Joanna's P.O.V
Lecheng buhay 'to! Ang malas-malas! Hindi na gumanda! Hindi na umayos! Nakakaleche!
Ang dami dami ko ng problema dadagdag pa ko! Oo, dumagdag pa ko!
Sinabihan na rin naman ako ng mga pinsan ko tungkol dito. Sabi nila sakin na wag na akong umasa na maayos pa ang relasyon namin ng boyfriend ko. Lagi na kasi kaming nag-aaway. At ako lagi ang nagpapasensya sa lahat. Na kesyo baka pagod lang. Stress. Ganun.
Pero hindi pala.
Nakatayo ako sa harap niya. Pero hindi siya nakaharap sa akin.
Kitang kita ko kung paano niya dinidiin sa pader yung babaeng hinahalikan niya.
Di ko magalaw mga paa ko. Hindi ako makalapit at pigilan sila.
Please, Jasper lumingon ka. Pag nagsorry ka naman, papatawarin pa rin kita eh.
Pero letse hindi siya lumingon. Kahit silip.....
Hindi niya ginawa.
Naiinis ako sa kanya. Harap-harapan niya na ko niloloko. Pero ba't ganun?
Pagmamahal ko pa rin sa kanya yung umiiral sa puso ko.
Hindi ko na alam kung nagkalat kalat na sa mukha ko yung eyeliner. Pero isa lang ang alam ko.
Nasasaktan ako. Sobrang sakit na nararamdaman ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko. Dahil sa luhang nagbabadyang pumatak sa mata ko. Nanghihina na ko. Gusto ko ng tumalikod at lumayo pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.
Unti-unti silang naghihiwalay at nagtinginan. Nakita ko kung paano niya tignan yung babae. Ang sakit-sakit. Pero alam niyo kung ano ang mas masakit?
Hindi niya nagawang tumingin sa akin ng ganoon.
Hindi na ko nagulat ng napalingon siya sa akin. Sino ba namang tao ang magugulat pa na titingin siya sa'yo samantalang napaka-cliché na ng ganoon diba? Alam ko na yon. Yun ang nababasa ko sa mga libro.
Nung una nga hindi ako naniniwalang masakit yon. Hindi nga masakit.
Sobrang sakit pala.
"Joanna, let me explain. Hindi ko sinasadya. Mali yung nakita mo. Hindi yun tama, alam ko. Pero nagkamali ako. Please wag mo kong iwan please. Hindi ko na gagawin ulit please. Please. Patawarin mo ko." sunud-sunod niyang sabi sa akin habang umiiyak siya. Nakaluhod siya sa harapan ko ngayon habang nagmamakaawa. Hindi siya nakatingin sa akin pero nakayuko siya. Nakakatawa. Ganito din ang eksenang nababasa ko sa libro.
Hindi ko siya sinagot. Hindi ko rin siya tinayo. Hinayaan ko siya doon na parang pinagbibigyan ko siya para magpaliwanag. Dahil pkshet. Mahal na mahal ko pa din siya.
BINABASA MO ANG
Better Than Revenge [On-going series]
Teen FictionHave you ever been in love? Horrible isn't it? It makes you so vulnerable. It opens your heart and let someone can get inside to mess you up. It gives you butterflies. Build up all the defences so that nothing can hurt you. But what If there's someo...