Uso na ba ang sorbetes?
Napatingin ako sa may gilid ko nang may mapadaang mamang sorbetero. Pawis na pawis siya, ngunit kitang-kita namang naibabalik sa kanya ang kanyang pagod--mukha namang marami siyang kinita ngayong araw na ito. Subalit, hindi iyon ang punto ko kung bakit ako'y nakatingin ngayon sa kanya.
Nauuhaw ako.
Ang init.
Iniligay ko ang kamay ko sa bandang leeg ng damit ko, hinatak ito nang paharap at palikod upang makasagap at makagawa ng hangin. Tirik ang araw, at mukhang wala itong balak magpatakip sa ulap sa mga susunod na oras. Sumimangot ako, kumunot ang noo ko. Sumobra naman yata ang init ngayong araw na ito? Kung narito ang mga dayuhan, malamang sa malamang susuko sila dahil sa sobrang init sa bansa.
Patuloy akong naglakad sa paligid ng Intramuros.
Sa bandang harapan ko naglalakad ang lalaking nagngangalang Eduardo Rusca, isang kapitan. Papunta siya sa direksyon ng nilalakaran ko. Kaswal, tumingin ako sa malayo na para bang wala akong nakikita, na parang hindi ko alam na nariyan siya. Nagpanggap din akong may malalim na iniisip, siguradong hindi niya ako pagtutuunan ng kahit kakaunting pansin.
"Binibini!" Sigaw ng taong iniiwasan ko, ang kamay niyang halos nasa himpapawid dahil ito'y nakataas habang ito'y iwinawagayway. Umiwas pa rin ako ng tingin, kahit na gano'n. "Ito naman; halatang-halata namang tiningnan mo 'ko eh! Sa pogi kong 'to, maiiwasan mo pa ba ako?"
Bahagya akong nainis sa lakas ng ego niya, ngunit mayroong bahagi ko na natutuwa sa palabiro niyang ugali. Isa 'yon sa mga bagay na... "Magtigil ka, Kapitan," seryoso kong sagot. "Ang daming magagandang parte ng Intramuros na maaaring makita bukod sa pagmumukha mo," umiwas ulit ako ng tingin, papunta sa kaliwa; ang tono ko'y binigyang diin ang pagkakasabi ng 'pagmumukha'.
"Sa gandang lalaki kong 'to?"
"Magtigil ka sabi eh."
Inunahan ko na siya sa paglalakad, sa pagasang iiwan niya na 'ko. Ngunit hindi ko naman talaga gustong iwanan niya ang tabi ko. Mayroong parte ko na gusto siyang umalis, ang iba ay gusto siyang manatili. Hay, nako naman...
"Si Kapitan Rusca!" Tili ng isang babae sa kasama niya. Nagsimula niyang kalabitin sa tagiliran ang kasama niyang babae, at saka tumuro sa nasabing lalaki. May narinig akong maliliit na tawa ng pagkakilig mula sa kanila ngunit hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin.
Laking gulat ko nang hindi man lang niya binigyan ng kahit saglit na paglingon ang mga dalagang 'di hamak nama'y lamang kung ikukumpara sa'kin. Sinundan pa rin niya 'ko saan man ako magtungo. Sa kalagitnaan ng katahimikan naming dalawa'y rinig na rinig pa rin ang kanilang mga tawa, ngunit unti-unting nawala nang palayo kami nang palayo.
Napansin kong wala na ang lalaking naglalakad sa aking gilid. Lumingon ako sa kabila, ngunit hindi ko rin siya naaninagan--ni anino niya'y akong nadatnan. Nagtaka ako. Saan naman nagpunta ang kapitan..? Walang lumabas apsa labi ko kung hindi isang maikling pagbunting-hininga. Marahil ay napagod na ang binata kaya naman nagsanay na lamang upang may mangyari naman sa kanyang oras.
Subalit, nang gumalaw pa ang oras, may narinig akong sunod-sunod na yapak, na paghakbang--pawang tumatakbo papalapit sa'kin--palakas ito ng palakas. "[Y/N], binibini!" Tawag niya sa'kin. Napaghahalataang nakangiti ang taong ito. Bahagya ako napangiti rin, ngunit nang humarap ako sa kanya, agad ko itong tinanggal.
"Ano na naman-?" Naputol ang tono ng aking pagtanong dahil sa biglaan niyang pagaabot sa'kin nang sorbetes--nasa apa pa ito, at patong-patong ang iba't ibang klase ng lasa--may keso, may ube, at siyempre, hindi mawawala ang tsokolate. Kahit na obyus naman kung ano ang nasa aking harapan, tinanong ko pa rin ang kapitan. "Ano 'to..?"
"Ays krim!" Banggit niya nang may tono ng pagkapilipino. "Ice cream! Sorbetes!" Ulit niya habang nakangiti at nilapit pa sa'kin ang pagkain. Dahil nauuhaw ako, tinanggap ko ang sorbetes na iniabot niya kahit na ako'y bahagyang nagaalangan. "...Salamat," bulong ko.
"Ha?" Sagot naman niya sa'kin.
"Sabi ko-"
"Ha?" Ulit niya. Sinilip ko siya sa may bandang gilid ko at nakita kong nakangisi siya. Niloloko lang pala niya ako; pinaglalaruan kunyari'y hindi ako naiintindihan o naririnig.
Imbis na magpatuloy pa akong magpasalamat, kinain ko na lamang ang sorbetes at nagpatuloy sa paglalakad. Nakaramdam ako ng kaunting inis sa ginawa niya kaya naman hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin.
"Sige na," bigla niyang sabi. "Sige na, ulitin mo 'yong sinabi mo."
"Magtigil ka."
Kumamot siya sa kanyang ulo, bumulong nang gusto ko lang naman marinig ulit eh at nagpatuloy nang kainin ang kanyang natutunaw na sorbetes.
Para akong nakaramdam nang konsensya nang marinig ang mga salitang 'yon mula sa kanya. Kaya naman, inipon ko ang lahat ng aking lakas at sinabi sa kanya ang katagang gusto niyang marinig; ngunit hindi ko siya tiningnan. "Sabi ko salamat. Salamat dito sa sorbetes."
Natawa siya. "'Yan! Ganyan dapat! Mas gaganda ka kapag matapat ka sa iyong damdamin, binibini!"
"Ewan..," na lamang ang aking nasabi, pabulong pa.
Galit na galit, lumapit si Heneral Luna sa kasama kong kapitan at pinalo ng kanyang sumbrero sa likod. "Punyeta!" Bulalas niya. "Sinasabi ko na nga ba't narito ka't kasama ang dalagang ito!" Nang madaling pagpapalit ng emosyon, ngumiti siya sa'kin ng ilang segundo lamang at galit na namang humarap sa kapitan. "Rusca! Kapag oras ng trabaho, oras ng trabaho! Tatanggalan kita ng ranggo pag ako'y pinuno mo pa!"
"Nako..," bulong ng lalaking nanlibre sa'kin ng sorbetes. "Eh, heneral," kumamot ito sa likod ng ulo niya. "Nakita ko kasi na uhaw na uhaw na ang binibining ito," tumuro siya sa'kin. "Kaya naman bilang isang matulunging sundalo, binili ko ito para sa kanya!"
Ah, naging matulungin lang pala siya. Akala ko naman... Hay, bakit ba kasi iba ang iniisip ko..?
Nakungkot ako ng kaunti pero hindi ko ito pinakita. Nagpatuloy lang akong manood ng pangyayari dahil may parte ang heneral na nakakatuwa panoorin.
"Saka ka na pumorma sa dalagang ito, kapitan. Kapag nagpatuloy ka pa'y-"
"Babasahan kita ng Artikulo Uno, Rusca," sabi ni Paco na kanina pa nakatayo sa tabi ng heneral.
"Aray ko," sagot niya tungkol sa Artikulo Uno. Agad siyang lumingon sa'kin. "Sige, binibini. Sa susunod na lang siguro para naman maayos kong magawa ang lahat," ngumiti ang kapitan. "Hindi kasi maganda tingnan kapag minadali eh." Pagkatapos ay tumalikod siya mula sa'kin at ngumiti pang muli. "Sa susunod na pagkikita!"
Hindi na ako nakagawa pa ng sagot sa sinabi niya, ngunit nagtaka ako. Pangit kapag minadali? Para maayos niyang magawa ang lahat? Ano'ng ibig niyang sabihin? 'Yon ang mga tanong na nanatiling misteryo sa aking isipan. Hindi kaya..? Wala akong nagawa; pakiramdam ko, nagkaroon ng mapupulang kulay ang mukha ko. Kinilig yata ako.
BINABASA MO ANG
[Heneral Luna] Rusca & Reader
Historical FictionThis is not a book I'll be focusing on. I just need to let these plots out of my mind. Please don't look forward to some updates of this book (I'd probably write more, but I won't really focus on this). Thank you! P.S: English translations for this...