?" Nagpakawala siya ng tawang pilit, kitang-kita sa kanyang mukha ang pagiging pula nito kahit malawak na ang gabi. "Uh...," hindi niya rin malaman-laman kung paano ka makakausap ng hindi siya nahahaluan ng hiya. "Mahal na mahal kita."

Baka pagkatapos ng ilan pang mga araw...

Iniangat ng kapitan ang kanyang kanang kamay upang magpaalam na sa'yo, na binalikan mo naman ng isa pang pagtango, at sumagot ng, "Mahal na mahal din kita," hindi mo ito tinapos sa pagbanggit ng kanyang kasulukuyang posisyon sa trabaho, kung 'di sa kanyang unang pangalan. "Eduardo."

Ngunit, hindi maiproseso ng maayos ni Rusca.

Bakit ganito?

Sa harapan niya'y humandusay ang 'yong wala nang buhay na katawan, may mga luhang nagawa pang maipakita sa kapitan bago ka tuluyang sumakabilang-buhay.

Isang ligaw na bala mula sa 'di kalayuan; ang mga Amerikano'y nagsisimula nang manalakay muli sa oras na alam nilang walang laban ang mga sibilyan sapakat sila'y mahimbing nang natutulog. Nakakalungkot mang isipin, ika'y naging isa sa mga tinamaan ng kanilang ligaw na bala nang sila'y magpaulan nito.

Sinigaw ni Rusca ang iyong pangalan--ubod ng lakas, paulit-ulit kang niyugyog upang magising, sinubukan pang bahagyang sampalin ang iyong pisngi, umaasang iyong mga mata'y mumulat muli, ngunit wala. Wala ka na. Nagpakawala ng isa pang malakas na sigaw ang kapitan bago ka niya bigyan ng una't huling halik, at saka niyakap, mga luha'y pumapatak sa 'yong mukha, ngunit hindi mo na ito madama pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[Heneral Luna] Rusca & ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon