Cuarta

326 13 1
                                    

Umaalingasaw ang tunog ng karwahe sa ilalim ng madilim na gabi. Nangingibabaw ang liwanag ng bus sa tahimik na nayong ito. Bumaba mula sa karwahe ang pinakamagaling na heneral ng Pilipinas, kasama ang kapitan na nagngangalang Rusca, at ang kutsero ng nasabing sasakyang pangtransportasyon.

"Mukhang matindi po ang haharapin niyo, heneral," Ibang klase nang pagsubok ang tinutukoy ng binata.

"Alam ko."

"Sige po at magiingat kayo, heneral."

Hindi sumagot ang isa sa mga nagsisilbi sa bansa. Inayos niya ang kanyang sarili at nagsimula nang maglakad papalapit sa kung saan naghihintay ang dalagang pakay niya. Sumakay pabalik sa karwahe ang kawal ng heneral at nagpatuloy nang iwan ang lalaki mag-isa sa lugar kung nasaan naroon ang isang miyembro ng Cruz Roja.

Hindi na napansin pa ng kapitan ang paglabas ng isa pang taga-Cruz Roja sa lugar kung saan ibinaba ang heneral dahil agad siyang umalis upang magtungo pabalik sa kampong siya'y nakaatas na bantayan kung sakali mang may biglaang pagatakeng mangyari. Ngunit agarang nagbago ang plano.

Mag-isa na lamang siya, kasama ang kutsero, ang malamig na hangin sa gabing iyon ay malambot na hinahaplos ang kanyang balat. Bahagya siyang nakaramdam ng antok, ngunit hindi ito dapat mangyari ngayon--nasa gitna siya ng isang digmaan, kailangan niyang manatiling gising. Sa gilid ng kanyang mata naroon nasaksihan ang isang dalagang naglalakad papunta sa kampo ng Cruz Roja. Nagaalangan man, nagsalita pa rin siya. "Binibini," umpisa niya.

Mataray na lumingon ang dalaga sa binata--ang ekspresyon ng kanyang mukha'y pawang wala siyang interes na kausapin ito. Tumayo lang siya roon at hinintay ang iba pang sasabihin ng kapitan.

"Gabi na ah. Mag-isa ka lang na naglalakad? Delikado, nako! Alam mo bang may mga multo na kapag ganitong oras?" Ngumisi ang lalaki.

Kahit na halatang nagbibiro lamang ito, hindi naiwasang makaramdam ng babae ng kaunting lamig sa paligid niya at bahagyang nangilabot. Kahit na napansin iyon ng lalaki, nagpatuloy siya upang asarin at takutin ang babaeng taga-Cruz Roja. "Alam mo rin bang ang mga multo na 'yon ay mga sundalong namatay bago pa man dumating 'yong siraulong mga Amerikanong 'yon?"

Kahit na halatang nagbibiro lamang ito, hindi naiwasang makaramdam ng babae ng kaunting lamig sa paligid niya at bahagyang nangilabot. Nang tumingin ulit ang lalaki sa taga-Cruz Roja, malapit na itong nakatayo sa tabi ng karwahe nila--halatang natatakot na, ngunit nanatiling matapang ang ekspresyon nito.

Matawa-tawa ang kapitan, ngunit pinutol nang kanyang kasama ang kanyang mumunting kaligayahan.

"Eh, mawalang-galang na po, kapitan... Pero..," naputol ang salita ng kutsero nang ilang segundo; nang may isang minuto ang lumipas, nagpasya itong magsalita ulit. "Totoo nga pong may nagmumulto dito."

Halos malaglag sa upuan niya ang kawal ng Pilipinas at takot na tumingin sa dalaga. 'Di niya akalaing ang panloloko niya'y totoo pala. At dahil naramdaman niya na ang lamig na naramdaman ng babae ilang segundo pa lamang ang nakakalipas, pinasakay niya na ito sa karwahe--tinulungan niya sa paraan ng pagiging maginoo, sa pamamagitan ng pagsalo ng kanyang kanang kamay habang inaalalayan ang dalaga--tutal, bakante naman ang isang parte ng karwahe dahil bumaba ang heneral kani-kanina lamang. "Seryoso ho?" Ulit niya.

"Opo. Hindi na po bago na nagkakaroon ng digmaan dito simula nang dumating ang iba't ibang klase ng dayuhan dito sa bansa. Tsino, Arabo, Olandes at iba pa. Marami na nga pong namatay dito mismo sa lugar na ito eh. Hindi na rin po bago na may nagsasabing may multo nga po dito."

Hindi napansin ng babae na hindi pa pala pinakawalan ng kapitan ang kanyang kamay. At dahil na rin sa takot niya, humigpit ang hawak niya sa kamay nito--swerte nga nama'y hinawakan rin ito ng lalaki na pawang handa siyang ibuwis ang buhay para sa dalaga. Ngunit hindi. Natatakot rin ang nasabing kapitan...sa multo.

[Heneral Luna] Rusca & ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon