Charlonne's P.O.V.
*flashback*
"Babe. Musta na?" sabi ko habang kausap ko ang girlfriend ko na nakatira ngayon sa New York para mag-aral. Sabi kasi ng parents niya, mas mag-i-improve pa siya lalo kung sa States siya.
"Okay lang." cold niyang sagot sa akin which makes me worry.
"Oh.. May problema ka ba? You can share it to me. Spill." sabi ko sa kanya. Nag-aalala ako baka kasi may sakit siya or problema or something.
"Nothing to worry about. Uhmm. Let's talk some other time." at binaba niya na yung phone.
Napatingin nalang ako sa phone. May problema ba?
Mag-1-1 year na siya sa NYC at ganito pa rin kami mag-usap. Walang palya. Walang bago. Hindi kami nakakapag-usap na nagtatagal ng 30 minutes. Lahat yon kamustahan lang. Ako lang ang nagkkwento sa kanya. Ang lamya-lamya niya pa sumagot. Iniintindi ko nalang siya kasi nga baka stressed siya. Ayokong napapagod siya eh. Nagpapasalamat na nga lang ako, naririnig ko pa yung boses niya.
Magt-2 years na kaming mag-on. Yung first anniv namin dinala ko siya sa Singapore. That's her first out of the country in her life. Kaya tuwang-tuwa siya nung araw na yon. Walang sawang thank you ang sinasabi niya sa akin. At ako naman, tuwang-tuwa sa bawat reaksyon niya. Buti na nga lang pinayagan ako ng parents ko na dalhin siya dun with her family eh.
Ngayon, malapit na yung 2nd anniversary namin. Sana hindi niya nakakalimutan yon. Kasi ako pinaghandaan ko talaga yon. Bawat date namin pinaghahandaan ko. Eh ngayon medyo naiba ang plano ko dahil nga nasa ibang bansa siya. Buti nalang pinayagan ako nila mommy pumunta ng New York this summer.
Yes, pupunta ako ng New York. Yun yung gagawin ko. Surprise visit. Kaya nga medyo kinakabahan ako. Hayst. Kasi naman, ang layo-layo niya. Kaya talagang pinaghandaan ko na kaagad yung flight ko para ready-to-go na agad ako pag summer. Dun na kami magd-date.
Excited na ko.
~*~
Bakasyon na rin namin sa wakas!! Sobrang boring kasi dito sa bahay o ako lang? Siguro dahil sobrang excited ako. Hindi ko nga muna siya tinatawagan para ma-surprise talaga siya eh. 2 weeks na din yon ha. Hayyy.. Sana magustuhan niya gagawin ko.
Surprise visit.
Hmmm. Ano kayang food gusto na niya ngayon? Kilala ko kasi si Dani. Mahilig siya sa pasta, lasagna, mga ganon. Pero baka iba na favorite niya ngayon.
Nandito na kami sa airport. Hinatid ako nila daddy dito. Syempre excited din sila. Botong boto nga sila kay Dani eh. Hahaha!
"Anak, pakamusta mo nalang ako kay Dani ha?" sabi ni mom habang naglalakad papasok.
"Sige, mom. Ano bang gusto niyong pasalubong?" sabi ko sa kanila at tumingin kay mommy.
"Kahit ano na anak. Ikaw na bahala. Basta enjoy your trip. Ingat ka palagi ha?" sabi ni dad at niyakap ako. Tinapik niya yung likod ko at ganun din ang ginawa ko. I'm so happy na kasing cool ko ang tatay ko.
"Salamat, dad. I love you both! Take care always!" sabi ko at nagtuloy na ako sa paglalakad dahil oras na rin ng flight ko.
Makikita na rin kita, Dani..
--
"Hayyyyy!!!"
Sa wakas nandito na ko. Medyo nakatulog ako dahil ilang gabi rin ako hindi nakatulog dahil nga kakaisip sa trip na to. Tss, iba talaga pag tinamaan..
BINABASA MO ANG
Better Than Revenge [On-going series]
Teen FictionHave you ever been in love? Horrible isn't it? It makes you so vulnerable. It opens your heart and let someone can get inside to mess you up. It gives you butterflies. Build up all the defences so that nothing can hurt you. But what If there's someo...