A Game of Twisted Truth
"Okay ka lang, Faith? Grabe ang eyebags mo ngayon ah?"
Antok akong tumingin kay Rue at ibinagsak ang ulo sa desk ko.
"Ano bang ginawa mo at parang puyat na puyat ka?" aniya at narinig ko ang paghila niya ng upuan sa harap ko.
Pumikit na lamang ako. "Gisingin mo nalang ako pag may prof na," tinatamad kong saad.
"Masyado ba kayong nagsaya ni Hope kahapon?" rinig ko pang sambit ni Rue. "Pero 'di ba, maaga ka naman umalis sa kanila?"
Hindi ko siya pinansin at sa halip ay namahinga na muna at bumabawi ng tulog sa hindi ko malamang kadahilanan.
"O, anong meron?" narinig kong boses ni Hope.
"Sis, ano bang ginawa niyo kahapon? Parang pinagod mo si Faith, ah?" panudyo ni Rue.
Umayos ako ng pagkakayuko at tinakpan ang tainga ko.
"Nanood lang naman kami," tugon ni Hope.
"Huwag mong sabihin na nag-marathon kayo ng kdrama? Baka naman ginawa niyong one day ang isang kdrama series, ah? Ay naku talaga Hope, malala na 'yan!" eksaheradang usal ni Rue.
"Guys! Give me five minutes break. Sobrang antok na talaga ako," pakiusap ko. Hindi na muli silang nagsalita at kahit papaano ay nakatulog ako.
Nagising na lamang ako sa isang marahan na yugyog sa balikat ko at napabaling sa katabi ko. Kinusot ko ang mga mata ko at pinasadahan ang paligid.
"Nandiyan na si Miss Sunny," ani Levi.
Tumango ako at nag-unat. Ramdam ko pa rin ang mabigat kong talukap pero hindi na kagaya kanina na sobrang antok ko.
"Maaga ka matulog mamaya, huwag ka na ulit lumabas," rinig kong bulong ni Levi na ikinanuot ng noo ko.
"Pinagsasabi mo diyan?" Mariin lamang itong nakatitig sa akin at hindi ko nalang siya pinansin.
"Girl, titig na titig si Levi sa'yo ah?" bulong ni Rue habang naka-grupo kami para sa isang activity.
Inaantok akong napatingin dito at nilingon si Levi na nasa kabilang parte ng silid. Nakatingin nga ito sa akin at hindi ko masabi kung bakit.
Nangalumbaba na lamang ako at bumaling sa katabi ko. "Hayaan mo siya. Maluwag yata ang turnilyo sa utak ngayon."
Sobrang sabaw ko ngayong araw at wala talagang pumapasok sa utak ko ngayon. Ni hindi ko talaga masabi kung bakit. Wala akong masagot kung ano nga ba ang pinagpuyatan ko ng husto.
"Okay, listen up!" Pumapalakpak si Miss Sunny para makuha niya ang atensyon namin. "We're going to have a little game. Kung sino ang grupo na may pinakamaraming puntos na makukuha ay may plus five sa exam."
Naghiyawan ang buong klase at ang iilang mga kalalakihan ay ginawang drums ang mesa at pinagpapapalo ito. Para tuloy silang mga bata. Pero dahil sa ingay na ginawa nila, medyo nagising naman ang diwa ko at napangiti.
May anim na grupo sa silid at hinanda na namin ang whiteboard para sa magiging gamit namin na pangsagot.
"The game is called Riddle Riddle, Let's Not Meddle."
Sa umpisa ay lahat nakaka-score. It's like an easy level of the game. Nagpapalakpakan pa at hiyawan ang bawat grupo. Nagtatawanan na lamang kami pag may mga nandadaya. Mayroon kasing isang grupo na halos puro lalaki ang miyembro at nakikipaglokohan lang.
BINABASA MO ANG
Lost Soul (A Way Back To One's Self)
Espiritual[UNDER MAJOR REVISION] A paradox story between life and death situation. A story that talks about losing the vital core of yourself. A story that is losing its touch to oneself. "How do you feel when the way you are right now is not aligned with how...