3 - Lost Soul

137 9 3
                                    

The Thief of Life

"You need to move now."

This feels familiar. Again. Puting liwanag na bumabalot sa paligid ko at sinisilaw nito ang aking paningin. Hindi ko tuloy maanigan ang babaeng nagsasalita sa harapan ko. 

"Sino ka ba? Bakit parang totoo ito?" lakas-loob kong tanong. Kahit papaano ay nakakain ko ang takot ko dahil sa liwanag. 

I will be fine as long as there is a light. 

"You will be fine as long as there is a light," anang babae na parang nabasa ang inisip ko. 

Naramdaman ko ang yabag niya na papalapit. "For you to move forward, look back at your past."

Sinubukan kong labanan ang sinag ng puting liwanag upang makita ang babae. 

"To find what is lost, stop it from hiding," aniya.

Naging malinaw ang paningin ko nang unti-unti niyang inilapit ang mukha sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ulit ang sarili ko na seryosong nakatingin sa akin. 

This is not a mirror! This is not a mirror! She's real! She's in the flesh. Pangungumbinse ko sa sarili ko.

"I'm not hiding anymore. We need to face this now," ani ng sarili ko. 


Napabalikwas ako sa alarm na ginawa ng phone ko. Habol ko ulit ang hininga ko at napapikit ako ng mariin. 

Pangalawang beses na ito. 

Hindi na ito basta-basta nagkataon. I'm sure of that. Everything feels real and weird. Minamaligno na ba ako? Baka dahil sa punong nabangga namin? 

"Oh God! Huwag naman sana! Wala po kaming kasalanan. Aksidente ang lahat! Sorry kung nasira namin ang bahay niyo!" eksaherada kong sumamo. 

Pero 'di ba dapat tikbalang ang maghihiganti? Paano kung nag-iiba pala siya ng anyo? Binibilog niya ang ulo ko?

Pero what if may kakambal pala ako? Hindi lang sinabi sa akin nila mommy at daddy? What if kailangan niya pala ng tulong? Kaya siya nagpapakita sa panaginip ko? 

Muli akong humiga sa kama ko at nagpagulong-gulong. 

"Tick-tock. Tick-tock."

Mabilis akong napa-upo sa nagsalita sa may paanan ng kama ko. 

"A-Anong ginagawa mo rito?" kinakabahan kong tanong kay Raven. "Paano ka nakapasok?"

"Time is running, Faith. Kailangan mo nang kumilos," aniya. Napatingin naman ako sa orasan ko at madaling kumilos nang mapag-alaman ko na male-late na ako. 

Kinuha ko ang mga kailangan ko bago magtungo ng bathroom. Huminto ako nang maalala ko si Raven na nakahilig lang sa study table ko. 

"Mag-uusap tayo mamaya!" saad ko at nagmadali nang kumilos. 


Habang naglalakad papunta sa classroom namin, pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Lalo na sa parte kung saan madilim. 

Hanggang ngayon pa rin talaga ay hindi ako nasasanay sa mga multong nagpapakita sa akin. 

Napahinto ako sa paglalakad nang may mapansin ako sa dulo ng hallway sa kaliwa ko. Isang anino ang nakatayo roon at pakiramdam ko ay nakatingin ito sa akin. Bago pa man ako mag-iwas ng tingin, isang kamay ang humarang dito. 

Napatingin ako sa may-ari ng kamay at namilog ang mga mata nang makita ang poging lalaking multo. 

"Ikaw!" Hindi ko alam kung bakit parang natuwa ako nang makita siyang muli. Siguro ay dahil sa naging maikling pag-uusap namin kahit na hindi ko rin maintindihan ang pinagsasabi niya. 

Lost Soul (A Way Back To One's Self)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon