Nathan's P.O.V.
"Zoey. Zoey. Zoey. Zoey." bulong ko sa isip ko. Oo, yung Zoey na tinawag ni Dwight kanina para pumunta sa gitna ng field.
"Ms. Buenaventura. Why are you late?" biglang sabi ng teacher namin kaya napatingin ako sa pintuan. Nakita ko yung mukha niyang kinakabahan. "Miss, I'm sorry I'm late." sabi niya dun sa teacher namin at nakayuko lang siya. Sa totoo lang, mainitin ang ulo ng teacher na yan kaya siguro kinakabahan siya. Pero siguro ngayon good vibes siya kaya hindi siya naiinis sa mga late ngayon. "It's okay. You can go to your seat now." at pumunta naman si Zoey sa upuan niya. Katabi niya yung bestfriend niya na si Yannie. Nagkkwentuhan sila ngayon at kinukurot kurot nito si Yannie. "Btw, Ms. Buenaventura." sabi ulit ni ma'am kaya napatingin kami sa kanya. "Yes po?" tumayo si Zoey sa upuan niya at mukhang naginginig pa siya. "You will be dismissed at 10:30 dahil late ka." tumango si Zoey at umupo.
Habang nagtuturo si ma'am, walang pumapasok sa utak ko. Pasok sa kabilang tenga, labas sa kabila. Ganun lang yung nangyayari. Iba kasi yung iniisip ko kaya din siguro ganun.
Zoey Mikael Laine Buenaventura...
Kanina pa paulit-ulit pumapasok yung pangalang iyon sa utak ko. Tuwing titingin ako sa kanya, may naaalala ako. Kamukha niya kasi yung childhood friend ko sa States dati...
Si Princess.
Princess ang alam kong pangalan niya. Yun rin kasi ang tawag sa kanya ng yaya niya sa kanya....
*flashback*
"Yaya! Please! Let's buy ice cream!" pagmamaktol nung batang babae habang hinihila hila niya yung damit nung yaya niya. "Sure, but let us ask your mom first. Okay, Princess?" tumango lang yung batang babae.
Parang nakaramdam ako ng gutom sa ice cream. Masarap nga naman kasi ang ice cream dito sa States. Hindi siya ordinary flavors. Iba't ibang flavors talaga at healthy siya. Dahil gusto ko rin talaga bumili, lumapit na ko sa kanila. Sasama nalang ako sa kanila bibili ng ice cream.
Habang naglalakad kami ni yaya papalapit sa kanila nagpaalam na din ako sa yaya ko. "Yaya! Can we also buy an ice cream? Kasi yung batang babae dun bibili sila ng ice cream kasama yaya niya. Pwede siguro tayo sumabay sa kanila. I'll treat you." sabi ko sa yaya ko habang nakangiti at tumango siya. Alam kong hindi makakahindi sa akin ang yaya ko. Bukod kasi sa alaga niya ko, eh lilibre ko pa siya. Sino bang tumatanggi sa libre?
![](https://img.wattpad.com/cover/49491852-288-k22671.jpg)
BINABASA MO ANG
Better Than Revenge [On-going series]
Teen FictionHave you ever been in love? Horrible isn't it? It makes you so vulnerable. It opens your heart and let someone can get inside to mess you up. It gives you butterflies. Build up all the defences so that nothing can hurt you. But what If there's someo...