1 - Lost Soul

303 9 0
                                    

29 Days After The Initiation

"Umalis na kayo, puwede ba?!" sigaw ko sa mga nasa harapan ko habang nakatakip ang mga kamay sa aking mata.

Hindi ko alam kung bakit sila nakatingin sa akin at laging nagpapakita, ayoko sa kanila, ayoko ng ganito. Natatakot ako. 

"Tulungan mo kami," malamig na wika nila.

Kinilabutan ako nang marinig ko ang mga desperado nilang boses. Mga boses na uhaw sa tulong. Uhaw na marinig sila. Uhaw na mapansin.

Niyakap ko ang sarili ko habang mariin na nakapikit. Tinakpan ko ang tainga ko sa sunod-sunod na pagsusumamo nila sa akin. Mas lalo lamang lumamig ang atmosperang bumabalot sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil sa paunti-unti nilang paglapit sa akin. 

Naiiyak akong naki-usap na tigilan na nila ako pero hindi sila nakikinig sa akin. 

Ganito lagi ang eksena. Sa tuwing makakasalubong ko ang mga mata nila, hindi na nila ako titigilan hangga't hindi nila nakukuha ang gusto nila sa akin. Masyadong nababalot ng dilim at hiwaga ang mundo ko. 

Panay lamang ang iyak ko habang patuloy nila akong ginugulo hanggang sa makaramdam ako ng magaan sa paligid.

Unti-unti kong inangat ang ulo ko at nasilaw naman ako sa liwanag na nanggagaling sa bintana. May bulto ng lalaki ang naroon pero hindi ko maanigan. 

"It's okay, Faith. I'm here," aniya.

Sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan, tila'y nakumbinse ako at naging kalmado. Patuloy pa rin ang paghikbi ko at parang bata kung magpunas ng luha sa pisngi.


"Faith, let's go!" excited na yaya ni Rue.

Kinuha ko ang libro at ballpen na nakakalat sa lamesa at nilagay sa bag. Agad ko itong isinukbit sa balikat at bumaba para puntahan ang nagmamadaling si Rue.

"Ano bang meron at napaka-excited mong pumasok?" tanong ko sa kanya habang papunta sa sasakyan nila.

"Look, kasi meron daw transferee sa atin. Let's see, kung ano ang itsura ni kuya! I heard, magiging kaklase natin siya," kuwento nito.

"Nagsimula na ang klase natin ah? At saka pa-graduate na tayo, lumipat pa siya?" kuryuso kong tanong.

Nagkibit-balikat na lamang si Rue. "Maybe he has reasons? Too personal, I guess? He's good naman. I checked it. Hindi naman siya ki-nick out, and maganda rin ang grades niya."

Minsan talaga ay napapangiwi ako pag nagiging conyo si Rue. Alvah Rue is one of my best of friends. Tumango na lamang ako at namahinga sa biyahe. Masyado akong nahirapan sa pagtulog kagabi dahil may nararamdaman na naman akong kakaiba. Para bang may nanonood sa akin.


Nakarating na kami sa university nang may mapansin ako sa may sulok ng parking space. Nakatingin lang ito sa amin, sa akin? Hindi ko alam pero awtomatiko na umiwas ang aking tingin dito. Ito ang pangalawang beses na nakita ko siya, ano bang mayroon? Binilisan ko na lamang ang aking paglalakad pero ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin.

"Faith!"

Bumalik ang aking huwisyo sa sarili. Agad naman akong napalingon sa likod ko, naiwan ko na pala si Rue sa kakamadali kong maglakad.

"Is there something wrong? Ang bilis mo maglakad," aniya.

Umiling ako. "Sorry. May iniisip lang ako, homework?" palusot ko.

Inirapan na lamang niya ako at nabigla ako nang hilahin niya ang braso ko. "Tara!" aniya at madaling naglakad. 

"Wait. Kalma lang Rue, walang humahabol!" sambit ko rito.

Lost Soul (A Way Back To One's Self)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon