The Quest 2
"Brianna!"
Panay ang takbo ko. Hindi ko alam kung saan ang tungo ko pero nakakaramdam ako ng takot. Ano 'to? Isa na naman ba itong alaala ko?
"Come here, Brianna!"
Pinanindigan ako ng balahibo nang marinig ko ang boses na iyon. Parang pamilyar sa akin pero dahil pinapangunahan ako ng takot ko, pinanitili ko ang sarili ko na magtago. Pinasadahan ko naman ang paligid ko. Mga nagtataasang puno ang pumapalibot, madilim at tanging liwanag ng buwan ang nagbibigay liwanag, tahimik at tanging sipol ng hangin lamang ang bumabasag.
Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang sarili ko na lumikha ng ingay. Basang-basa ako sa pawis at sa luhang tumatakas sa akin. Ano ito? Bakit parang may tinatakbuhan ako? Pakiramdam ko ay nanganganib ang buhay ko.
Ang buong paligid ko ay tila unti-unting lumalabo at naglalaho. Napapikit ako sa isang liwanag na kumakain sa paningin ko. Ang muling pagkamulat ko ay nagsasabi na nasa ibang lugar na naman ako sa memorya ko.
"Brianna!"
Hindi ko maanigan ang boses ng lalaki na tumawag sa akin. Pero sigurado akong pamilyar ang boses niya.
"I love you!" aniya.
Muli ay para akong nakarinig ng matinis na tunog na halos basagin nito ang tainga ko kaya't napatakip ako rito. Kinain na ng tuluyan ng puting liwanag ang paligid ko at mariin akong napapikit dahil sa silaw.
"Brianna!"
"Brianna! Hold on!"
"Brianna, just fight!"
Napabalikwas ako sa pagkakatulog ko dahil sa maingay na alarm na lumikha mula sa phone ko. Habol ko ang hininga ko at ramdam ko ang pagkapawis ng buong katawan ko. Unti-unti na akong nasasanay na ganito ang lagi kong gising. Na tila lagi akong hinahabol ng mga malalabo kong alaala.
Pilit ko munang pinakalma ang sarili ko at hinayaan na maging normal ang takbo ng puso ko. Nang imulat kong muli ang mga mata ko, pinasadahan ko ang kuwarto ko. Bakit ang gulo? Napatayo ako at isa-isa na pinulot ang mga kalat kong gamit pero agad din ako napatigil nang mapansin na puno ako ng galos sa katawan.
Now, I'm really sure that someone is using my body. Nakakatakot man pero kailangan kong harapin kung bakit nangyayari ito sa akin. Posible rin kaya na ang kaluluwang pumapasok sa akin ay ang dahilan kung bakit nagugulo ang memorya ko? Hindi kaya dahil nagsasama na kami sa iisang katawan kaya naman nagsasama o naghahalo na rin ang memorya namin?
Napapikit na lamang ako at nag-iisip ng mas maayos o mas konkretong rason para sa nangyayari sa akin.
Sa silid ay naging maayos at banayad lang din ang takbo ng oras sa amin. Nagsuot na lamang ako ng jacket pagkapasok ko para hindi mapansin ang galos sa mga braso ko. Paminsan-minsan ay nakakaramdam naman ako ng kakaiba sa paligid ko. Para tuloy may nanonood sa akin. Imposible na si Dustin iyon. Wala naman din bahagi ng kadiliman sa paligid para panoorin ako ng Shadow Souls.
Isinawalang-bahala ko na lamang iyon at habang ine-enjoy namin ang libreng oras namin dahil walang prof sa sunod na subject namin, nagpasya muna akong lumabas at magtungo ng library para balikan ang lumang journal na nabasa ko kahapon.
Habang hinahanap ko iyon kung saan ko itinago, sigurado na ako na may sumusunod sa akin. Kinakabahan man ako, sinigurado ko na maging kalmado at pigilan ang sarili na huwag lumikha ng ingay. Napansin ko naman na wala na ang journal sa pinagtaguan ko nito. May nakahanap kaya?
BINABASA MO ANG
Lost Soul (A Way Back To One's Self)
Espiritual[UNDER MAJOR REVISION] A paradox story between life and death situation. A story that talks about losing the vital core of yourself. A story that is losing its touch to oneself. "How do you feel when the way you are right now is not aligned with how...