"Aray naman! Ang sakit-sakit, putang ina!"
Iyon ang hiyaw na narinig ko mula sa 'di kalayuan.
Marahil tama ang narinig kong balita.
Totoo ngang nagbalik si Kapitan Rusca mula sa surpresang pagatake sa kanila sa Cabanatuan. Wala na si Heneral Luna, wala na rin si Paco Roman. Nalulungkot ako sa nangyari, ngunit mayroong katiting na kaligayahan ang bahagya kong naramdaman. Buhay si Kapitan Rusca... Hindi ko mapigilang gumuhit ng maliit na ngiti sa aking mga labi. Ngunit agad ko itong tinanggal at nagtungo na sa lugar kung saan ko narinig ang mga hiyaw ng sakit.
Biglaan kong binuksan ang pinto dahil 'di na ako makapaghintay. Nagaalala ako sa nabanggit na kapitan at gusto ko na rin siyang agad na masilayan. Nang mabuksan ko ang pinto, agad kong hinanap ang nasabing kapitan at pinakiramdaman ang presensiya niya. Sa may bandang kanto ng aking mata, naroon ang hinahanap kong lalaki--nakasara ang mata na parang sobrang higpit, humahalinghing sa sakit.
Nagaalangan akong lumapit, ngunit kahit na gano'n, lumapit pa din ako. Gusto ko nang mayakap ang taong ito. Pero hindi niya alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko rin alam kung kailan ang tamang panahong dapat ko na itong aminin. Nahihirapan ako, dahil kada-araw, naiisip ko na pagbukas ng mata ko, malalaman ko na lang na wala na pala ang taong gusto ko--marahil baka maging huli ang lahat. Kaya naman...
Sasabihin ko na sa kanya ngayon.
Alam kong hindi kaaya-ayang tingnan kapag babae ang nagtatapat, ngunit hindi ko rin naman gugustuhin na maging huli na ang lahat para sa'kin. Ayos na ako kapag nalaman niya, sapat na 'yon sa'kin. Hindi naman niya dapat ibalik ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Kapitan," bulalas ko, ngunit ginawa ko ang lahat upang hindi lumabas na hindi ako sabik na makita siya. Para hindi masyadong mapaghalataan. "Kamusta ang sugat mo..?"
"[Y/N]!" Sabik niyang sigaw pagkatapos na pagkatapos niyang ibaling ang atensyon niya sa'kin. Tumingin siya sa sugat niya banda sa kanyang paanan at sumagot sa tanong ko. "Ito, ayos lang naman, binibini," nagpatuloy siya mula roon. "Pero ngayong nandiyan ka, okay na ako."
Tumaas ang kanang kilay ko. Alam kong nakikipaglaro lang ang lalaking ito sa'kin, kaya naman agad akong bahagyang nakaramdam ng inis, ngunit hindi higit sa inis na nararamdaman ko kapag naalala ko si Senior Presidente Emilio Aguinaldo. "Oh?" Sambit ko. "Sige nga, tumayo ka diyan at maglakad mula dito hanggang sa marating mo ang kabilang bayan."
Ang ngiting nakaukit sa labi niya ay agad napalitan ng pagnguso. "Ikaw naman, binibiro ka lang eh."
"Mukha bang biro ang tanong ko kung ayos ka lang?" Pabalik kong tanong, bahagyang naiinis.
"Eh, ito nga," sagot niya, maayos na sa pagkakataong ito. "Ayos lang ako. Medyo masakit lang pero kaunting pahinga lang 'to at magiging ayos na rin ang lahat," luminga siya sa gilid na pawang may binulong ngunit hindi ko masyadong narinig. Nagbuntong-hininga siya saglit at magalang na pinaalis ang isa pang babaeng ginagamot ang sugat niya.
"Hindi pa maaari, kapitan."
"Sige na, kahit saglit lang," bahagya niyang pagmamakaawa.
Kahit na ayaw ng manggagamot, wala naman siyang magagawa kung hindi payagan ang kapitan sapagkat ito ang gusto niyang mangyari. Tumayo ang babae sa pwesto niya at nagsimula nang tumalikod. Ngunit bago tuluyang umalis, tumingin ang babae pabalik kay Kapitan Rusca, malungkot ang mukha nito at nagsalita ng may bahid ng pagaalala. "Hahayaan kita sa gusto mo. Pero magingat ka, Kapitan. Maraming mawawala kapag hindi gumaling ang sugat mo sa pinakamadaling panahon."
Tumango si Rusca. "Oo, alam ko na 'yan," sagot niya, nakangiti pa rin. Hinintay niyang mawala sa paningin niya ang isang babae habang ako'y nakatayo at nakalagay ang pareho kong bisig sa ibabaw ng aking dibdib na pawang hinihintay ko siyang gawin kung ano man ang kanyang balak na gawin.
BINABASA MO ANG
[Heneral Luna] Rusca & Reader
Historical FictionThis is not a book I'll be focusing on. I just need to let these plots out of my mind. Please don't look forward to some updates of this book (I'd probably write more, but I won't really focus on this). Thank you! P.S: English translations for this...