Chapter 18
Charlonne's P.O.V
Before the performance, hindi ko na napigilan yung sarili ko.
For the second time.... naramdaman ko nanaman 'to.
Kanina sa dressing room. Pagkalabas ko ng CR ay bigla niya kong sinitsitan at tinanong kung maganda siya.
Pero wala akong naisagot kung hindi, 'ang panget mo'
Pati na rin ang picture naming dalawa.
Para akong tanga dito na kanina pa tinitignan yung picture namin.
Di ako naka-smile dahil.... nakatingin ako sa mukha niya nun. Hindi ko kasi alam kung anong magiging itsura ko kung pipilitin kong ngumiti sa picture.
Hinawakan niya yung gilid ng labi ko at binanat niya para magmukhang nakangiti ako.
Ang ganda niya dito.
Sa totoo lang gusto ko sabihin sa kanyang ang ganda ganda niya ngayon. Pero hindi ko alam kung bakit nilait ko siya. Samantalang pinupuri ko ang mga babae para ma-fall sila sa akin. Basta ang alam ko lang...
Ayoko siyang maging isa sa mga babaeng napa-fall ko.
At kanina bago magsimula ang performance namin ay hindi ko napigilan kunin ang kamay niya. Alam kong kinakabahan siya pero di ko alam ang dahilan. Ballerina nanaman na siya pero bakit pa siya kakabahan diba? Wala na kong ibang na sabi kundi ang mag focus siya sa akin at sa sayaw.
Mukhang sinunod naman niya yun. Pero takte ako yata ang mawawala sa sayaw. Buong sayaw, nakatitig ako sa ginagawa niya. Ngayon lang din ako na-curious kung maganda ba ang pagkakasayaw ko. Usually, hindi ko na iniisip yun dahil nga nadadala naman ng mukha ko yung mga galaw ko. Pero kanina. Shit. Sobrang kinakabahan ako. Ako pa yata mas kabado sa aming dalawa kanina.
After the dance ay nagpaalam siya sakin na maglilibot siya sa school. Hindi ko na siya sinamahan dahil parang gusto niyang mag-isa. Pero ang hindi niya alam sinundan ko siya.
May lalaking gumulat sa kanya sa locker na parang kinorner siya. Gusto kong lumapit pero nakita kong parang nag uusap lang sila. May kakilala pala siya dito?
Sunod dun ay dumiretso sila sa gym kung saan walang tao. Nakasilip ako sa may bintana kung saan alam ko na hindi nila ako makikita. Nag-iiyakan sila. Gusto ko ng pumasok sa loob ng gym pero naisip ko na wag nalang. Napakamot ako ng ulo ko. Nagmumukha akong stalker kaya nagbalak akong umalis na. Pero sakto nandun ako sa harap ng pinto ng biglang bumukas yung pinto at nakita ko si Joanna.
Nag-usap kami. Ex niya pala yun? Kaya siguro sila nag-iiyakan. I didn't have a chance to ask what happen in front of them. Kaya ininsulto ko nalang yung lalaki. Pero di ko akalaing sasapakin niya ko. Na-threaten siguro sa akin. Tss. Dapat lang.
Tinawag ko siyang babe. Ewan ko trip ko lang. Pero kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Bumalik na kami sa dressing room at tinanong ko na siya. Niloko daw siya. Pinapili niya and he chose the other girl daw.
G*go yung lalaking yun ah. Ba't niya naman pipiliin ang iba kung may girlfriend na siya.
Then it hits me.
Parehas lang pala kami ng naranasan.
She choose the other guy over me.
I was so down that time. I am asking myself kung ano pa bang kulang ko. Then after 2 years. I've changed so much. I became like this. The Charlonne Veneracion that is also known as 'the campus cassanova'.
BINABASA MO ANG
Better Than Revenge [On-going series]
Teen FictionHave you ever been in love? Horrible isn't it? It makes you so vulnerable. It opens your heart and let someone can get inside to mess you up. It gives you butterflies. Build up all the defences so that nothing can hurt you. But what If there's someo...