Chapter 5

27 1 0
                                    

Author's Note: (must read)
Ito kang po ay yung side ni Dwight sa Chapters 1, 2 at 4. Yun lang po thank you!!

Dwight's P.O.V.

Nakita ko na rin siya sa wakas...

Tinawag ko kasi yung campus nerd daw namin sa school na ngayon ko lang nakita. Ewan ko kung bakit ha. Nagresearch pa ko about sa kanya at nakita ko namang mula 1st year highschool eh dito na siya nag-aaral.

Sabi ni Ky, maganda daw. Kinginamels.

KAILAN PA NAGING MAGANDA ANG NERD?!

"Dwight! Here she is!" sigaw nung babae bitbit yung nerd na yon. Sus, syempre babae ang magdadala dito. Ako nagsabi eh. Tss.

Pero tama nga....

ANG PANGET NIYA. ANG LAKI LAKI PA NG SALAMIN NAKAKABANAS.

Nakakasira ng araw yung gantong mukha. Di pa masyadong makita mukha niya kasi nga naka nerd glasses pa siya tapos full bangs! Manipis lang naman pero, di pa rin talaga kita.

"Don't stare please. You're being a creep."'

Di ko namamalayang nakatitig lang pala ako sa kanya. At ano daw? Creep? Letse pala siya eh.

Pero wag niyong isipan ng iba ha. Hirap na hirap na kasi akong tignan yung mukha niya! Half ng mukha niya lang kasi nakikita ko. Mas naiirita ako pero di ko pinahalata yon.

Pero putcha. Diring diri na ko. Gusto ko na basagin yung mga mukha nito kasama ng tao sa paligid namin. Tumingin din siya sa crowd. Kahihiyan na ba to sa kanya? Eh paano pa sakin? Tss.

Act cool David. Act cool.

Tinanong ko yung pangalan niya. Zoey Mikael Laine Buenaventura daw. Tengene di naman bagay sa mukha niya yung pangalan niya. Pero aamin akong maganda pangalan niya! Ba't yung pangalan ko napakagwapo? Diba? Pag narinig mo yung Dwight David dela Cruz, hihiyaw ka talaga. Tss. Hindi sa nagmamayabang ha pero kasi ganun talaga.

Pero putcha! Siya lang ang gumawa sakin nito! Nagpakilala ako sa kanya at nag offer ng kamay na gustong gusto mahawakan ng kahit sino tapos siya?

TINANGUAN NIYA LANG TAS INIWAS YUNG TINGIN..

NAKNG TUPA.

Pero ito talaga ang rason kung bakit ko nalamang nag-e-exist ang taong ganito sa school na to.

*flashback*

"Pre, nabalitaan mo ba yung campus nerd daw?" sabi ni Ky habang kumakain ng Nova. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Wala akong alam dun. At nerd?! Seryoso ba siya? Kailan niya pa naisipang interisado ako don?

"Ano meron?" sabi ko lang sa kanya. Ayoko sa lahat yung napaka-non-sense ng pag-uusapan. Tsk.

"Tangoks. Chicks daw. Sabi nung tinanungan ko ah. Kasi naki--"

"May chicks bang nerd? Bobo mo." sabi ko sa kanya sabay bato ng unan. Inirapan lang ako. Tangna bading ata 'to eh. "Ano ba pangalan ha?" sabay kuha sa kanya nung Nova. Di ako sinagot eh, babanasin ko nalang. "Hoy Ky! Ano pangalan gago!" sabay batok ko sa kanya.

"Tang ina." sagot ni Ky at tinignan niya ako ng masama. Kitang kita kong nabadtrip siya don pero di talaga ako papatinag. Hahahaha! "Tang ina yung pangalan niya? Nice name ha!" pang-aasar ko pa.

"Gago." he mouthed. Walang sounds talaga yon. Takot niya sakin. Hahahaha!

"Pero seryoso ano nga kasing pangalan? Bubugbugin na kitang hayop ka." sabi ko sabay balik sa kanya ng Nova.

Better Than Revenge [On-going series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon