9 - Lost Soul

116 5 0
                                    

The Quest

"Brianna!"

Natulos ako sa kinakatayuan ko nang may tumawag sa naging pamilyar na pangalan sa akin. Pinakatitigan ko ang babae na lumapit sa akin at ngumiti.

"Kanina pa kita hinihintay! Anong ginagawa mo rito?" aniya at hinila ako.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinigilan ito. Nagtataka akong tiningnan siya. "Teka! Sino ka?"

Nagdugtong din ang kilay ng babae. "Bri, okay ka lang? Parang ang putla mo ha?" 

"Bri?"

Hindi siya pinansin ng babae at may nilingon. 

"Brianna!" May isa pang babae na tumakbo palapit sa akin at niyakap ako. "Kaloka ka, girl! Ikakasal ka na!"

Nalilito akong pinanood ang dalawang babae sa harap ko. Parehas silang nakahaklit sa braso ko.

"Ano nga pala ang ibabalita mo sa amin? Excited na ako, ah!" ani ng babaeng morena na unang tumawag sa akin.

Bahagya naman akong niyugyog no'ng kadarating lang na babae na maikli ang buhok. "Ako rin! May ikakagulat pa ba ako sa magiging kasal mo, ha?"

"Hindi ko kayo maintindihan?" Pinasadahan ko ang paligid namin. Panaginip ko ba ito? O isang alaalang naitago? Pero Brianna ang tawag nila sa akin.

Panay lamang ang pag-uusap nilang dalawa at hindi ako makasabay. Pinanood ko sila at tila'y imbes na malito ako ay nakakaramdam ako ng pamilyar na pakiramdam. 

May narinig akong matinis na tunog na hindi ko alam kung saan nanggagaling at napapikit ako habang palakas ito nang palakas. Napahawak ako sa ulo ako nang pumintig ito at nanakit katulad ng nangyari sa akin. Para akong may naririnig na iyak sa hindi ko malamang pinanggalingan.

"Brianna, kapit ka lang!"

"Kailangan mo pang gumising!"

"Brianna! Brianna!"


"Aaahh!!"

Napabalikwas ako mula sa pagkakatulog ko at habol ko ang hininga. Ramdam ko ang bilis ng pagkabog ng dibdib ko na animo'y nakipaghabulan sa isang aso o kabayo. 

Agad kong iniyakap ang binti ko at ibinaon ang mukha sa tuhod. Muli kong ipinikit ang mga mata ko at dinama ang naging panaginip ko. Brianna. Para bang sa isang salita lamang ng pangalan na iyon, nakakaramdam ako ng kakaiba sa puso ko. Again, it feels so familiar. It feels so personal. 

Natigilan ako nang mapansin na basa ang pisngi ko. Inangat ko ang ulo ko at hinawakan ang mukha. Umiyak ba ako? Pinunasan ko ang luha at lihim na kumalma muna.

Magulo ang utak ko ngayon. Hindi ko alam kung masyado na ba akong nilalaro ng mga imahinasyon, alaala o panaginip ko. Hindi ko na matukoy kung alin ang totoo. Hindi ko alam kung paano ko makikilala ang sarili ko kung ganito maglaro ang bawat pangyayari sa akin.

Pero isa lang ang alam ko. Ang malinaw na alaalang nakikita ko sa katauhan ni Faith ay kakaiba sa akin. Parang pinapanood ko lamang kung ano ang naging buhay ko noon bago ang aksidente. Ang alaala naman na nagpapagulo sa akin ay tila isang pamilyar at personal sa pakiramdam. Ako mismo ang nakakaranas na maalala ang memoryang malabo sa akin.

Brianna. Saan ko nga ba iyon narinig? May tumawag na sa akin no'n. 

Si Dustin! Tinawag ako ni Dustin na Brianna. Maski si Raven ay tinatawag akong Brianna noong una. 

Sino si Brianna? At bakit parang may hinuha ako na nakatatak na ang pangalan na iyon sa akin? 

I really need to work on myself. Sino si Faith Akuji na inaakala kong ako? Sino si Brianna na tinatawag nilang ako? At ang huling tanong sino ba talaga ako?

Lost Soul (A Way Back To One's Self)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon