Quinta

244 12 2
                                    

Kamaila'y hindi ka na nagdalawang-isip pa't sumama na rin sa hukbong sundalo ng iyong bansa. Dala-dala mo ang riple sa iyong gilid, ang bolo'y nakasabit sa iyong baywang. Naglalakad ka patungo sa kubo ng heneral upang magbalita ng kasalukuyang kinakaharap ng ilan sa mga sundalo ng Pilipinas. At dahil nga isa kang dilag, hindi ka masyadong pinapasabak ng heneral sa matitinding bagay na pawang lalaki lamang ang makagagawa.

Dahil na rin nakapalibot sa'yo ay panay lalaki, nahihirapan ka ring kumilos. Ngunit, wala kang magagawa. Ito'y iyong kagustuhan, ang ipaglaban ang inyong bansa, ang mamatay nang nagtatanggol sa Inang Bayan, at wala dapat pagsisihan.

Nagpakawala ka ng maikling paghinga, senyas na malayo-layo na rin ang iyong nalakad mula sa kampong dinestino ka upang bantayan ito hanggang sa kinaroroonan ng grupo ng heneral. Kumpara sa ginagawa ng mga kasama ni Heneral Luna, ang sa'yo ay mababaw lamang. Ngunit ang pagtataya ng buhay ay hindi madali, 'yon ang iyong nalalaman. Dumiretso saglit ang iyong tingin sa daanan upang makita o malaman kung tama ba ang tinatahak mo'ng lugar. Nang makita mo'y agad kang yumuko para makasigurong hindi ka matatapilok sa bato o kung ano man.

Sa hindi kalayuan nakatayo si Kapitan Rusca, hawak-hawak ang kanyang pantalon. Parang may ginagawa.

Nanliit ang iyong mga mata upang maging pamilyar sa'yo kung ano ba ang pinagkakaabalahan ng kapitan. Lumapit ka pa ng kaunti hanggang sa mapansin mo'ng siya'y...umiihi.

"!!!" Wala kang nagawa kung hindi makapagpalabas ng isang malababaeng tili, pagkatapos ng ilang segundo'y agad mong tinakpan ang iyong bibig para hindi ka mapansin ng lalaki.

Ngunit huli na ang lahat.

Nakangiti pang naglalabas ng tawag ng kalikasan si Rusca nang mapatingin siya sa'yo. Tinanggal niya ito pagkatapos na makita'ng isa kang sundalo, pero bumalik pagkatapos maalalang may mga babae pala sila'ng sundalong kasama sa pakikipagbakbakan--at isa ka na roon. "Putang ina-," agad niyang sinara ang kanyang pantalon at tumalikod. Ganoon rin ang ginawa mo.

"Ano kasi-," sabay niyong sabi.

"S-Sige, mauna ka nang magsalita," mautal-utal nitong sabi nang may bahid ng hiya.

Hindi mo alam kung paano ka pa magsasalita pagkatapos mong makita ang halos buong kaluluwa ng kapitan. Pinaglaruan mo ang iyong mga daliri habang diretso ang tingin mo sa lapag na panay gawa sa malambot na lupa--kinakabahan ka. Pero hangga't hindi ka nagsasalita, ang bagay na 'yon pa rin ang iyong naiisip.

Dahil sa katahimikang bumabalot sa inyong dalawa, nagkaroon ng pagkakataon si Kapitan Rusca na pakalmahin ang sarili niya't magsimula nang magisip at magsalita para makapagpaliwanag sa'yo. "Ah, pa... Pasensya ka na, binibini," umpisa niya, kumamot pa sa likod ng kanyang ulo. "Hindi ko naman kasi napansin na nar'yan ka na pala kaya, ano, pasensya na talaga."

Alam mo sa'yong sarili'ng wala siyang kasalanan sa nangyari, maging ikaw. Ngunit hindi mo pa din magawang makasagot sa kanya.

Ilang metro mula sa inyo'y tatlo pang binibining may hawak na abaniko. Nakatakip ito sa kanilang mga bibig ngunit alam mong sila'y nakangisi. Iniangat mo ang iyong ulo dahil ramdam mo'ng nakatingin sila sa inyo, pero nang makita ng mga mata mo'ng tama ka nga, agad mong ibinalik ang iyong tingin sa lupa. Ano ba ito... Paano ba ako magsasalita? Aalis na lang ba ako o sasabihin ko sa kanya'ng ayos lamang? Lalo ka pang namula nang maalala ang dahilan ng pagkahiya mo ngayon.

Nakangalap ka ng hanging maiihip upang magkaroon ka ng lakas ng loob. Nang iyong makuha, dahan-dahan kang tumingin ka sa kapitan. Hindi mo rin naiwasang hindi lumunok dahil sa kaba. Pagkalingon mo sa kanya, wala kang ibang napansin kung hindi ang bagay sa ilalim ng kanyang sinturon...dahil nakayuko ka. Upang maiwasan rin ito, sinubukan mong idiretso ang iyong tingin sa magiting na sundalong nasa iyong harapan.

Ngunit, malabo pa rin.

Mahina ka 'pag dating sa titigan, kaya naman hindi naging madali sa'yo ang sumagot nang nakatingin sa kapitan. "Uh, ano...," naisambit mo. Hindi mapigilan ng mga mata mo'ng iwasan ang tingin ng lalaki at sa gilid na lamang niya ilapat ang iyong mga mata, dahil kung hindi sa gilid, sa baba lamang ang punta nila. "Ka-Kapitan, mangyari lamang na ikaw ay tumalikod."

Akmang lalapit sa'yo, nagsalita ang lalaki nang may bahid ng pagaalala. "Teka, ayos ka lang b-"

"Sabi ko, tumalikod ka!" Utos mo, may tono na rin ng magkahalong inis at hiya.

Napatigil si Rusca sa kanyang pagkilos at tumalikod na lamang tulad ng iyong sabi. Nilagay niya ang pareho niyang kamay sa loob ng kanyang bulsa.

"Pasensya ka na sa inasal ko, kapitan, s-sapagkat hindi ko kayang magsalita nang kaharap ka pagkatapos ng lahat."

Pakiramdam niya'y tapos ka nang magsalita kaya nagdesisyon na siyang humarap. Bago pa magkonekta ang inyong tingin, agad ka nang lumingon sa lapag at sinabing, "Wala pa akong sinabing dapat ka nang humarap, kapitan!"

Naalerto ang lalaki kaya agad itong tumalikod. "Pasensya na."

"Gusto ko lamang na...," lumapit ka sa kanya't niyakap siya sa likod. Matagal-tagal mo na ring gustong gawin ito sa kanya sapagkat mukha siyang malambot--at hindi ka naman nagkamali roon. "...Humingi ng tawad sa hindi madaliang pagalis ng aking tingin mula sa'yo," naramdaman mo'ng pawang gulat ang kapitan dahil sa kinilos mo, pero hindi ito naging hadlang upang ika'y tumigil. Bumitaw ka, "P-Pasensya na."

Nang papaalis na ang iyong mga kamay mula sa baywang niya, hinawakan niya ito. Nagulat ka dahil hindi mo naman akalaing mangyayari ito.

"Rusca! Rusca!" Sigaw mula sa kubo ng heneral, at panigurado naman kung sino ang tumatawag sa kanya ng ganoon.

Lumingon ang kapitan sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses ng nakatataas, at mabilis na gumalaw muli ang natigil niyong oras. "Tinatawag na ako ng heneral. Hanggang sa muli nating pagkikita, binibini. Salamat sa...walang sawang pagtingin sa'kin," tumakbo na ang kapitan paalis.

Hindi mo alam kung ito'y patungkol sa pagtingin mo sa kanya o literal na pagtingin sa kanya ilang minuto pa lamang ang nakalilipas pero isa lang ang iyong masasabi: maganda't masaya ang naging progreso ng iyong buhay ngayon.

Nagsimula ka nang maglakad papalayo, pangiti-ngiti kang pawang wala nang bukas.

Saka mo na lang naalala na...

"May ihahatid pa pala akong balita sa heneral!" Sabi mo na may tindig ng pagkagulat. Ang mga ngiti mo'y bumalik sa kadahilanang kayo'y magkikita muli ng kapitan. Halos hindi mo na rin mabawi ang sabik na iyong nadarama.

Ang yakap kanina'y ginusto mo lamang sapagkat pakiramdam mo'y isa siyang malambot na tao't hindi mo siya iniibig. Subalit pagkatapos ng lahat ng nangyari, nakararamdam ka na ng kakaiba. Nagugustuhan mo na siya.

Mukhang magiging mahaba ang araw na ito para sa'yo.

[Heneral Luna] Rusca & ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon