Chapter 17 - Past vs Present?

14 1 0
                                    

Joanna's P.O.V

"Schoolmate ko siya. At kaklase ko sa dance club."

Nandito kami ngayon sa gymnasium ng S. University. Kaming dalawa lang ni Jasper dito. Gusto niya daw mag-usap kami. Gusto ko rin naman iyon. Para magkaroon na rin kami ng closure.

Tumango lang siya. Tumingin siya sa akin at niyakap niya ko.

"Alam kong wala na kong karapatan gawin 'to sa'yo. Pero pwede bang gawin ko 'to kahit dalawang minuto lang? Namimiss na kasi kita." bulong niya habang yakap niya ko. Tumango ako at niyakap ko din siya pabalik. "Salamat." sabi niya at humigpit pa lalo ang pagkakayakap niya sakin. Kung alam mo lang..

Humiwalay siya sakin at pinunasan niya ulit yung luha niya. "Sorry ha. Namiss kasi kita sobra eh." sabi niya at napatawa pa siya ng pilit. "Kamusta ka na?"

"Okay lang ako tsaka namiss din naman kita." sabi ko at ngumiti sa kanya. "Pero, ganun talaga. Wala na eh." dugtong ko at umiwas ako ng tingin.

"I want you back." bigla akong napatingin sa kanya nung sinabi niya yon. "I want you back because I still love you. Hindi kita niloko. Oo, nahalikan ko siya pero lasing ako nun. Lasing na lasing ako. Pero hindi ko alam kung ba't siya yung pinili ko--"

"Jasper." hinawakan ko ang kamay niya. "Wag na natin balikan yung araw na yun, okay? Kasi ayoko na maalala yun. Masakit eh. Pero naiintindihan ko kung magpapaliwanag ka. Pero Jasper I'm sorry. Ikaw nakipag-break. Okay, let's say. You chose her over me, your girlfriend. Jasper, masakit yon alam mo ba? Araw-araw umiiyak ako. I gave my best to you. I may not be your firsts, pero I'm trying my best to be your firsts. Pero hindi ako handa eh. I'm sorry kung nagkulang ako. Pero that's all what I've got. Yun lang ang kaya ko ibigay eh." sabi ko at bigla nalang ako naiyak. Ang sakit pa rin talaga maalala yun.

"I know, I know." sabi niya at hinawakan niya yung pisngi ko. Pinunasan niya yung luha ko at tumingin ng diretso sa mata ko. "That's why I want you back. Gagawin ko ng tama lahat ng pagkakamali ko. Just please, give me a chance. Please." sabi niya sa akin habang kitang-kita ko yung pagmamahal sa mata niya.

"Please din, Jasper. Gusto ko muna kalimutan yun. Kasi masakit pa din. Tuwing nakikita kita? Sobrang sakit. Hindi ko na alam kung mahal pa rin kita kasi ang nararamdaman ko lang. Masakit." sabi ko at tinanggal ko yung kamay niya sa pisngi ko. "Kung tayo talaga para sa isa't isa, tayo. Pero kung hindi, hintayin natin. Kasi ayoko ng masaktan ulet."

Tumango lang siya at tinakpan niya yung mukha niya. Alam kong masakit yung binitawan kong salita. Noon, I also want him back. Pero hindi pa ko desperada. Ang gusto ko lang ay yung maka-move on sa kanya. Pero paano ako magm-move on kung ganito siya?

Napatingin ako sa relo ko at nakita kong 6pm na. Kailangan ko na bumalik sa dressing room dahil baka umuwi na rin kami.

"Sorry but I have to go." tinignan ko siya pero hindi niya ko sinulyapan. Nakatakip pa din siya at tumango nalang. "Thank you." sabi ko at lumabas na ko ng gym.

Pagkalabas ko nakita ko si Charlonne na nakatayo sa harap ng pintuan. Medyo napaatras pa ko dahil nagulat ako sa kanya.

"What are you doing there?" tanong niya sakin ng diretso. Umiling lang ako at naglakad pero hinarangan niya ko. "Answer me."

"Wala." sabi ko at naglakad pero hinarangan niya ulit ako. "Ano ba!"

"Answer my question, Ms. Austria." mariin niyang sabi sa akin. I rolled my eyes at tumingin ako sa kanya.

"I talked to my ex. Okay na?" sabi ko inirapan ko siya.

"You what?" sabi niya ng nakakunot ang noo niya.

Better Than Revenge [On-going series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon