11 - Lost Soul

117 5 0
                                    

The Messages

"Faith..."

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napansin ko ang kakaibang lugar na hindi ko inaasahan sa tuwing nananaginip ako. Hindi ako napapaligiran ng puting liwanag o kahit ano pa man. Nakatayo lamang ako sa gitna ng hardin na animo'y isang paraiso sa magarbong palasyo.

"Faith..."

Napatingin ako sa likod ko at nanlalaki ang mga mata nang makita ang babae na nakausap ko sa library. Nakasuot ito ng magarbong puting tela at may mga palamuti na nakadisenyo rito. Sa ibabaw ng ulo niya ang isang korona na gawa sa mga bulaklak. Diyosa kung aking tatawagin. Sa likod niya ay may nakasunod na makisig na lalaki. Madali ko namang iniwas ang mga mata ko dahil tanging tela lamang na ipinatong sa kanyang balikat ang suot nito at isang parang pajama na puti. 

"Hindi ko man nais na mangialam ngunit ayaw kong mapahamak ang huling salinlahi ko. Ang pagbaba mula sa mundo niyo na walang makatarungang rason ay isang kapangahasan para sa kaitaas-taasang Bathalang Celeste. Kaya naman naririto ako sa panaginip mo para makausap kang muli," ani ng babae. Lumapit ito sa akin at hindi ko maiwasan na mabighani sa ganda niya. 

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko. 

"Ako si Perdita at bibigyan kita ng pagkakataon na makita mo mula sa sarili mong mga mata ang nawawalang oras sa iyo," aniya at nilingon ang katabing lalaki. "Morpheus, ikaw na ang bahala."

Lumapit ang lalaking tinawag na Morpheus at tumapat sa akin. Alam kong hindi ito ang tamang oras para mamangha sa kanya pero hindi ko kasi mapigilan na mapatitig sa mukha ng lalaki. Ngumisi ito kaya naman ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Nalito naman ako nang itinapat niya ang kanyang hintuturo sa akin at malakas ang pagpitik na nilikha ng kanyang hinlalaki at gitnang daliri. 


Ang muling pagkamulat ko ay naghatid ng takot sa akin dahil sa madilim na paligid. Panaginip ba ito? Pero bakit parang totoo? Naglalakad ako, gumagalaw ako pero hindi naman ako ang nagko-kontrol. Teka! Hindi kaya si Akuji o kung sino mang kaluluwa na nakapasok sa akin ang kumikilos sa katawan ko? Pilitin ko mang ilikot ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Kung ano lamang ang nakikita ng mga mata ko, ayun lang din ang natatanaw ko. Pakiramdam ko ay nakakulong ako ngayon sa katawan ko at wala akong magawa kundi ang manood.

Ngayon ko lang napansin na parang may kasama ako. Sa gilid ng mga mata ko ay isang babae na hindi ko maanigan dahil sa kawalan ng sapat na liwanag sa paligid. Saan ba ang punta namin? Nauna ang babae sa paglalakad at binuksan ang isang pinto. 

Pagkapasok namin, naupo ang babae sa pang-isahang sofa at halos mapang-akit na ipinatong ang isang binti sa kabila. May kinuha itong baso sa side table at sa tingin ko ay isang alak ang laman no'n.

"So... Akuji... Kumusta na sina Seth at Levi?" aniya. Akuji? Ang sarili ko? Ang sarili kong may sariling buhay? 

"As what we wanted, Ares, they are now turning each other's back," sagot ni Akuji. Ngumisi ang babae na tinawag na Ares. Teka! Ito si Ares? Ito ang pangalan na naalala ko sa notebook ko! 

"That's good, then." Na-alarma naman ako nang may magsalitang lalaki sa likuran ko na parang halos bumubulong sa tainga ko. "They are not good for you. Seth is blaming you and Hope from what happened. As for Levi, hindi niya hahayaan na masaktan ang babaeng importante sa kanya, at ikaw 'yon, Akuji."

"Alam ko..." sagot ni Akuji.

Tumayo naman si Ares. "But here's one thing you need to know, Akuji. Alam mo bang hindi na tumitibok sa'yo ang puso ni Levi?"

"What do you mean? Ako lang ang mahal ni Levi! We were always together at midnight," inis na turan ni Akuji. Panudyong ngumuso si Ares at sinulyapan ang nasa likod ko. Humakbang pa siya palapit sa akin at pinantayan ako ng lebel dahil mataas na heels ang suot nito. 

Lost Soul (A Way Back To One's Self)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon